Kabanata 30

111 7 1
                                    


This is the last chapter before the epilogue. Thank you so much for reading! Please bear with me until the end. :)

••

"This one's okay. This one... I'm not sure."

"How 'bout we make it more intimate? This theme will be the best pick, Mr. Esquivel."

"But I want a traditional wedding."

"Oh! So this one's the best option. It's not that outdated yet."

"Hmm...What do you think, Nasya?"

Napabaling ang ulo ko kay Rhys. Magkausap sila ng wedding coordinator na kinuha namin. Seryoso sila pareho samantalang tamad naman akong nakahalukipkip sa tabi ni Rhys.

"Ikaw bahala," tamad na sabi ko.

"Tss. You always say that almost every time I ask for your opinion. Wala na bang iba?" nakaismid na sabi niya.

"Wala naman kasi akong alam sa mga ganyan," pamamrangka ko. "Ikaw na lang ang bahala mamili dahil hindi ko alam kung paano. Baka kung ako, kung ano-ano na lang ang piliin ko."

Matunog siyang ngumisi at pinisil ang pisngi ko. "That's very you, Mrs. Esquivel."

Nagpoker face ako. Nangingiting pinapanood naman kami ng wedding coordinator.

Sa isang buwan na ang nakatakdang kasal. Naipaalam na namin sa parehong pamilya ang pagpapakasal namin at pumayag naman agad sila. Ni hindi man lang nagulat. Gusto rin ni Rhys na madaliin na ang kasal dahil wala naman daw ibang patutunguhan kundi doon.

"Here, list the people you want to attend our wedding." Binigyan ako ni Rhys ng papel at ballpen.

Tinitigan ko 'yon sa kandungan ko.

"Siguro naman, kaya mo na 'yan?" Ngumisi siya. "Invite all the people you want."

Nilingon ko siya. Sinunod ko na lang ang sinabi niya para naman may maiambag ako?

"Ang haba naman niyan?" utas ko nang ipakita niya ang sariling guest list na ginawa.

Tumaas baba ang kilay niya sa akin. "I have a lot of friends. And I want them all to witness the most memorable moment of my life."

Hindi na ako nakaimik. Tinigan ko ang ginawa ko. Wala pang sampu ang nailista ko. 'Yung kanya parang nasa singkwenta. At kaibigan palang daw niya 'yon. Wala pa 'yong mga kaibigan ng daddy niya.

Sa sumunod na araw, namili kami ng cake. Para sa akin, pare-pareho lang naman ang lasa no'n pero para kay Rhys, iba-iba raw. At nahirapan pa siyang mamili kung alin. Ang sabi ko naman, basta nakakain p'wede na. Sumimangot siya sa akin.

Hindi ko akalaing ganito pala kakomplikado ang pagpaplano. Mabusisi ang pagpili. Nakakapagod at nakakatamad para sa akin pero para kay Rhys, nakakaexcite. Tss.

"Sige ma'am, labas ka na po," magalang na sabi ng babaeng nag a-assist sa akin sa fitting room.

Tinigan ko muna ang sarili sa salamin bago lumabas.

Tumingin si Rhys sa akin na nakaupo at nagbabasa ng magazine sa couch. Napasecond look siya nang mapansin ang kabuuan ko. Unti-unting umawang ang mga labi niya at natulala.

Stolen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon