Chapter 1: Judgement
"Iho diba ikaw ang anak ni Patricia?" Tanong ng matanda. "Opo, ako nga." Nag-alinlangan kong sabi.
Alam ko na may nalaman na agad sila tungkol sa akin, knowing mama nasabi niya na kaagad ang mga tungkol sa akin sa mga kaibigan niya.
"Sayang ka iho, ang ganda ganda mong lalaki pero papatol ka pala din sa lalaki." Saad ng matanda.
"Hindi po ga-" Shire cut me.
"Uhmm hindi naman po sa walang galang pero hindi niyo po ata naintindihan ang ibig sabihin ng bisexual." Pagtanggol niya sa akin.
"Ang bisexual po gusto po ang babae at lalaki. Hindi lang po lalaki." Kita ko na naiinis na siya sa usapan na tungkol sa akin.
"Edi napatol pa rin iyon sa lalaki." Tumawa ang matanda. Pinipigilan na lang ni Shire magsalita ng masama sa matanda.
Hinila na ako ni Shire papalayo sa matanda narinig ko ang tawanan ng matanda kami. Bawat daan namin ay may bulungan sa paligid.
"Diba siya yung napatol sa lalaki."
"Oo, buti na lang hindi ganiyan anak ko nakakahiya." Mga bulungan na narinig kong paulit-ulit sa dinadaanan namin.
Ni isa walang hindi alam na bisexual ako at pinalayas na ako sa amin dahil kahihiyan ako. Ganon kabilis. Wala man lang pake sina mama at papa na pagpiyestahan ako dito, wala man lang silang pake na masasaktan ako. Ganon ba kasama na maging isang bisexual?
"Diba ikaw yung napatol sa lalaki? Baka naman?" Saad ng batang lalaki na tambay dito. Sinampal ni Shire ang lalaki na mukhang di na napigilan ang sarili. Ayaw niya marinig ang mga masasamang kwento tungkol sa akin.
"Kung suntukin ka kaya ng kamao ko, mawawala ang mahkabastusan sa isip mo?" Walang pahintulot ay sinuntok na talaga ni Shire ang lalaki at napa-upo ito sa kaniyang pwetan.
Hinila na ako uli ni Shire papalayo sa mga iyon, umalis na kami sa lugar na iyon at pumunta sa lugar na walang nakakakilala sa akin.
Namumuo ang mga luha ko habang naka-upo dito sa bench ng park. "Ganito ba kasama ang isang bisexual?" Tanong ko.
"What do you mean?" Saad ni Shire.
"Naiisip ko na wala na akong kwentang tao dahil sa mga masasama nilang sinabi sa akin."
Lumuha-luha na ako at sinusubukan ko pa rin patigilan ito. "Nigel wag mo isipin ang mga sinasabi nila, wag kang magpaepekto."
"Pano!?" Mahina kong sinigaw. "Kung lahat sa lugar natin ay alam na hindi ako na tunay na lalaki. Ang hirap lang na wala kang ginagawa sa mga tao pero may ginagawa sila sa akin."
"Masama bang aminin na hindi ako tunay na lalaki?!" Umiiyak kong sabi.
"Masama ba ipakita sa lahat ang tunay na sarili?!"
"Masama bang maging tao!?" Binuhos ko ang mga iyak na iniipon ko. Sobrang sakit na. Ayaw ko na. Wala naman akong ginagawang masama, pero bakit ganito nangyayari sa akin.
Wala naman masama sa pagiging bisexual pero parang pag ako mismo ang naging bisexual, ang tingin ng tao sa akin ang sama sama ko.
"Nigel huwag kang magpaepekto sa mga sinasabi nila. Hindi mo sila kailangan intindihin. Hindi ka masamang tao, sila ang masamang tao na hindi muna iniisip kung anong sitwasyon mo ngayon."
Umiyak ako sa balikat ni Shire. Binuhos ko pa ang mga luha ko. Hindi ko kayang hindi maapektuhan sa kanilang mga salita tungkol sa akin.
Alam kong walang katotohanan sa mga sinasabi nila pero bakit parang ang sama sama ko maging isang tao dahil sa pagkaka-iba lang ng aking gender.
YOU ARE READING
Are We Meant To Be?
RomanceMark Nigel Martinez is a bisexual that is disowned by his parents, judge by society, and mentally abuse, he even almost committed s**cide because of the society. Gladly Shanaiah Claire McLeigh or Shire is there for Nigel. They're comfortable with ea...