Kabanata 18

98 5 0
                                    


Plano. Kailangan naming makabuo ng konkretong plano upang magtagumpay sa misyong ito. Kaya naman, hindi pa man nakakapagpahinga nang maayos ay tumulak na agad ako sa headquarters.

Isang napakalaki at well-secured na gusali ang nasa harapan ko ngayon. Dito kami tinitipon para sa mga sikretong misyon. Aakalain mong isa lamang itong gusali ng isang marangyang kompanya pero nasa loob pala ang totoong laman.

Tumulak na ako papasok sa loob. Sa bungad palang mahigpit na ang security. Tumapak ako sa pulang linya sa baba at agad may pulang linya na nag scan sa buong katawan ko, mula ulo hanggang paa. Inilabas ko ang kanang pulso at itinapat sa scanner.

"Identity verified," anang AI nang ma-scan ang special tattoo ko r'on.

Iyon ang pagkakakilanlan namin. Sa sobrang moderno ng gusali, wala kang makikitang tao sa loob dahil automated lahat. Machine operated lahat.

Pumasok ako sa malamig at maliwanag na gusali. Gabi na pero maraming ilaw at malalakas pa 'yon kaya naman nagmistulang may araw pa rin sa labas. Ito ang lugar na hindi mo malalaman kung araw o gabi dahil walang mga bintana. Peke lahat ng bintana rito. At iisa lang ang entrada. At kung titignan, para kang nasa headquarters na gaya sa pelikula. Maliwanag at walang ibang kulay na makikita kundi puti.

Pumunta agad ako sa isang silid matapos lumabas sa elevator. Itinapat ko ang pulso ko sa pinto at agad 'yong tumunog.

"Agent 006, entering..."

Namulsa ako sa suot na long jacket at dumiretso sa mahabang mesa kung nadatnan kong tahimik na nagbabasa ng mga nagkalat na files si Diamond. Sinulyapan niya ako agad nang marinig ang AI.

Ibinaba niya ang tasa ng kape sa mesa at mataman akong tinignan, nakatuko ang mga kamay sa mesa.

"You're back," nakangisi niyang pambungad.

Huminto ako at tinignan ang mga nagkalat na  papel.

"New mission?" tipid kong sagot.

"Oh yeah?" Tumawa siya nang bahagya. "At ikaw na naman ang napili."

"Meron pa bang iba?" Kumuha ako ng isang papel at tinignan 'yon.

"Meron. Kapag... light missions." Tumawa ulit si Diamond. "Kapag ganitong deadly, ikaw talaga ang pupunta."

Tumawa siya na parang nakakatawa 'yong sinabi niya. Nagpoker face ako sa kanya. Napawi ang tawa niya hanggang maging nakakalokong ngisi na lang ito.

Kinagat niya ang labi niya at natutuwa akong pinagmasdan.

"Alam mo... lalo kang gumaganda."

Bumagsak ang tingin ko sa papel na hawak at tamad na itinapon pabalik sa mesa.

"Babae na ba ngayon ang tipo mo?" tamad na sabi ko bago nababagot na bumuntong hininga.

Tumawa siya nang kaunti. "P'wede kung ikaw."

Sinulyapan ko siya ng tingin. Alam ko namang hindi tibo itong si Dia. Mukha lang dahil parang lalaki siya umasta at pati na rin sa pag aayos sa sarili.

Naka sports bra kasi siya at camouflage pants, indicating na parte siya ng army. Si Diamond ay Intelligence officer na parte ng PSSA. At dito na siya nadestino mula no'n.

Pixie haircut ang tawag niya sa buhok niya. Kapansin pansin din ang blade cut sa isa niyang kilay at hikaw sa pusod. Bukod sa security tattoo sa pulso, may tattoo rin siyang dragon sa tagiliran.

Hindi siya tibo ayon sa kanya pero sa mga ngisi niya sa akin, konti na lang maniniwala na 'ko.

Tumawa siya nang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Tumalon siya paupo sa mesa at muling kinuha ang kape. Dumikwatrong pambabae at sumimsim bago nagsalita.

Stolen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon