Chapter 3
Arsyn's pov
Nakakatamad talaga sa school kapag walang teacher.
Napadukdok nalang ako sa mesa saka pumikit. Medyo nakakahilo rin kasi, sobrang init.
"Woohoo party party!! May meeting mga teacher!! Ano pre arat cafeteria!!"
"Tanginamo papalibre ka nanaman!!"
"Pakyu pinakopya kita kanina sa test sa mapeh!!"
"Gago parehas tayong 21 over 50!!"
Hindi ko nalang pinansin ang mga kaklase kong ubod ng ingay.
Kailangan ko rin palang mag review mamaya, first quarter periodical test namin bukas.
Mabuti nalang mga average subject ang uunahin bago yung mga mahihirap.
"Ingay talaga ni James, pala mura pa hays. Alam mo ba Ars, nanligaw sakin yan? Like duh? Ang bata bata pa namin tapos landi agad aatupagin nya? Saka nalang kamo kapag naka 40 na sya sa mga exam and quiz. Puro nalang below 30 tapos minsan umaasa lang sa bonus. Pariwarang lalaki tsk tsk. Ay oo nga pala nakita ko kahapon yan sa mall, pinapalo ng mama nya hahahaha!!" Huli ko na napansin na katabi ko na pala si Crista.
"Hoy yung upuan mo, malalagot ka kapag may naka kita sayo" sabi ko. Dito kasi sya sa harap ko nakaupo, nakipagpalit. Dahil dati ay first row sya.
"Asus eh ano naman? Ikaw ah? May care kana sakin" lumapit pa ito at inakbayan ako.
"Crush mo ako noh?" Sambit nito kaya nalaki ang mata ko saka sya medyo inilayo sa akin.
"G-gaga ka ba?" Tanong ko rito, at sya naman ang nagulat sa sinabi ko.
"Omg!! Nagmumura ka pala?!! Sayang hindi ko nai record!! Ashlee narinig mo yon ha? Ha? Nagmura si Arsyn!!" Tila tuwang tuwa pa ito sa sinabi ko sakanya.
Umiling naman sa kanya si Ashlee. Napalabi so Crista saka kami inirapan, sinunod naman nito ang pag tayo.
"Hmp bahala nga kayong dalawa dyan. Bwiset. Klein!!" Bahala rin sya sa buhay nya, tss.
Buong oras na walang teacher ay nanatiling nasa black board lang ang tingin ko.
Ilang minuto lang ay napatingin ako kay Ashlee. Hindi agad ako nakagalaw nang mapansing nakatingin rin pala ito sa akin.
Namula ang dalawang matambok nyang pisngi saka nag iwas ng tingin.
Pinagpatuloy nya ang ginagawa nya. Eh ano nga bang ginagawa nya? Doon ulit sa drawing nya na may sulat sulat.
Napairap nalang ako saka ulit natulog.
"Pst, Arsyn gising. A-ano lunch na" naramdaman kong may mahinang tumatapik sa balikat ko.
"Hmm, mamaya na" sabi ko saka pinagpatuloy na matulog.
Pagkatapos non ay wala na akong naramdaman na nang gugulo sa akin kaya naging payapa ang pag tulog ko.
"Good afternoon class" nagising ako sa ingay na yon. Mukhang afternoon class hours na.
Mahirap man pero pinilit kong maging gising nalang. Baka may mahalagang discussion.
"I just want to inform all of you na walang pasok this afternoon and maging bukas. Postponed ang periodical test nyo bukas. In the next day nalang kayo magte take. Good afternoon and class dismiss" mas lalong nag wala ang mga kaklase ko sa anunsyo ng teacher.
Ano naman ang gagawin ko sa bahay ngayon at bukas?
"Uuwi kana?" Tanong ko kay Ashlee.
"Hindi pa. Baka mamayang 6 pa kami maka uwi ni mama" tumango ako sa sagot nya.
I texted one of our maids, sabi ko mamayang five nalang ako sunduin.
"Tara" aya ko sa kanya saka ko binitbit ang pink ko na bag.
"H-ha? Saan tayo pupunta?" Nagtataka nitong tanong sa akin.
"Maglilibot" agad kong saad dito.
"A-ano kasi Arsyn, b-baka hindi ako payagan ni mama" kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Bakit naman sya hindi papayagan ni teacher Cecille?
"Tss, papayagan ka non. Sabihin mo nalang magrereview tayo doon sa may nagmi milktea" paliwanag ko dito.
Tinaguan nya naman ako ako. Sinamahan ko sya kung nasaan nagmi meeting ang mama nya pati ang ibang teachers.
Mga ilang minuto lang naman ang itinagal nya sa loob ng office, dahil kalaunan ay lumabas na sya.
"T-tara na" hinatak ko ang kamay nya saka kami lumabas sa school.
"Hoy san punta nyo?!" Nakita namin si Klein at Crista na pasakay sa isang kotse.
"A-ano lilib-"
"Review!!" Sabat ko.
"Ay okay!! Sige review well, uwi na kami!!" Tinanguan namin sila bago kami tuluyang umalis.
Bumili muna kami ng mga pagkain like c2, water, chips etc.
"Tara doon tayo" sabi ko. Sinundan naman nya ako. Pumunta kami sa isang sementeryo.
"A-aano tayo dito?" Sobrang dikit nya pa sa akin na para bang takot na takot.
Nagsalubong ang kilay ko sa inaksyon nya.
"Bakit ba parang takot ka ha? Lalaki ka hindi ba?" Nakataas kilay kong tanong dito.
"O-oo nga pero kasi, Eh bakit dito? Anong gagawin natin dito?" Inirapan ko sya sa tanong nya.
"Dito tayo magre review, libot na my halong review, gets mo?" Pilit nalang syang tumango sa akin.
Nagsimula na kaming mag aral, tinuturuan ko sya kaso minsan ay walang katuran turan ang tinatanong nya kaya nababatukan ko.
"Paano nagagawa yung mga baby Arsyn?" Katulad nalang neto.
Nakabasa na ako ng mga science books kung paano gumawa ng bata. At rated 18 plus yon.
"Basta, kapag nalang malaki kana" naiirita kong sabi dito. Pero hindi sya nagpatinag.
"P-pero pano nga? Sabi kasi ng tita ko gusto daw nila gumawa ng baby ng uncle ko" nakanguso nyang sabi.
Kinurot ko naman ang pisngi nya. Ang taba, pero hindi mo yon mapapansin kasi maganda ang hugis ng mukha nya, pogi.
Namula ako sa sariling naisip, saka ko tinanggal ang kamay na nakalapat sa pisngi nya.
"Next time ko nalang ipapaliwanag Ashlee, ano kasi. Hays basta hindi yon pambata" lalong humaba ang nguso nya.
"Eh bakit ikaw alam mo? Bata ka rin naman ah" letchugas na to.
"Basta nga!! E-eto na muna unahin mo, tapos titignan ko kung tama. Kita nalang tayo bukas" sabi ko dito. Nanlaki naman ang mata nya.
"B-bukas? Hindi ba walang pasok bukas?" Parang bata nyang tanong, I mean literal naman na bata pa kami pero, yung parang 5 year old ganon.
"Alam ko, kita nalang tayo sa school okay?" Sambit ko na sinang ayunan nya.
YOU ARE READING
The Nerd's Dirty Little Secret
RomanceArsyn Leona Delphine Cattaneo and Zarkin Ashlee Lombardo's agreement. Let's find out what kind of agreement they made. Author C: Hiii this is my second story, hope you guys will like it, this is not a perfect story as you imagined please be warned. ...