CHAPTER 23

27.7K 795 29
                                    





My mouth parted when I saw Maximum after I closed the in and out store. Nakasandal ito sa kanyang kotse at alam kong hindi lang siya nag-iisa ngayon at kasama na naman niya ang mga bodyguard niya. Pumasok na ako ngayong araw sa store dahil kahit close kami nila Amethyst at Abigail ay masisante na nila ako dami ng absent ko. Pagkatapos namin kaninang umaga mag-almusal sa bahay kasama sina Kuya Samuel at kuya Bullet ay umuwi na din naman sila at syempre si Maximum ang pinagligpit ko ng mga kalat sa kusina.




"Anong na namang ginagawa mo dito Maximum prime?" Tanong ko sa kanya ng lapitan niya ko. Alas siyete na ng gabi at gusto ko na lang ngayon ay umuwi para maka-hilata na sa kama.



"Hi, isasama kita may pupuntahan tayo." Ani ni Maximum at basta na lang hinila si Lizzeth papasok sa kanyang sasakyan.



"H-hoy! A-ano ba? Saan tayo pupunta?" Makahila wagas! Close tayo? Close tayo?



"Basta, sumama ka na lang." Nakangiting sabi ng binata at sinenyasan na ang kanyang driver na umalis na sila.



Walang nagawa si Lizzeth kung hindi maupo ng maayos katabi si Maximum. Parang mali yata talaga na hinarot-harot niya ang binata dahil ngayon ito na lagi ang pumupunta sa kanya. After almost an hour, they end up on M.D mall in greenhills, and Lizzeth knew that her Kuya Marcus own this.


"Anong ginagawa natin dito? May bibilhin ka ba?" Tanong ko ulit sa kanya pagbaba namin, pero nalanghap ko lang ang amoy niya. Gawddd ano ba kase ang pabango ng panget na to? Bakit ang bango?


"Maggo-grocery tayo." Sabi ni Maximum at hinawakan na ang kamay ni Lizzeth at naglakad na sila papasok sa loob ng mall.




Muli kong tiningnan ang rilo ko sa braso ko, pasado alas otso pa lang ng gabi pero bakit wala ng tao sa loob ng grocery maliban sa mga empleyado, sa aming dalawa ni Maximum at sa mga bodyguards niya. Eh ang alam ko hanggang alas dyis pa ng gabi ito bukas, so ano to? Hindi kaya? Oh my god baka nalulugi na ang mall ni kuya Marcus!



"Hey, ano na naman bang iniisip mo?" Si Maximum matapos humila ng isang grocery cart. Napansin niyang tahimik ang dalaga na para bang may iniisip ito.


"Hindi kaya nalulugi na si kuya Marcus? Tawagan mo kaya siya sabihin mo tayo lang ang costumer dito sa grocery niya!"


Natawa ang binata sa tinuran ni Lizzeth, so yon pala ang iniisip niya? "Silly, I rented the whole grocery for you."




I looked at him, even his four bodyguards, baka kase nag-jojoke lang si Gallego tapos ako pinag-didiskitahan. "Hindi ako nakikipag-biruan Maximum, tawagan mo na si kuya Marcus para sabihin na wala kamong ibang nag-gogrocery dito. Wala akong load kaya hindi ko siya matatawagan." Seryosong sabi ko, kawawa naman si Kuya Marcus kung nalulugi na ang mga branch niyang ito.



"I told you I rented his grocery so we can do buy your needs at home. Ayoko ng crowded place Lizzeth." Paliwanag ulit ni Maximum sa dalaga na parang hindi pa din naniniwala sa sinasabi niya. Nirentahan niya talaga ang buong grocery ng M.D mall dito sa greenhills para makapag-grocery sila ng pagkain ni Lizzeth. Puro kase process food ang laman ng ref ng dalaga ng makita niya ito kaninang umaga. And that's not healthy, kaya mas maganda kung bibili sila ng mga totoong pagkain talaga.



Parang hindi ako kumbinsido sa sinabi niya, bakit naman niya kailangang rentahan pa ang buong grocery kung mamimili lang pala kami. "Give me your phone, ako tatawag kay kuya Marcus." Tsaka ko inilahad ang kamay ko sa kanya.





Napailing na lang si Maximum at kinuha ang cellphone sa bulsa at inabot sa dalaga.





"Wala kang password?" Gulat na tanong ko ng basta ko na lang mabuksan ang cellphone niya.





"Wala, why should I?"





"Anong why should I? Natural businessman ka tsaka dapat merong password ang cellphone mo!" Kung ako na isang simpleng mamamayan lang may password ang cellphone siya pa kaya na isang kilalang tao sa mundo ng negosyo?




"I don't need that Lizzeth, wala naman magtatangkang humawak ng telepono ko." Ani ni Maximum.




Kung sa bagay may point siya doon, sino nga ba naman mag-tatangkang kumuha ng telepono niya diba? Siguradong tanggal sa trabaho pag nagkataon. Mabilis kong dinial ang number ni kuya Marcus na nasa recent calls lang naman niya at ilang ring nga lang ay sinagot na nito.



"Ano na naman Gallego? Abala ka talagang gago ka. Bakit na naman?" Singhal agad ni Marcus sa kabilang linya.



"A-ay kuya Marcus, si Lizzeth to." Nahihiya kong sabi, sungit yernn?



"Shit! I'm sorry akala ko si Gallego ang tumawag." Tiningnan pa ni Marcus ang pangalan ng tumawag sa kanya pero kay Maximum nga talagang numero ito. "Magkasama na kayo?"




"Oo kuya sinundo ako ni Maximum prime sa store, hmmnn.. tatanong ko lang nirentahan ba talaga niya yung grocery mo?" Mahina kong tanong matapos lumayo ng kaunti mula kay Maximum, apaka chismoso din naman kase talaga nakikinig pa sa usapan.




"Yes nirentahan niya talaga yan Lizzeth kaya kung ako sayo lubus-lubusin mo na. Kunin mo ang lahat ng gusto mong kunin dahil siya naman ang nagbayad niyan. Isang yate ang kapalit niyan para mapapapayag niya ako." Kuwento ni Marcus, tinawagan siya kanina ng kaibigan at sinabi nga nito na gusto nitong ipasara ang isa sa grocery niya sa kanyang mall. Yon pala ay dahil mag-gogrocery ito kasama si Lizzeth at syempre kahit pa may investment si Maximum sa mga mall niya ay hindi siya papayag sa gusto nito ng basta na lang dahil siya pa din ang may pinaka-malaking parte kaya hiningian niya ito ng kapalit at ito nga ay ang isang yate.



"My god kuya budol ka din pala!" Sabi ko kay kuya Marcus na ikinatawa niya naman sa kabilang linya.





"Sige na Lizzeth, ba-bye na. I'm with my family now, mag-enjoy kayo ha? At sabihin mo kay Maximum salamat sa yate." Paalam ni Marcus bago pinatay ang tawag.




Nahihiya kong binalik kay Maximum ang telepono niya. He's right, nirentahan nga niya talaga ang buong grocery.


"Naniniwala ka na ngayon? I told ya.." sabi ni Maximum matapos ibalik ang cellphone sa bulsa niya.




"Yes, pero hindi mo na sana nirentahan ito."


"At bakit hindi? Nanliligaw nga ako diba? At kaya ko ngang bilhan ka ng buong grocery o kaya ng buong mall kung gusto mo eh." Si Maximum na nauna ng maglakad papasok sa loob.



Naiwan naman akong nakatayo at nakatingin sa kanya. Diyos ko po! Ang galanteng manliligaw naman nito!


#maribelatentastories

M.A series #07 Maximum GallegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon