Good evening! Thank you sa mga bumili ng book ni Abby hanggang sa M.A series batch 01 sobrang malaking tulong sa akin yung pagbili niyo ng self pub book ko. Yung sa mga curious oo single mom ako at may dalawang anak na lalaki isang 12 yo at isang 7 yo. Sana bumili kayo ng Damsel in distress kase after niyan baka ilipat ko na sa Patreon. Yun lang salamat!
Maximum dialed the number of his friend Marcus after Lizzeth left him. Mukhang mapapasabak talaga siya sa kusina ngayong gabi ah!
"What?" Ani ni Marcus pagsagot ng telepono, he's not into video call specially if not his wife pero dahil minsan lang tumawag ang kaibigan niyang si Maximum sa kanya ay sinagot niya ito.
"I need your help pare, nasaan ka ba?" Tanong ni Maximum ng makarinig ng mga nag-uusap.
Hinarap ni Marcus ang camera kung sino ang mga kasama niya at kung nasaan siya, he's with Bullet, Gael and Hugo on his bar in Taguig. "Ano ba yung tanong mo at may pa video call video call ka pa?" Pinatayo niya ang telepono at isinandal sa bote ng beer sa lamesa.
"Hmmnn.. Paano ba magsaing?" Alanganing tanong ni Maximum, he's now on Lizzeth kitchen infront of her rice cooker and rice box.
Nagtawanan sina Bullet at Hugo sa narinig na ikinasimangot naman ni Maximum. Akala mo naman may alam sa kusina, eh pare-pareho lang naman kami.
"Magsaing? As in magsaing ng bigas ganon?" Ani ni Bullet.
"Yes ganon na nga, so paano nga magsaing?" Ulit ni Maximum.
"Na kaninong bahay ka ba? Tsaka may personal chef ka diba so bakit nagtatanong ka kung paano magsaing." Sabi ni Marcus.
"Basta wala ako sa bahay at wala dito ang chef ko dahil hindi sinasagot ang tawag, so paano nga magsaing?" Tanong na naman ni Maximum, naka ilang tawag na siya sa personal chef niya pero hindi naman ito sumasagot at siguradong lagot ito sa kanya mamaya pag-uwi niya.
"Ganito pare kuha ka ng bigas kung dalawa lang kayo kakain tama na siguro ang 3 or 4 cups of rice then isalang mo na sa rice cooker." Si Gael na sumingit sa usapan.
Maximum put 4 cups of rice on the rice cooker, may saksakan naman ng kuryente dito kaya agad niyang isinaksak pagkatapos mailagay ang bigas pero napamura naman ang mga kaibigan niya.
"Ay tanga, hugasan mo muna yung bigas bago mo isalang." Si Bullet matapos uminom ng hawak na bote ng beer. "Paano maluluto yan kung walang tubig? Isip-isip din."
"Ahhh huhugasan pa pala." Patango-tango na sabi ni Maximum. Inalis niya ulit ang pinaka kaserola sa loob ng rice cooker at dinala sa lababo.
"Tatlong hugas ang gawin mo Maximum, iwasan mong walang matapon na bigas para hindi masayang." Sabi ni Hugo.
Ipinatong ni Maximum ang telepono malapit sa kanya at at tsaka sinunod ang sinabi ng mga kaibigan. Hinugasan niya ang bigas ng tatlong beses. "What next?"
"Apat na cups ang nilagay mo diba? May number yang rice cooker hanggang number five mo lagyan ng tubig." Sabi na naman ni Gael, of course he knew how to cook rice. Ano pa at sa hacienda siya nakatira kung hindi siya maalam sa pagluluto.
Seryoso si Maximum sa kanyang ginagawa, sakto sa guhit ang nilagay niyang tubig. "Done, tapos puwede na ito isaksak?"
"Hindi, tikman mo muna. Kung matabang ang lasa hindi pa puwede yan isalang." Sabi ni Bullet pero agad siyang binatukan ni Marcus.