Matatalim na tingin ang ginawad ni Rios ng makita niyang dumating si Maximum. Nasa San Juaquin sila ngayon at naimbitahan ni Gael at Isla dahil first birthday ng anak ng mga ito. Laking pasalamat talaga kapag nalalasing si Bullet dahil naikukuwento nito ang mga tungkol sa kung anu-ano at isa na nga ay ang tungkol sa pagtulog ni Maximum sa bahay ni Lizzeth. Nag-inuman kase sila noong nakaraan at ayon nga napakuwento sa kanya si Bullet.
"Pare.." bati ni Maximum sa kaibigan matapos niya itong lapitan, nakatayo ito at may hawak na bote ng beer. On the way pa lang daw sina Marcus at asawa nito maging si Hugo na may bagong biling helicopter ay wala pa din.
"Balita? May kinuwento sa akin si Bullet ah." Ani ni Rios at iginiya ang kaibigan sa upuan na naroon. Alas singko na ng hapon at ang ganda naman talaga ng view dito sa labas ng bahay ni Gael, nasa taas kase ito ng burol kaya naman kita mo ang view ng San Juaquin. Buhay probinsiya talaga.
"I'm good though.." hinahanap ng paningin ni Maximum si Amethyst dahil kapag nandito ang babaeng yon ay siguradong nandito din si Lizzeth.
"May sinabi sa akin si Bullet.."
Napakunot noo si Maximum. "Sinabi? Anong sinabi niya? Tinanggap niya ang inabot nitong beer."
"You called them and asked for help, nagpatulong ka daw sa kanila ni Samuel magluto ng almusal para kay Lizzeth. So my question is anong ginagawa mo sa bahay niya noong nakaraan?"
Tangina talagang Bullet yon, mahirap taguan ng sikreto. "I slept on her house, at dahil nakitulog ako sa bahay niya ay nilutuan ko siya ng almusal. As simple as that."
"Girlfriend mo na ba siya? Akala ko ba hanggang kaibigan lang? Eh bakit nakarating sa pakikitulog?"
Tanong ni Rios, tsaka kahit sabihin nito na may relasyon na sila ay hindi pa din tama na nakikitulog itong si Maximum sa bahay ni Lizzeth."Malapit na, papunta na doon."
"Tsk, pero hindi mo pa girlfriend? Nililigawan mo ba? O para ka din si Montero na bantay salakay." Ito ang isa sa kinakatakot niya kapag napapalapit sa mga tinuturing niyang pamilya ang isa sa mga kaibigan niya. Hindi niya maiwasan na tanungin ng tanungin katulad ng ganito.
"Hindi ako bantay salakay no! Tsaka alam mo yan." Tanggi ni Maximum, "And don't compared me on Hugo, hindi niya ako katulad na gago okay."
"You can't blame me, hangga't maaari ayoko ng mamaril ng kaibigan pare, at kinausap ko na din si Lizzeth tungkol dito." Sabi ni Rios matapos tumungga ng beer, of course he value their friendship but he's thinking more about Lizzeth. He knew her for quite a long time, kapatid na ito ituring ng kanyang asawa na si Amethyst. Lizzeth might be have a strong personalities but he knew she's vulnerable inside at ayaw niyang masaktan ito ng kaibigan niya dahil malamang sa malamang ay makakabaril na naman siya ng kaibigan.
"You don't need to worry pare, I'm trying my best to get her yes. At makakaasa ka na hindi ko sasaktan si Lizzeth. Dahil siya ang mahilig manakit."
Napukaw ang atensyon nilang dalawa ng makita ang paparating na kasama ni Gael, ang isa pa nilang kaibigan. Si Thunder.
"Tangina! Buhay ka pa pala!" Masayang sabi ni Rios at nakipag-kamay sa kaibigan.
"Aba, buhay na buhay pa naman syempre. Busy lang kaya ngayon lang ako nagpakita sa inyo." Sabi ni Thunder, o mas kilala sa tawag na Kulog ng mga kaibigan.
"Kamusta ang buhay-buhay? Ano nag-asawa ka na?" Si Maximum na siyang tinabihan ni Kulog.
"Malapit na, kinidnap ko na nga para hindi na makawala pa." Tatawa-tawa na sagot ni Thunder.
"Siraulo, mag-asawa ka na para hindi ka nag-iisa." Sabi ni Gael na kanina pa hinihintay ang iba pa nilang kaibigan.
Magkakasama naman sina Isla, Amethyst at Lizzeth sa loob ng bahay nila Gael. Kakatulog lang ng anak nila Isla kaya naman binaba niya agad ang dalawang kaibigan matapos makatulog nito, napagod ito kanina ng gusto sa party na ginanap nila dito din sa Paraiso.
"Nandito na pala si Maximum Lizzeth, nagtext sa akin si Rios ko." Si Amethyst na gandang-ganda sa full size mirror sa loob ng bahay ni Isla, kanina pa ito nananalamin doon.
"I know.." at may tinuro ako sa labas ng bahay, glass house kase itong bahay nila kuya Gael kaya naman kitang-kita mo ang labas. "Kumpleto na sila."
"Nandiyan na silang lahat?" Si Isla na excited makita ang mga kuya-kuyahan niya at tumingin na din sa labas ng bahay.
"Yes, kumpleto na sila." Si kuya Marcus, Bullet, Samuel, Rios at si Hugo panget ay nandoon na. May isa pa na hindi ko kilala pero kasama nila sa lamesa. Nakita namin si Ara na kumaway at papunta sa amin kasama nito si Elaine na asawa ni kuya Bullet at si Amara na asawa naman ni kuya Marcus. Maski si Brielle na pinsan ni doc Abby ay nandito din pala.
"Oh my god, oh my god kumpleto tayo ngayon!" Ang malakas na boses ni Ara pagkapasok sa loob ng bahay.
"Buti naman at dumating pa din kayo kahit wala kayo kanina sa party ng anak namin." Si Isla matapos yakapin ang mga asawa ng mga kuya niya na naging kaibigan na din niya ngayon. Akala niya hindi na darating ang mga ito dahil ala una ng hapon ang party ng anak nila pero ngayon ay pagabi na.
"Sorry, alam mo naman mahirap tumakas sa anak." Hingi ng pasensya ni Amethyst at tinuro ang isang box na kalalapag lang ng bodyguard ng asawa niya sa sala kung nasaan din sila. "Regalo nga pala namin."
"Salamat." Sabi ni Isla.
"Yung sa amin ni Samuel sa bank account na lang daw ng anak mo." Si Brielle na katabi si Amethyst.
"Kahit hindi na sana kayo nag-abala pa. " nahihiyang nginitian ni Isla ang anim na babaeng kasama niya ngayon. "Tara kumain na muna tayo para makalabas na tayo mamaya."
"Can we drink? Wahhh ang tagal ko ng hindi nakakainom kahit beer lang." Si Brielle na naka-akbay na ngayon kay Amethyst.
"Sige mabuti pa nga kumain na tayo, dahil tamang-tama may dala akong slimming juice.." si Amethyst na pinakita sa mga kasama ang isang box ng juice galing sa bag niya.
"No way!" Si Isla na tumayo na mula sa pagkakaupo.
"Tumigil ka nga sa kalokohan mo Amethyst." Si Elaine na nabiktima na din ng juice daw kuno na hawak nito pero hindi lang pala juice kung hindi nakakapag-pataas ng libido.
Hinila ko naman ang buhok ni Amethyst dahil katabi ko siya. "Masasaktan ka na sa amin pag pinainom mo pa kami niyan."
Tatawa-tawa lang na tiningnan ni Amethyst ang mga kaibigan at pumunta sa may pinto. "Kung ayaw niyo, eh di yung mga asawa niyo na lang ang papainumin ko."
"Amethyst!!" Sabay-sabay na tawag namin sa pangalan niya dahil tumakbo na ito palabas ng bahay.
#maribelatentastories