Prologue: Confession
Shanaiah Claire McLeigh
Nigel, there's nothing to worry about confessing you're gender to your parents.
Im scared Shire, what if they don't want me as their son.
Don't worry about that Nigel, I know that they will respect you.
Sana nga.
At right timing ka kasi bakasyon tayo ng 2nd Year College, dami mo pang time para sabihin iyon.
Well I'm ready now!
Goodluck!
I immediately turned off my phone and saving up courage to tell my parents that I'm Bisexual. But clearly I don't have the guts to tell that I'm Bi.
I walked around my room and trying to calm myself and just praying to God to help me find my courage, and my prayers were heard, I have gathered courage and I'm going to confess to them now.
I walked down the stairs to see that they are doing something. "Sasabihin ko na ba o hindi pa?" Bulong ko sa aking sarili.
Wala nang aatras pa, mas mabuti na ilabas ko na ito kaysa na bumigat pa lalo ang laman ng aking dibdib, wala na akong pakialam sa kung anoman sasabihin nila. Mahalaga mailabas ko na ang aking totoong ako.
"M-Mama, P-Papa." Agad naman silang tingin sa akin.
"Bakit nak? May problema ba?" Sabi ni mama. "Pwede po ba kayo makausap?" Ninenerbyos kong sabi, di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanila, lalo na panganay na lalaki ako.
"Ano pag-uusapan natin anak?" Saad ni papa.
Sa panahong ito nagdadalawang isip na ako kung sasabihin ko pa ba ang totoo o hindi na, kasi pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa kaba.
"Ma, Pa." Nakayuko kong sabi. "Bisexual po ako. Gusto ko po ay babae pati po lalaki."
"Ano!" Galit na sabi ni papa. "Ano naman itong kalokohan mo Nigel." Sunod na sabi ni mama.
Namumuo na ang mga luha ko sa puntong ito. Pakiramdam ko ay hindi na ako tatanggapin na maging anak nila.
"Patawarin niyo ako ma, pa." Lumuhod ako at naiiyak kong sabi. Ayaw nila sa mga pumapatol sa kapawa babae o lalaki, kaya siguro pati ako aayawin na din nila.
"Bitawan mo ako." Sabi ni papa. "Bakit ka ganyan Nigel! Kung sino pa ang panganay ikaw pa ang naiiba!" Sigaw ni papa.
Binuhos ko na lahat ng luha ko. Di ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko.
"Ganda mong lalaki Nigel, papatol ka lang sa kapwa mo lalaki, ano na sasabihin sayo!" Sabi ni mama. "Nakakahiya ka!"
"Saan kami nagkulang Nigel! Bakit ka naging ganiyan!"
Bumuhos pa lalo ang aking luha sa sinabi ni mama, di ako makapaniwalang sinabi niya sa mismo niyang anak na kinakahiya niya ako.
"Kaya ayaw ko umamin sa inyo eh!" Sigaw ko sa kanila. The room is full with silence na sinagot ko sila. "Natatakot ako na kung ano sasabihin niyo sa akin kung umamin akong Bisexual ako."
YOU ARE READING
Are We Meant To Be?
RomanceMark Nigel Martinez is a bisexual that is disowned by his parents, judge by society, and mentally abuse, he even almost committed s**cide because of the society. Gladly Shanaiah Claire McLeigh or Shire is there for Nigel. They're comfortable with ea...