Kabanata 22

94 6 0
                                    

"Good work, hija."

Malawak na nakangisi si Gen. Magdayen sa kanyang wheelchair sa sala ng mansyon. Sa gilid naman niya nakatayo si Mr. Tim na nakangisi din. Nakatayo naman ako nang tuwid sa harap nila at nasa likod ang mga kamay.

Kauuwi ko palang galing sa misyon na ibinigay sa akin at nagreport.

"Knowing your ability, I'm confident that you'd make it," dagdag niya.

"Thank you for trusting me with this mission, Sir."

Blangko at diretso ang tingin ko sa kanya.

"Drop the formalities now, hija. You're already home," banayad na sabi niya, natatawa.

Bahagya naman akong kumalma at napabuga ng hangin. Ibinaba ko na rin ang mga kamay pero nanatiling blangko ang tingin ko sa kanila.

Home. Ngayon may matatawag na akong tahanan.

"You can take a rest now, hija. Get ready for tomorrow's dinner. We're going somewhere," si General.

Nangunot ang noo ko. "Saan po?"

"I have to see someone. He's one of the most amazing soldiers here in the country. And... it's been quite a long time since we last saw each other. I'd like to know how he's going." Ngumisi siya, mukhang excited.

Napatango naman si Mr. Tim sa kanya bilang pag sang ayon.

"Pamper yourself for tomorrow's formal dinner. I will no longer offer you money because I know you won't accept it." Ngumisi si General. "Go to salon or spa or wherever you want. Treat yourself the way you wanted."

Napababa ako ng tingin at angat ulit. Hindi na ako sumagot.

Maaga akong nagpahinga dahil gusto kong pagbigyan ang matanda. Pero ang pagpunta sa mga salon para ayusin ang sarili? Hindi na. Hindi dahil nagtitipid ako, kundi hindi naman talaga ako mahilig sa gano'n.

Wala akong hilig sa pag-aayos unless kailangan sa misyon. As disguise. Pero kung mga simpleng event lang naman na walang kinalaman sa misyon ko ay mas gusto kong isinusuot ang BDA ko.

Kinabukasan, lumabas ako upang mamili ng iilang gamit at personal hygiene. Ginamit ko ang itim kong Kawasaki Ninja na pinag ipunan ko ng ilang taon. Gaya nga ng sabi ni Gen. Magdayen, hindi na nila ako binibigyan ng pera dahil alam kong tatanggihan ko 'yon. Mula kasi no'ng kumikita na ako, nagsariling sikap na rin ako upang matustusan ang sarili.

Gusto ko na rin sanang bumukod pero naisip kong dito na lang muna ako manatili sa mansyon para mabantayan sila. Bilang kabayaran na rin ng malaking utang na loob ko sa kanila. Kahit na...sinabi na naman nilang hindi na kailangan.

Dumating ang gabi ng lakad namin. Hindi na ako nag isip nang matagal sa isusuot at 'yong BDA ko na lang ang isinuot ko. Nakapuyod nang mababa ang mahabang buhok ko at hindi na nag make up. Isang light shade ng red na lipstick na lang ang ipinahid ko sa labi para hindi naman ako magmukhang may sakit.

Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako. Hindi na nagulat ang dalawa sa akin dahil karamihan naman ng social gatherings na pinupuntahan namin ay ganito ang suot ko. Pormal. Kaya ang tingin tuloy ng mga tao sa akin ay bantay ni General. Wala namang kaso sa akin 'yon dahil kahit papaano totoo naman.

I want to keep him safe always, at least.

"Tayo na," deklara ng heneral bago itinulak ni Mr. Tim ang wheelchair niya.

Alas otso ng gabi kami nakarating sa isang mansyon sa Quezon. Malaki 'yon na may dalawang palapag at napakamoderno ng disenyo, halatang mayayaman ang nakatira sa loob.

Sinalubong agad kami ng isang mayordoma sa labas at pinapasok sa loob. Mula sa pagkakaupo sa sala ay agad tumayo at bumati ang mga naroon.

Sumaludo muna silang lahat bago nakipagkamay at nagbatian.

Stolen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon