Para ako kiti kiti nakaupo dahil hindi ako mapakali, malapit na ang sasakyan namin sa bahay nila kevin makikita ko na sya yes!
Sabado ngayon kaya nagyaya si mama na pumunta kila tita lorein. Ilang beses ko na ba tinignan ang mukha ko sa camera ng cellphone ko? Siguro mga sampu na.
Nagdress ako ngayon white ang kulay nito, tinali ko ang buhok ko para fresh tignan. Ilang minuto ako nag-ayos kanina para naman magmukhang matino ako.
Sa tuwing pumupunta kami kila kevin hindi ako naglalagay ng make up or lipstick nagmumukha kasi ako inosente at mabait, kabaliktaran pag meron nagmumukha ako kontrabida o b****.
Mukha tuloy ako ngayon simpleng babae na walang kaarte arte sa katawan.
Tumingin ako sa katabi ko nang kulbitin ako, nguso agad ang napansin ko nagpapacute ang bata.
"Bakit?" Anya ko kaso hindi sya nagsalita.
Alam ko kung bakit, napabugtong hininga ako at inilabas mula sa bag ko yun chocolate na kanina pa nya gusto kainin.
"Thanks mom!" Masayang sabi ni Xathieur at agad na binuksan ang plastic nito.
Dahil nga mahilig din ako sa chocolate humingi ako dito buti na lang binigyan ako madamot kasi sya.
Huminto na ang takbo ng kotse ibig sabihin nan dito na kami. Bago ako bumaba tumingin muna ko sa mirror kung fresh pa din ako tignan.
Nang makababa ako sumunod naman si xathieur hindi pa nya na uubos yun chocolate hawak nya sa kaliwang kamay, tumabi sya sa akin sabay kuha ng kaliwa ko kamay para hawakan ng kanan na kamay nya.
Magkahawak kamay kaming naglalakad papasok sa gate ng bahay nila kevin. Ilang beses na ako nakapunta dito pero sa kada punta ko dito lagi ako naaamazed sa ganda ng bahay.
Mauuna na daw sila mama kaya naiwan kami ni xath ang bagal kasi maglakad parang pagong buhatin ko kaya?
Pagkapasok palang sa gate tanaw na agad ang lawak ng lupa, bubungad agad sayo ang malaking bahay na dalawang palapag.
Itong bahay nila kevin ay walang katabing bahay kaya wala silang kapitbahay kahit isa. Sa kanila kasi itong lupa kaya sobrang lawak, puro puno lang ang makikita mo lalo na yun dinaanan namin mga puno lang walang kabahay bahay makikita ibig sabihin ito lang bahay meron sa lugar nila.
Kumunot ang noo ko ng mapansin madaming kotse nakaparada. May bisita sila maliban sa amin?
Baka ka business nila tita lorein o kaya mga kamag-anak nila.
Tumigil ako ng mapansin na tumigil ang katabi ko kaya nilingunan ko sya. Nakanguso ulit at nagmamakaawang nakatingin sa akin.
Binitawan ko ang kamay nya at hinawakan ang beywang nya para buhatin. Nang mabuhat ko sya inilagay nya agad ang kamay nya sa leeg ko.
"Kakababa palang natin tinamad ka agad maglakad" ano bang meron sa paa nya pati paglalakad tinatamaran na.
"Hindi naman ako mabigat ah" sabay kain ng chocolate kaya na ubos na. Napansin ko na may natirang dumi sa labi nya kaya pinunasan ko ito.
Pagkapasok namin sa bahay mga boses agad ang narinig ko. May mga nagtatawanan at nag-uusap yun mga boses nila familiar sa akin.
I stop when i saw sofia she's holding a cupcake, pati sya napatigil ng makita ako. Lumaki ang mata nya at napanganga na gandahan siguro sa akin.
"Siera?" Anya ni Sofia
Lumapit sya sa akin at napatakip sa labi. Mukha syang gulat na gulat sa akin.
"Anak mo?" Pati ako na gulat sa sunod nya sinabi.
BINABASA MO ANG
kiss a girl
FanfictionHindi naman ako tomboy at hindi din ako bisexual pero bakit ko ginawa yun? I don't expect i kiss a girl, it's was my first time. What happened? Bakit bigla ako bumaliko ng dahil sa kanya? Bakit ako nagkagusto sa babae na ang gusto din ay lalaki? I t...