Chapter 2
Arsyn's pov
"Bobo ka tanga!! Eto muna kasi, hindi mo man lang ba alam yung PMDAS?!" I sigh noong narinig ko si Crista sa sinabi nya sa kapatid nyang si Klein.
"Bakit ba!! Ikaw ah kanina kapa!! Mas matanda ako sayo tapos minumura mo ako, isusumbong din talaga kita kay mama, kita mo!!" Sinamaan pa nito ng tingin ang kapatid.
"Isang taon lang naman KLEIN!!" akala ko ba tuturuan ko sila? Bakit nagbabardagulan sila dito?
Sobrang tahimik ng garden kaninang kaming dalawa lang ni Ashlee, pero nung dumating ang dalawang to, saka na nagsimula ang ingay.
Sobrang gulo rin nilang dalawa, paminsan minsan ay natatabig ako ni Klein kaya iirapan ko to, tapos ay mananahimik naman ito.
"Klein tama si Crista, need mo talaga gamitin ang PMDAS. And yung value ng mga letters, eto" inabot ko sa kanya ang papel na naglalaman ng mga value ng mga letra at kung paano i solve ang kaninang tinatanong nila.
Kinuha naman nito ang papel saka kumunot ang noo. Nilingon ako nito kaya tinaasan ko ng isang kilay.
Umiwas naman sya ng tingin napansin ko rin syang lumunok.
Natapos ang walang katuturan na pagtuturo ko sakanila dahil puro sila bangayan magkapatid.
Pumasok na ulit kami for afternoon class. Hanggang 2:30 pm lang naman.
Dumating ang uwian ay nagsilabasan na ang nga kasama ko sa classroom.
"Class dismiss"
Maging sila Klein at Crista. Kasi sinabunutan ni Crista ang kapatid noong palabas sila.
Sa pagkakaalam ko ay isang taon lang ang agwat nila sa isa't isa. Pagkapanganak kay Klein, three months later nalaman na buntis ang mama nila, so same month din sila ipinanganak.
Same month, pero magkaiba ng year.
"U-uuwi kana?"
Nagkibit balikat ako sa tanong ni Ashlee, ang sabi kasi susunduin ako nila mama.
"Ikaw?" Tanong ko sakanya.
"Hihintayin ko pa si mama"
Dumating ang 5 ng hapon pero wala pa rin akong sundo.
Si Ashlee naman ay kanina pa nagdo drawing sa sketch pad nya, saka rin ito may isinusulat sa tabi ng drawing nya.
Magaling pala sya sa arts.
"Zarkin, let's go" napansin ko ang adviser namin na papalapit dito sa gawi namin.
Pero parang walang narinig ang katabi ko dahil patuloy pa rin ito sa ginagawa. Hanggang sa nasa tapat na namin ang mama nya ay saka nya lng ito napansin.
"O-oh, mama"
"I said let's go Zarkin"
"But mom, wala nang tao sa school, and si A-arsyn wala pa sundo nya" nagulat naman ako sa sinabi nya.
Ano naman kung wala yung sundo ko?
"It's fine, I can manage naman. Besides baka nandito na sila mommy nyan" I smiled to assured him.
"O-okay" tumango na rin ang mama nya saka naglakad palayo.
Tumayo naman si Ashlee saka sumunod sa mama nya.
Nanatili akong naka upo saka ko lang napansin yung sketch pad.
Nilingon ko sila Ashlee pati ang mama nya, hindi pa naman sila nakakalayo kaya hinabol ko muna sila.
Nasa loob na ng kotse ang mama nya at sya naman ay papasok palang.
"Hey!!" Tawag pansin ko dito. Napunta naman sa akin ang atensyon nya at hindi maintindihan ang mukha.
Siguro iniisip nya bakit ko pa sya hinabol.
"You forgot this" sabay abot sa kanya ng naiwan nyang sketchpad kanina sa bench.
Inabot nya naman ito saka lumapit din ng bahagya sa akin.
"Thank you" sabi nito sabay halik sa pisngi ko. Pagkatapos non ay dali dali syang tumakbo papunta sa kotse ng mama nya.
Napahawak ako sa pisngi ko, nakaramdam ako ng kahihiyan.
Arsyn Leon Delphine Salvador Catteneo why are you suddenly feeling shy!!
This is not you self.
Habang pabalik ako sa bench na kinauupuan ko kanina ay may sasakyan na humarang sa akin.
Kumunot ang noo ko, pero noong bumukas ang pinto ay lumabas doon ang isa sa family driver namin, Lando.
"Miss Delphine, pasensya na at natagalan kang sunduin. Buong akala ho kasi namin ay nasundo na kayo nila Señor" kaya pala.
Hindi nalang ako kumibo saka tahimik na sumakay.
"Good evening Miss" bati ng mga maids, tinaguan ko lang sila saka tumungo sa kusina.
"Nasaan po sila mommy?" Tanong ko sa isang maid. Nagre restock ito ng mga pagkain sa kitchen.
"Naku iha, pinuntahan nila ang ate mo, may pinapabili raw na bag doon sa mall, akala ko naman ay sinama ka nila dahil nalampasan nila ang school mo" uminom ako ng gatas saka nagpasalamat bago ako tumungo sa kwarto.
Akala ko naman ay ako ang susunduin nila. Ayon kasi ang sinabi ni mama kanina.
Sa sobrang pag iisip ay nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko ay nasilaw ako sa araw na kakasikat lang sa bintana ko.
Nag ayos na ako saka bumaba. Pagkababa ay naabutan ko si ate na may hawak ang LV bag.
"Thank you talaga mommy!!" Niyakap pa nito si mommy saka pinaghahalikan sa pisngi.
"No problem sweety"
"Morning" bati ko sakanila. Saka naman nabaling sa akin ang atensyon nila.
Umupo na si ate pagkatapos noon ay tumabi na ako sa kanya.
"Nice bag" komento ko habang kinakain ang bacon.
Nakita ko itong ngumiti sa akin at tinigil ang pagkain sa omelette na nasa plato nya.
"Thanks!!" Magalak nitong sabi.
"Leona" tawag sa akin ni dad.
"Yes, dad?" Tanong ko rito.
"I'm sorry we didn't pick you up-" buti nalang talaga nandoon si Lando.
"It's fine dad, no worries. Also, Lando fetch me 5:30 pm after. Even tho we are dismissed at 2:30 pm" simple kong sagot.
Kita ko sa mukha nila ang guilt, bakit naman?
Palagi naman ganito, akala ko pa naman magiging fair na sila. Sana naman sa susunod tumupad na sila sa usapan.
"Alis na po ako, male late na" nagpunas ako ng bibig saka na tumayo.
"Anak, sabay kana sa amin ni ate mo-" singit ni mom.
"There's no need mom. Kaya ko na. Dad, ate una na ako" di ko nalang pinansin ang iba pa nilang sinabi.
Lumabas na ako sa double door at nakitang nag aabang na doon ang maghahatid sa akin sa school.
"Ihatid mo ako sa may likod ng school" sambit ko.
"Alright Miss"
YOU ARE READING
The Nerd's Dirty Little Secret
RomanceArsyn Leona Delphine Cattaneo and Zarkin Ashlee Lombardo's agreement. Let's find out what kind of agreement they made. Author C: Hiii this is my second story, hope you guys will like it, this is not a perfect story as you imagined please be warned. ...