"Ako lang ba napansin na kanina ka pa tinitingnan ni kia?" Mahinang sabi nito sa akin kaya agad ako napalingon sa likod.
Nakatingin nga sa akin si Kia pati si Joshua. Imbes na umiwas sila ng tingin ngumiti silang dalawa. Nakakapanibago talaga kay Joshua bigla na lang nag-iba.
Siguro dahil kay Kia syempre crush nya kaya dapat pa goodshot sya ngek.
"Kaylan pa ngumiti sa atin si juswa?" Napatawa kami ni reena sa pagbanggit ni carla sa panglan ni joshua.
"Tawa pa"
Bumalik na ang dalawa sa upuan nila dahil pumasok na si sir kaso bakit hindi si ma'am anyare boi?
"Napakinggan nyo naman ang balita na tapos na gawin at iayos ang bagong building right?" Panimula nito.
"Napagmeetingan namin na ililipat ang ibang section sa bagong building at kasama kayo doon pero ngalang paghahati hatiin kayong lahat. Alam ko na masaya kayo dahil sa wakas mag-iiba na ang mga classmate nyo diba sawa na kayo sa pagmumukha nila!"
"Yes sir"
"Nako sir dapat lang sawang sawa na ako sa pagmumuka ni marie!"
"Sana may gwapo tayong classmate"
"Bestie sana magkaclassmate pa rin tayo"
Grabe sarap sa ears sa na rinig ko. Thank you lord sana maging classmate ko si kevin pero tangina oo nga pala mas matanda sya sa akin ng dalawang taon bwesit.
Pero sana ilipat din sila sa building na yon para madali ko lang sya makita.
Si Jian nga pala kasing edad ko at may chance na ilipat sila doon. Buti na lang hindi architect kinuha nya panigurado classmate ko sya.
"Bukas makikita nyo sa harap ng bagong building ang mga pangalan at section nyo. Say goodbye to your classmate"
Sana maging classmate ko sila reena kung sakali na hindi mawawalan na ako ng kaclose.
"Bukas na maglilipatan?" Tanong ni jasper.
"Yup" Ang bilis naman pero ok lang excited na ako bukas.
Okay binabawi ko na ang sinabi ko. Kitang kita ko sa karatula ang pangalan ko sa bagong section si carla classmate ko sya pero yun dalawa hindi.
"Sis hindi na natin makakasama sila kyle"
"Dapat si reena na lang hindi ikaw kawawa ako sayo" para kasing tomboy si carla sa tuwing nagbibiruan kami lagi sya ng hahampas.
Maganda naman sya kasama kaso nakakainis pag nang aasar.
"Grabe ka sa akin, by the way nakita mo na boyfriend ni kia? Ang gwapo s**t bagay na bagay sila"
Tama ba na rinig ko?
"Engineer kinuha sayang hindi natin classmate"
Ibig sabihin nan dito na boyfriend nya, siguro na miss nya jowa nya kaya lumipat dito sana all.
Ako kaya kaylan ko kaya mararanasan maging boyfriend si kevin.
Speaking of kevin dito din sya sa bagong building at sa wakas hindi na ako mahihirapan makita sya.
Masyado marami ng tao dito kaya nagpasyahan namin ni carla pumunta na sa classroom.
Ang linis ng paligid pero mamaya panigurado madumi na to. May mga tao din nagkukuwentuhan.
Nasa second floor classroom namin samantala kila kevin third floor. Ayos lang naman ilang lakadan lang.
"Sa unahan tayo umupo ah" ano pa nga ba.
BINABASA MO ANG
kiss a girl
FanfictionHindi naman ako tomboy at hindi din ako bisexual pero bakit ko ginawa yun? I don't expect i kiss a girl, it's was my first time. What happened? Bakit bigla ako bumaliko ng dahil sa kanya? Bakit ako nagkagusto sa babae na ang gusto din ay lalaki? I t...