Kabanata 12

82 3 0
                                    


"Grabe ang saya no'n! Nood ulit tayo next time!" masiglang palatak ni Jo matapos naming manood ng live band sa plaza.

Gabi na at pauwi na kaming tatlo nina Rhys galing sa panonood. Agad kasi niya kaming inayang dalawa nang malamang may libreng konsyerto.

"Ang guwapo no'ng bokalista! Nakita mo?!" Kinalabit niya ako at impit na tumili.

Napabaling ako saglit sa kanya at kay Rhys na nasa gilid ko rin. Pinagigitnaan nila akong dalawa.

"Mala-artista ang putangina! Grabe. Ang guwapo-guwapo niya!" Humawak siya sa magkabilang pisngi niya. "Sorry asawa ko pero mas pogi talaga 'yon sa'yo!"

Naramdaman kong unti-unting dumausdos ang malambot na palad ni Rhys sa palad ko kaya napatingin ako ro'n. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin habang nagsasalita si Jo. Napatingin ako kay Rhys. Kalmado lang siyang naglalakad habang diretso ang tingin sa harap at nakabulsa ang isang kamay.

"Hay naku! Kung single lang ako, pinatos ko na 'yon!" patuloy na daldal ni Jo. "Kaso in a relationshit na ako e."

Tumingin si Rhys sa akin nang maramdaman niya ang titig ko sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Gusto kong mahiya sa gaspang ng palad ko dahil talagang dinaig niya pa ako. At kung titignan ang ayos naming dalawa, parang mas lalaki pa akong pumorma kesa sa kanya.

Malinis at plantsadong itim na T-shirt at fitted jeans ang suot niya samantalang luma at maluwang naman na T-shirt ang suot ko at maluwang din na pantalon. Kaya siguro madalas kaming lingunin ng ilang tao. Nagtataka siguro kung ano'ng meron sa amin.

"Ayown!" Dinungaw kami Jo. "Kaya pala ang tatahimik niyo kasi HHWW na kayo. Ano? Kayo na? Magjowa na kayo?"

Sabay namin siyang nilingon. Magjowa? Na kami?

"Oh ano, Nash? 'Wag mong sabihing hindi mo na naman alam?" Pinandilatan niya ako. "Naku naku! Hoy Rhys! Turuan mo nga minsan 'tong jowa mo! Napakainosente sa lahat ng bagay e."

Bahagyang natawa si Rhys. "I don't want to. I really admire her innocence. I want her to keep it. Because that's what I liked about her." Pinisil niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.

Napatitig naman ako sa kanya sa sinabi niya.

"Sus! Pa-impress! E 'di ikaw na! Narinig mo 'yon Nash?!" Kinalabit niya ako. "'Wag ka daw magbabago. Dahil doon siya na-fo-fall sa'yo!"

Sabay silang natawang dalawa. Kumiling naman ang ulo at nangunot ang noo.

"Mas bet niya daw na clueless ka palagi. 'Yung wala kang kaalam-alam sa mga bagay-bagay dahil gusto niya, siya mismo ang magtuturo no'n sa'yo." Binangga ng balikat niya ang balikat ko. "Di ba, Rhys?"

"Right," natatawang tugon ng isa. "For me to know what she should learn and not."

"Sus! Para ano? Sa'yo lang umikot mundo niya?" natatawang sagot ni Jo. "Sa'yo lang siya dedepende, gano'n? E paano kapag iniwan mo siya? Paano na?"

Napabaling ako kay Rhys dahil sa sinabi ni Jo.

"She must have learned by that time." Tumingin siya sa akin. "And besides, hindi ko naman siya iiwan. I don't want her to explore the world with other men. It should be only me."

Ngumisi siya sa akin samantalang nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung ano'ng pinag uusapan nilang dalawa pero parang napakasarap sa pandinig 'yong sinabi niya. Masarap sa pandinig kung wala akong iniisip na problema sa hinaharap. Magkaiba kami ng mundo at estado. Iyon palang, napakalaking hadlang na.

Gusto kong maging masaya sa paniniguro niyang hindi niya ako iiwan pero hindi naman ako prinsesa at wala ako sa fairytale. Mas lalong hindi ako bida sa isang pelikula upang magkaroon ng magandang wakas.

Stolen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon