Chapter 4

2 0 0
                                    

tatlong araw na ang lumipas noong nang yari yun, kung sino ang nakakita sa paghalik ko kay kia sila lang ang nakakaalam. hindi nila pinagkalat o pinagsabi sa iba.

magkaclassmate kami kaya lagi ko sya nakikita ngunit hindi pa rin kami nag-uusap. lagi na magkasama sila joshua at kia.

ako naman sa tatlong araw na yun ang ginawa ko lang ay pumasok tapos uuwi na. sobrang boring gusto ko nga umabsent ngayon gusto ko pumunta sa sm o sa pasyalan. pero wala ako choice kundi ang pumasok, pagkapasok ko sa classroom si kia lang ang nan doon, wala ng iba kundi sya.

napatingin sya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Dirediretso ako sa upuan at umupo ako sa upuan ko. Kinuha ko ang cellphone para magfacebook. Sobrang awkward buti na lang may pumasok sa classroom.

"good morning Joshua" napahinto ako sa pagtipa at napatingin ako sa kakapasok lang si Joshua. ngumiti sya kay Kia tapos napatingin sya sa akin, agad na wala ang ngiti nya. problema nito?

"Good morning" umiwas sya ng tingin sa akin at umupo na sya sa tabi nito. Mukha silang couple habang nag-uusap. Kung hindi ko lang kilala sila baka mapagkamalan ko na magjowa. Ngunit napaiwas ako ng tingin nang tumingin ang dalawa sa akin. Baka isipin nila na iinggit ako o kaya baka sabihin na chismosa ako.

"Good Morning Guys! Ang aga natin ngayon ah mukhang pinagplanohan!" Jester said.

Ngiting ngiti ako at kumaway pa sa akin. Kesa sa kaway matanggap nya inirapan ko ito. "Ang aga aga ang sungit, siguro meron ka ngayon?" Na mula ako sa sinabi nya.

"Wala kaya!" Sigaw ko rito, nagpeace sign sya at napakamot sa buhok. Napakunot noo ko ng tubi ito sa akin. Hindi sya dito nakapuwesto.

"Tanabihan kita dahil mukha kang naiinggit kila Joshua" pinalo ko sya "hey dapat ka nga magpasalamat e, isang jester tinabihan ka" ang yabang.

"Then? Alis shoo bawal aso sa tabi ko!" Pinagtabuyan ko ito. Sumimangot sya at umalis.

"Kia sabi ni Seira mukha ka raw Aso" agad ako napalingon sa kanila. Magkasalubong ang kilay ni Kia pati ni Joshua.

"T***a sya ang nagsabi hindi ako!"

"

"

.

bilis ng oras uwian na namin, papalabas na ako ng gate wala ako kasabay nauna na sila carla may gagawin daw sila.

kaya heto ako nag-iisa ok lang naman sa akin.

nagugutom na ako parang gusto ko bumili ng fishball at isaw, iniiisip ko pa lang natatakam na ko yum.

"Seira"

"ay g***" nagulat ako dahil may bumulong sa akin, nakita ko sa tabi ko si leo kaya napayakap ako sa kanya.

na miss ko sya akala ko nakalimutan na nya ako.

"na miss mo ko no?" tapos niyakap nya din ako, hindi ba halata.

"bakit ngayon ka lang tagal mong hindi nagpakita sa akin"

humiwalay sya sa yakap at hinarap ako. nakangiti sya sa akin at pinat ang ulo ko heto na naman sya ginagawa ulit akong aso.

"sorry busy kasi ako sa banda kaya hindi kita mapuntahan, tara kain tayo kila aling marie libre ko" napangiti ako ng husto sa huli nya sinabi yes lilibre nya ako aba dapat lang no.

ang dami nya kinuwento samantala ako kain lang ng kain at tumatango sa tuwing may tinatanong sya.

"ikaw hindi mo ba ikukuwento sa akin yun ng yari sayo?" napatigil ako sa tanong nya sasabihin ko ba sa kanya nakahalik ako ng isang babae?kaso baka asarin ako nito at kulitin kung sino.

kiss a girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon