Kabanata 25

96 7 0
                                    


"I'm starting to have these little suspicions, hijo." Nanliit ang mga ni General kay Rhys pagkatapos ng magdadalawang linggo na niyang pagbisita. "Is it me you're really visiting...or my granddaughter?"

Nagkatinginan kami ni Rhys. Ako na naglalapag ng tsaa sa mesa at siya na nakaupo sa pang isahang sofa, magkasalikop ang mga kamay sa ibabaw ng magkabilang tuhod.

Napansin din pala ni General 'yon. Akala ko guni-guni ko lang. Hindi ko na rin sana papansinin 'yon kung hindi lang sa pagpunta punta niya rito kahit wala si General. Tss.

"Well...uh," hindi makahanap ng isasagot si Rhys.

Kalmado naman siya pero parang nag aalangan.

Umayos ako ng tayo matapos ilapag ang tsaa ni Mr. Tim. Tumalikod na rin ako upang ibalik sa kusina ang tray kaya lang nagsalita si Rhys.

"Well uhm, can I...visit her here...once in a while?"

Napahinto ako. Saglit na katahimikan ang namayani sa buong sala hanggang sa basagin ito ng bumulwak na halakhak ni General. Napaharap ako sa kanila at tinignan ko si Rhys. Nakatingin na siya akin, kalmado.

Gustong magtaas ng kilay pero parang hindi ko forte 'yon kaya napapoker face na lang ako.

"I knew it! Is it really your intention, isn't hijo? You didn't visit me once!"

Napatingin si Rhys sa kanya at napahimas sa batok, guilty.

"Well...uh."

Ikinumpas ni General ang kamay sa ere, natutuwa. "It's okay, hijo. I guess you had it the first time you meet, huh? My hunch is right. You're interested in my granddaughter."

Gumalaw ang mga mata patungo kay General. Lumingon din siya sa akin, nanunukso. Bumuntong hininga ako at tuluyan nang pumunta sa kusina.

May gusto siya sa akin? Imposible.

Umiling iling ako sa kusina dahil napakaimposible naman no'n. Alam kong may gusto kami sa isa't isa noon at...naging kami. Pero matagal nang nangyari 'yon. Siguro naman nakalimutan niya na rin ang pakiramdam. At ako? Hindi ko alam. Sa palagay ko maninigarilyo na naman ako mamaya nito.

Inubos ang nalalabing oras no'ng araw na 'yon sa paninigarilyo sa veranda sa itaas. Malayo ang tingin at maraming iniisip. Ang akala ko umuwi na si Rhys pero nasulyapan ko siya sa gilid ng mata ko, papasok sa kinaroroonan ko.

"You smoke now too?"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paninigarilyo. Narinig ko ang pag buntong-hininga niya, nakalapit na sa akin.

"What else do I don't know about you, Nasya? How much have you changed?"

Nilingon ko siya at bahagyang nagulat dahil nasa mismong tabi ko na pala siya. Kaya pala biglang bumango ang paligid at naramdaman ko ang damit niya sa balat ko. Nakaupo kasi ako sa pasimano, nakataas ang isang paa at nakapatong do'n ang kamay kong may hawak ng sigarilyo.

Magkapantay ang tingin namin dahil sa tangkad niya. Nakapamulsa ito sa kanyang pulang hooded jacket habang seryosong nakatitig sa akin.

"Hindi mo na kailangang alamin pa 'yon," malamig na sagot ko.

"Why not?"

Nagsukatan kami ng tingin. Nakaliliyo ang brown niyang mga mata. Ang ganda no'n ay nakakahipnotismo. Umiwas ako ng tingin at muling nanigarilyo.

"Bakit pa?" saad ko kasabay ng paglabas ng usok sa bibig ko.

"Do you know that smoking is dangerous to your health?"

"Alam ko."

Nagpatuloy ako sa ginagawa.

"Second hand smoking is more dangerous. Stop that."

Stolen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon