Kabanata 13

83 6 0
                                    


"Nasya," untag ni Rhys nang biglang bumukas ang pintuan.

Sabay kaming napabaling dito at doon na nga tumambad ang mga pamilyar na tauhan. Hindi na ako nagulat nang mahawi ang linya nila at unti-unting lumitaw ang utak ng pandurukot. Ang pinakamasamang nilalang sa gusaling ito.

Ngumisi agad siya nang magtama ang aming paningin at saka mabilis na sinulyapan si Rhys sa tabi ko.

"Good job, boys. Hindi niyo talaga ako binibigo. Lalo ka na, Raya." Tumingin uli siya sa akin.

"You know him?" bulong ni Rhys na nakatingin nang deretso kay Tiyo Ray.

Matunog na ngumisi ang tiyuhin ko at muling bumaling kay Rhys. Lumapit pa siya rito at namulsa sa harapan niya, ipit-ipit ang sigarilyo sa bibig.

"Ikaw pala si Esquivel? Ayos. Mukhang tiba-tiba ako rito, ah?" Hinamas himas ni tiyo ang ulo ni Rhys na agad naman iniiwas ng isa.

"Huwag niyo siyang pakikialaman," nagbabantang sabat ko.

Nakangising binalingan ako ni Tiyo Ray at saka marahang lumapit.

"Bakit? Ano bang magagawa mo, Raya ha?" Binatukan niya ako. "Alipin lang naman kita."

"Hey!" inis na saway ni Rhys na sumubok pumalag.

Binalingan siya ni tiyo saglit bago muling tumingin sa akin at hinila pataas ang buhok ko. Tinitingala ko na siya ngayon daghil sa mahigpit niyang pagkakasabunot dito.

"What the fuck are you doing, asshole?! Get your hands off of her!" galit na sambit ni Rhys pero tinawanan lang siya ng mga bata ni tiyo.

Lumapit si tiyo ilang pulgada ang mukha sa mukha ko.

"'Wag mo nang subukang makialam, Raya. Wala ka rin namang magagawa." Iritado siyang nakangisi.

"Ano'ng kailangan niyo sa kanya?" walang emosyong tanong ko.

"Nasya!" pagtawag ni Rhys.

Natawa nang mahina si Tiyo Ray. "Kailangan? Ano pa bang kailangan natin sa isang taong naliligo sa karangyaan? Hindi ba't isa lang naman? Pe-ra. Pera na siyang nagpapaikot sa mundo. At hindi lang basta pera. Limpak -limpak na pera, Raya!"

Pabalya niyang pinataob ang ulo ko at halos mahalikan ko na ang kandungan.

"Hey! Don't hurt her!" sigaw ni Rhys. "If you need my money then I'll give it all to you. Just let us go!"

Napaangat nang bahagya ang ulo ko. Natutuwang tumawa agad si tiyo sa narinig. Maging ang mga tauhan niya. Nang tuluyan ko nang iniangat ang ulo ko ay nakita ko ang nakakalokong ngisi ni Christian sa malayong gilid. Nakahalukipkip ito at nakasandal sa pader, animo'y nanonood ng isang magandang palabas.

Bakit siya narito? Siya ba ang may pakana ng lahat? Siya ba ang nagsumbong sa tiyuhin ko na may sinasamahan akong mayamang lalaki kaya nila kami pinadakip? Pero bakit? Paano? Kalaban siya ng grupo namin.

"Madali ka naman pala kausap e. Sige. Ihanda mo na ang bilyon-bilyon mong pera para sa ulo mo." Ngumisi nang malademonyo si tiyo. "Ayos ka naman pala, Raya. Sa wakas, may pakinabang ka rin pala. Akalain mong isusuko niya lahat ng kayamanan niya para lang sa'yo?"

Natutuwang nagpabalik-balik ng tingin si tiyo sa amin ni Rhys habang nakahalukipkip.

"Bakit? Syota mo ba itong pamangkin ng asawa ko?" tanong ni tiyo kay Rhys.

Napabaling ang ulo ko kay Rhys. Hindi agad siya nakapagsalita dahil malamang nagulat sa sinabi niya.

"Pamangkin... mo siya?" marahang tanong ni Rhys kay tiyo.

Stolen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon