CHAPTER 05

29K 872 66
                                    



Good evening! Dahil sure win na si bbm at sara may 4 books po ako na ipapamigay. Yung details kung paano sumali ay nasa fb page ko.


And again no need na magtanong kung bakit sila dahil sila ang napupusuan ko noon pa. Dds po ako😆 so syempre support din sa anak at sa katandem niyang si bbm.

Wag niyo na din akong lapagan ng credentials real talk tayo hindi lahat ng nasa libro ay tama at hindi lahat ng natututunan niyo sa eskwelahan ay magagamit niyo. Lamang ng madiskarte ang may pinag-aralan👌🏿 tested ko na po yan.








Pinalibot ni Maximum ang tingin sa loob ng bahay ni Lizzeth, it's a bungalow type house. Hindi ito malaki at hindi din ito masasabing maliit, tama din ang kaibigan niya na si Rios na nakatira talaga ang dalaga sa loob ng subdivision ng kaibigan nilang si Samuel at hindi doon sa squatters area na pinag-hatidan niya dito noong una. Magkaiba nga lang ang streets ng sa kaibigan niya at mas mauuna ang sa bahay ng dalaga.





"You live alone here or with someone?" Tanong ni Maximum matapos maupo sa couch na naroon.





"Alone with my coco Maximum prime." Naupo ako sa sofa dahil kanina pa talaga kumikirot ang puson ko sa sasakyan niya. "Uugghhh ang sakit talaga." Mahina kong sabi.


"Maximum will do Lizzeth at wala ng prime." Pagtatama ng binata, ginawa pa siya nitong isang movie character. "Who's Coco?" Curious na tanong niya. Coco? Lalaki ba ito? Boyfriend niya? Asawa?





"It's my vietnamese pot-bellied pig, nasa backyard siya kaya hindi mo siya makikita dito. Tsaka mas bet ko tawagin kang Maximum prime ang astig pakinggan parang si Optimus prime lang." Nangingiti ko na sabi sa kanya. "Salamat nga pala sa paghatid Mr. Gallego."




"You can call me on my name Lizzeth not Mr. Or with my last name or with prime." Sabi na naman ni Maximum, ang kulit talaga ng babaeng ito.




"Ang choosy mo talaga, syempre gumagalang lang sa matanda kaya may Mr." Humiga na ako sa sofa, bahala siya diyan.





Pinaningkitan naman ito ng mata ni Maximum. "I'm not old Lizzeth, sinabi ko na sayo yan."




"Kaedad mo si Kuya Rios diba? so dapat kuya din talaga ang tawag ko sayo. Kuya Maximum ganerrnn!"





Nilapitan ni Maximum ang dalaga at hinila ang upuan na naroon para magkaharap sila. Magaling talaga ang babaeng ito na mang-asar. "You have a nice house, a car then why you're working on In and out store?" Tanong niya dito, nakita niyang may nakaparadang kotse sa garahe nito pagpasok nila kanina. Toyota vios lang naman pero kotse pa din yun, kaya nagtataka siya kung bakit nagco-commute pa ito samantalang may kotse naman pala na puwedeng gamitin.




"Pamana ito ng parents ko sa akin, itong bahay." Kuwento ko sa kanya. "My dad was a dentist and my mom was a plain housewife. Ako lang ang anak nila, magandang anak to be exact. But when my dad passed away 4 years ago ako lang at si mommy ang natira. I'm working that time in Switzerland kung saan kami nagkakilala ni Amethyst. Kaka-graduate ko lang noon sa college then I decided to go there, and to short the story two years ago namatay naman ang mommy ko kaya ako na lang ang natira dito sa bahay at hindi na ako bumalik pa sa Switzerland." Nginitian ko siya ng tipid matapos kong magkuwento, madami na din nagtanong at nagsabi sa akin kung bakit pagbebenta ng sex toys ang trabaho ko samantalang graduate naman ako sa isang kilalang University sa kursong Political science pero ano bang magagawa ko? I like my work on In and out store, masaya ako doon, period.




"How old are you Lizzeth?"




"24, never been kissed never been touched!" Pero napahawak ako sa braso niya ng makaramdam na naman ako ng sakit sa puson ko. "Umuwi ka na nga Maximum para makatulog na ako." Pagpapalayas ko sa kanya.





Napaawang ang bibig ni Maximum sa sinabi ng dalaga, no one tried to say that to him pero ito parang hindi man lang natatakot na sabihan siya ng ganoon. "Pasalamat ka talaga at hindi kita naging empleyado, either tanggal ka sa trabaho or ilalaglag kita sa barko ko."




"Sussss tagal."




Napailing na lang siya. "Hindi ka pa kumakain, I can order food for you if you want. Pero hindi sa fast food." Ani pa ni Maximum.




Para naman akong nabuhayan ng loob ng makarinig ng pagkain. Pero matagal pa dadating kung mag-oorder pa siya. "Oo nga Maximum gutom na talaga ako, pero wag ka ng mag-order ng pagkain magluto ka na lang sa kusina may stocks naman ako sa ref eh."



"Come again?" Inuutusan niya ba ako?



"Ipagluto mo na lang ako sabi ko, pero kung hindi ka marunong magluto okay lang. Matutulog na lang ako at umuwi ka na." Sabi ko ulit sa kanya.


Ooohh geeezz inuutusan niya nga talaga ako! "I can cook." Sabi ni Maximum.




"Really?" Napaupo na ako, buti naman at may pakinabang! "Thank you! Magsaing ka na din ha! Nandoon naman sa kusina yung rice storage at rice cooker ko so makikita mo agad yun. Hotdog na lang din ang lutuin mo tsaka itlog para mabilis lang. Salamat!"




"W-wait, saan ka pupunta?" Tanong ni Maximum sa dalaga ng tumayo ito.




"Sa kuwarto, maliligo muna ko. Sige feel at home ka muna dito sa bahay Maximum, maiwan muna kita."




At naiwang nakatulala si Maximum habang nakatingin sa dalaga. "Shit? What the hell? Hindi ako marunong magluto!"




#maribelatentastories

M.A series #07 Maximum GallegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon