Kabanata 21

85 6 0
                                    

Matamlay, tulala at walang buhay akong naglalakad sa gilid ng kalsada. Tahimik at malamig na ang paligid dahil madaling araw na. Bukod sa mga sasakyang dumaraan, ingay sa mga club at kahol ng mga asong kalye nalang ang tanging maririnig.

Tulala at blangko akong nakatingin sa harap. Kahit na masakit pa ang iba't ibang parte ng katawan ko, hindi ko na inintindi pa 'yon dahil sa nangyari sa ospital. Dahil sa mga...nalaman ko.

Engaged na si Rhys. Matagal na. Pero bakit niya inilihim 'yon sa akin? Ano'ng dahilan upang maglihim si Rhys sa akin? Ano ba talagang totoong motibo o intensyon niya sa akin? Bakit niya ginawa sa akin 'yon? Bakit niya sinabing gusto niya ako pero ikakasal na pala siya sa ibang babae?

Napapikit ako at napahinto. Namuo ang luha ko sa sakit na nararamdaman. Sobrang sikip ng dibdib ko at pakiramdam ko hindi ako makahinga. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kasakit ang dibdib ko. Nahihirapan ako. Para akong mamamatay.

Kahit na parang katapusan ko na no'ng mga sandaling 'yon, pinilit kong magpakatatag. Marami na akong pagsubok na nalampasan, sakit na naranasan pero itong sakit sa dibdib ko ang pinakamasakit at tumatak sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sinunod ko nalang ang gusto ng fiancé ni Rhys na magpakalayo layo. Sumakay ako ng bus at hindi na tinignan kung saan 'yon pupunta. Nakarating na lang ako sa lugar kung saan ako dinala ng kapalaran ko.

Namuhay ako sa kalye, pero hindi na dating gawi. Dahil iniwan na rin naman ako ng tiyahin at tiyuhin ko, at wala na rin namang naghanap pa sa akin ay pakiramdam ko nakalaya na rin ako sa wakas sa mga kamay ng sindikato.

Tiniis ko ang pagod at gutom sa paghahanap buhay sa kalye. Minsan tagalinis ng sapatos, kargadora sa palengke, basurera o tagawalis sa kalye. Minsan naman nagbebenta ng sampaguita o 'di kaya'y takatak.

Nasubukan ko lahat ng maduduming trabaho. Mahirap oo pero kahit papaano, hindi masama. Nangako ako sa sarili ko noon na kapag nakalaya ako sa kamay ng tiyahin ko, magbabagong buhay ako. Hindi na ako gagawa ng masama. Hindi na ako magnanakaw, manghoholdap at mandurukot. Mahirap at mahabang proseso pero tiniis ko. Tiniis ko lahat kahit na...gusto ko na ring sumuko minsan.

"For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans for peace and not for evil, to give you a future and a hope."

Isang kilalang verse sa bibliya ang ibinahagi sa akin ng isang banyagang madre. Siya ang nakakita sa akin sa gilid ng tulay isang gabi, handa na sanang kitilin ang sariling buhay.

Wala na ako sa huwisyo noong mga panahong 'yon. Sa mga pinagdadaanan ko at nangyayari sa buhay ko, pakiramdam ko...wala nang silbi pa 'yon. Pero dumating siya, humahangos na bumaba sa isang kotse at pinigilan akong tumalon.

"God has a plan for your life. When things get tough, remember that God is in control and it’s all part of His plan — even if it’s hard to understand this time."


Iyon ang huli niyang sinabi sa akin, maluha-luha. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at matagal akong tinignan nang may awa. Napatingin ako sa palad nang binitawan niya 'yon. Isang rosaryo ang ibinigay niya sa akin bago umalis.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko habang nakatitig do'n. Wala akong pananampalataya. Hindi ako naniniwala at nananalig sa Diyos dahil hindi naman itinuro sa akin 'yon. Ni hindi pa nga ako nakapasok sa simbahan ni minsan. Wala akong alam na verse sa bibliya at hindi ko pa nararanasang magdasal.

Lumaki ako sa kamay ng mga masasamang tao kaya naging masama na rin ako, kahit hindi ko naman talaga 'yon gusto.

Kaya hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam habang nakatingin sa rosaryo. Napaluha na lang ako nang walang dahilan. Marahil...pakiramdam ko...may silbi pa ako sa mundo. At...hindi ako nag iisa.

Stolen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon