JayKim's POV
Pauwi na sana ako dahil sa tinawagan ako ni Doc. Mendoza na ngayon gaganapin ang ultrasound ko para malaman na ang gender ni baby it's been two months na din kase simula nung na buntis ako. Nakita ko si Dhina na parang inaaway ang isa sa mga trabahador dito nag tungo ako dun at pinababayadan ni Dhina nang 100,000 na danyos para lang sa gasgas?! Nang maka sumbatan ko sya ay umalis ito ewan ko nainis ata.
"Salamat po talaga kamahalan" ang pag papasalamat ng trabahador na babae
"Naku wala po iyon, sige po mauuna na ako" ang saad ko
"Ah teka po ito po hinog na mangga matamis po ito kung gusto nyo po" ang sinabi ni
"Ay sige sige po salamat po ah ingat po" ang saad ko
Umalis na ako at walang tao sa loob nang palasyo inisip ko na baka nasa kwarto lang si Sean pero wala talaga baka may pinuntahan lang inisip ko na tsaka ko nalang sasabihin pag naka uwi na ako. Nag palit na ako nang ka aya-ayang kasuotan at sumakay na sa Royal car kalaunan. Sinabi ko sa isang guard na pag hinanap ako ni Sean sabihin nyo nalang na nag pa check-up ako.
Ilang minuto ang binaybay namin at nakarating na kami nang Royal Hospital. Pumunta na ako sa ultrasound room at pumasok na si Doc. Mendoza na naka suot nang green na damit. Pinataas nya ang damit na suot ko at pinahiran nang gel ang tyan ko saka may tinutok na kung anong bagay nakita sa monitor ang pag galaw nang isang walang ka muwang muwang na fetus.
"Ah kamahalan babae po ang anak nyo" ang pag sabi nu doc.
Babae?! Shett huhu natupad ang pinangarap ko babae ang anak namin.
"Talaga doc?!" Ang pag reaksyon ko
"Yes, and mukang healthy po ito" ang sabi nya.
Nakita ko naman na parang may prinint si Doc. at ibinigay ito sakin. Nakita ko ang Black in White na print na may hugis bata. Nag pasalamat na ako at habang pababa kasama ang guard ko wala si Henry pina day off ko muna para matutukan nya ang pag aalaga sa anak nyang may sakit natawa nga ako dahil sa tatlong lalaki ang anak nya na triplets tapos ipinagalan nya Alvin, Simon, Theodore o diba ang lakas maka Chipmunks. Naka alis na kami sa Royal Hospital at binaybay na ang direksyong papunta sa palasyo nag vibrate naman ang phone ko nang may tunawag nakita ko si Sis Paula na kanang kamay ni Inang reyna na pinasasabi na naka uwi na sila at nasa palasyo na. Excited na ako na ipakita ang ultrasound ko huhu lalo na sa asawa ko. Yes mahal ko na si Sean at di na KAIBIGAN ang tingin ko sa kanya kundi KA-IBIGAN na.
Bumaba na ako nang sasakyan at nakita ko na nasa labas si inang reyna at amang hari pero si Sean ay Sumakay sa isang sasakyan papalapit na ako nang iba ang naramdan kong kabog nang dibdib ko na para bang may nag babandya na isang panganib kinibit balikat ko na ito at nag patuloy sa pag lalakad nang umandar ang sasakyan na kung saan nalasakay si Sean at bigla ito sumabog
*BOOOOOM!!*
Nanlaki nalang ang mata ko nang makita ko ang pag sabog na kung saan nandun si Sean sa loob nanlambot ang mga tuhod ko at napaluhod nalang sa semento na kinatatayuan ko maski sila Inang Reyna at Amang Hari ay ngayong naka luhod din gaya ko.
"SEAAANNNN!" ang malakas ko na pag sigaw
Ang mga trabahador ay agad na inapula ang apoy na nag mumula sa sasakyan. Inalalayan ako nang isang trabahador at pumunta kila inang Reyna.
"SEANNN!" ang pag hagulgol ni amang hari
Si Paula ay inaalalayan si inang Reyna na ngayon parang nag ko-collapse na hawak ko padin ang brown na envelope na ipapakita sana kay Sean pero ang isang masayang araw ko eh ngayon malungkot na.
Third Person's POV
Napag tagumpayan nang mga trabahador na maapula ang apoy at tulong tulong sila na ilabas ang Prinsipe at ang driver na kasama sa loob nang sasakyan. Malubha ang kalagayan nilang dalawa ngunit sa kasawiang palad ay pumanaw na ang driver si Sean ay nag aagaw buhay pa may dumating na na ambulansya at agad na isinugod ang dalawa sa hospital. Gayundin sina Amang Hari, Inang Reyna, Jaykim, at si Paula na kanang kamay ng Reyna ay sumunod sa ambulansya.
"Kung kelan ngayong masaya ang ibabalita ko ngayon pa may nangayaring ganito" ang pag sabi ni Jaykim na patuloy padin sa pag iyak habang hawak ang isamg brown envelope.
Nang makarating na sila sa hospital ay isinugod agad sa O.R. ang prinsipe upang obserbahan kung mabubuhay pa ito. Samantalang ang driver naman ay idineklarang Dead On A Rival. Halos limang minuto na ang inaantay nang Royal Family sa labas ang O.R. makumpirma lang na mabubuhay pa ang anak nang reyna at hari. Kalaunan at lumabas na ang doctor at sinabing Stable na ang kalagayan ng Prinsipe at mamaya ililipat na sa I.C.U. para ma obserbahan nang mabuti.
"Ina, Ama, umuwi na po muna kayo alam ko pong pagod na pagod na kayo kakauwi nyo lang ho kaya naman mag pahinga na po kayo ako po munang mag babantay kay Sean" ang pag sabi ni JayKim kila Reyna at Hari
"Hindi, hindi ako aalis dito gusto kong makita ang anak ko" ang wika nang inang Reyna
"Tama si JayKim umuwi na muna tayo para maka bawi nang lakas at bukas tayo naman ang mag babantay sa anak natin" ang sabi nang asawa nang Reyna
"Kamahalan tama po sina Amang hari at ni JayKim" ang sabi naman ni Paula.
Tuluyan na ngang umalis ang mag asawa at naiwan si Jaykim sa labas nang O.R. na naka upo sa upuan kasama ang tatlong naka tayo na body guard.
"Sinong may gawa sayo nito?!" Ang saad nya habang nayuyupi na ang hawak nyang envelope
"Sisiguraduhin kong mahuhuli ang may sala nito sayo" ang mahina nyang tugon.
Ngayin inilabas na ang Prinsipe habang naka higa sa Hospital Bed ay tulak tulak nang tatlong mga nars at sinundan ni JayKim patungo sa Intensive Care Unit.
_____
except some ERRORS mga gurll
press the ⭐ THANKS
AISHITERUUU

BINABASA MO ANG
The Crown Prince [bxb/mpreg]✔
RomanceCOMPLETED HR: #1pinoybl HR: #1kwentongpinoy HR: #5thrilling HR: #7pinoy Ating kilalanin ang pagmamahalan nila Jaykim Montevano at ang isang kilalang tao na si prinsipe Sean Marc Darala. Sa di inaasahang pagkakataon magtatagpo ang mga landas nila at...