CHAPTER 2: MET YOU

11 1 2
                                    

Chapter 2: Met You

"Nigel papasaan ka?"

"I'm just gonna walk around in the streets just to cool off my mind.

Pilit kong ngumiti at alam ko sa kanyang mukha na nag-aalala siya para sa akin. Kailangan ko lang talaga ng peace of mind dahil sa mga sinasabi nila sa akin. Replay nalang ng replay ang mga sinasabi nila sa akin sa utak ko.

"Are you sure?" Hinawakan nito ang akin kamay at pinisil.

"Hey Shire, alam kong nag-aalala ka pero kailangan ko ng peace of mind gusto ko lang matahimik ang buhay ko kaya I'm just distracting myself from all of the harmful words that they said to me."

Niyakap niya ako ng mahigpit na parang ayaw akong pakawalan. Yumakap ako pabalik. Bumitaw na siya sa yakap at narinig na din ako na parang nahihigpitan na.

"Uwi ka before dinner ah." Tumango ako at umalis.

Naka black hoodie ako ngayon at pantalon, nagsuot na rin ako ng facemask para hindi mapaghalataan na ako.

Natanaw ko ang mga nagbubulangan na ale sa may tindahan. Hindi pa rin ako tinitigilan ng mga iyon. Huminga ako ng malalim at tumuloy lumakad.

Nang makadating ako sa harapan nila, nadinig ko ang mga pinagbubulungan nila. Ako na naman ang pinagsasalo-salo ng mga ito. Narinig ko na naman ang mga masasakit na salita sa mga bulungan nila.

Kadiri, nakakahiya, walang motibo at makasalanan. Ayan ang mga narinig kong salita galing sa bulungan nila na tungkol sa akin. Muli namumuo ang mga luha ko kaya lumayo na kaagad ako doon.

Tumakbo ako ng mabilis para makalayo kaagad ako sa kanila. Di ko na kinakaya pa ang mga salitang sinasabi nila sa akin.

Gabi na at di ko alam kung ano ang gagawin ko. Pumunta ako sa isang mataas na building at pumunta sa pinaka tuktok. Tawag ng tawag si Shire alam kong hinahanap na niya ako pero di ko na kaya ito.

Tumungtong ako sa gilid ng building, thinking na isang hakbang ay mahuhulog na ako. Natawa na lang ako sa mga pinaggagawa ko. Tutuloy ko na ba ito?

Umabante muna ako kasi di ko pa kaya.

"Ang sakit na! Ang sakit sakit na!" Sigaw ko. "Kasalanan ko ba na naging ganito ako! Kasalanan ko ba na ganito ako ginawa!"

Umiyak ako sa tuktok ng building at pumunta uli sa gilid nito. "Gusto ko na tapusin lahat ng mga sakit na ito! I just wanna feel loved and cared but I always felt pain and depression kaya ito na."

Nang gusto ko na matapos ito. Nagulat ako ng may humawak sa aking palapulsuhan. Paglingon ko ay isang magandang lalaki ang bumungad sa akin.

"Kuya kung ano man ang binabalak mo, wag mo na ituloy."

"Bakit? Ramdam mo ba ang nararamdaman ko ngayon? Hindi diba kaya wag mo akong pakialaman!"

Pilit kong alisin ang kamay niya pero nag matigas siya.

"Kung ano man nararamdaman niyo ngayon alam kong hihilom din iyan, nararamdaman mo din ang gusto mong maramdaman kaya wag mo na ituloy yan. Ako ang makokonsensya pag hinayaan kong ituloy mo ang balak mo."

I slowly step back from the edge of the building habang hawak pa din ni kuya ang palapulsuhan ko.
Di ko mapigilan na mapayakap sa kaniya at umiyak sa kaniyang balikat.

"Thank you kuya!" Naiiyak kong sabi

"Walang anuman."

Niyakap ko siya ng mahigpit at ramdam ko ang pagyakap niya rin sa akin.

"Kuya..?"

"Brent. No need to call me Kuya." I nodded.

"Nigel." Di ko maiwasang titigan ang kaniyang mukha. Malinis, gwapo, at perfect.

"Brent paano kita mapapasalamatan?" Tanong ko.

"No ne-" I cut him off.

"No Brent. I owe you one. You saved my life." Saad ko.
"So please!"

"Uhh, how about this? We can be friends?"

Tumango ako at niyakap ko muli siya. Ang odd pero I think I'd witness Love. Am I really falling for him?

Bumaba na kami sa building, nakita niya akong nilalamig kaya binalot niya sa akin ang jacket niya. Gentleman din pala siya.

Pagdating namin sa labas ay nakita ko si Shire. Niyakap niya ako ng mahigpit. Alalang-alala talaga siya sa akin.

"Wag mo na ulitin iyon Nigel! Mamatay ako sa takot!"

"Promise me na hindi mo na ulit gagawin iyon!"

"Promise!" Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Nadala ako sa aking galit at emosyon kaya ko nagawa iyon. Hindi ko talaga makaya na masaktan ang kaibigan ko pag mawala ako.

"Thank you Kuya! Sa pagligtas ng buhay ng aking kaibigan."

"You're welcome. And my name, it's Brent."

"Thank you Brent." Nginitian ni Shire si Brent. May binulong si Brent kay Shire pero di ko inintindi iyon.

Nagtanguan sila at mukhang masaya si Brent. Nacurious tuloy ako. Hindi bale, atleast buhay pa rin ako sa mundong ito.

Umuwi na kami at pumunta na ako sa kwarto para humiga at magpahinga. Di ako makapaniwala na gagawin ko iyon sa sarili ko.

[Notification pops up]

"Brenton Clark Atienza?" Nagtaka ako ito ba si Brent at paano niya nalaman ang aking Facebook.

Brenton Clark Atienza

"Hi"

"Hello?"
"Are you Brent?" Tanong ko.

"Yes😅"

"How did you find my account?"

"Uhmm I'd ask Shire hehe"

"Mark Nigel Martinez huh? Nice name, but something is missing."

"Hmm?" Nagtataka kong tanong.

"It doesn't have my surname 😉"

Aminin ko kinilig ako sa banat niya.

"Are you bi too?" Di ko mapigilan na tanungin. Hindi naman kasi siya babanat kung hindi niya ako gusto.

"Oum."

"Oh I didn't realize hehe, I think that you're straight, because of how you look."

Di ko na namalayan na nakangiti na pala ako. Di ko ito naramdaman ng matagal na panahon dahil sa mga nangyari sa akin.

"Do you find mw attractive?" Biglaang tanong nito.

"If you ask me you're perfect."

"Thanks! 😊"

"Are you willing to love again?"

"As of now.. No. Di pa ako handa na umibig pa uli eh, nasaktan ako masyado sa nakaraan ko."

"Ahhh."

"So friends muna tayo?" Nagtaka ako na sabihin niya iyan.

"What do you mean?"

"Nothing 😅" sabay delete ng message. Nacurious tuloy ako kung ano ibig sabihin noon, pero di ko na matanong dahil inaantok na ako.

"Ohh okay. Goodnight Nigel😊"

"Goodnight din!"

"I'll wait untill you're willing to love again and I'm sure that it is me who you will love!" Sabay delete ulit nito. Is he really in love with me? Natulog na ako di ko na inintindi iyon. He'll wait for me if he really do love me.

Are We Meant To Be?Where stories live. Discover now