CHAPTER 4: ENTERTAIN

2 1 0
                                    

Chapter 4: Entertain

"Nigel Gising!" Tawag sa akin ni Shire. Kinakapoy pa ako bumangon dahil late na kami nakauwi kagabi.

"Bakit ba?" Kapoy kong sabi.

"Si Brent nasa labas ng gate, gagala daw kayo." Nabuhayan ang kaluluwa ko na nalaman na nandito na kaagad siya. Tiningnan ko kaagad bintana ko para tingnan kung totoo.

Pandalas ako bumaba para makita ko siyang naka porma na ako na nakapajamas pa pero walang pantaas. Mas komportable kasi iyon.

"Uh- bakit ang aga mo?"

"Gagala tayo. Kaya maligo ka na." I laugh bitterly. Umakyat ako sa taas para maligo na kaagad at magbihis. Si Shire na ang nag-asikaso ng aking damit na susuotin.

Sinuot ko na ang hinanda ni Shire sa akin and I look pretty aesthetic. Pandalas na ako bumaba para makita si Brent.

Nakita ko sa kanyang mukha na namula at gulat na gulat.

"Panget ba?" Tampo kong tanong. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin. Tataas na sana ako para magpalit nang hinawakan niya ang aking braso.

"Wag ka nang umakyat. You're amazing I'm just starstrucked." Namula ang aking pisngi sa kaniyang sinabi. "Tanggal angas ko sayo Nigel!" Sigaw nito. Natawa na lang ako.

Sumakay na ako sa sasakyan niya. Bago siya magsimula magdrive ay hinaplos muna ang aking kamay. Nagulat ako nang gawin niya iyon. Tumingin ako sa kaniya at tumingin din siya sa akin. Hinawakan ko na lang ang kaniyang kamay habang nagddrive.

Habang paalis na kami sa bahay ay nakita ko na naman ang mga nagchichismis sa akin.

"Is everything alright? You feel bothered." Saad niya. Hiniwalay niya ang kaniyang kamay sa akin na ikinagulat ko.

"Oh bakit mo inalis?" Reklamo ko. "Ayaw mo ata na magholding hands tayo eh." Tampong sagot nito. Napatawa na lang ako sa kaniyang tono ng pagsasalita.

"Hindi.. nakita ko na naman kasi ang mga tao na pinagchichismisan na naman ako kaya nabothered ako." Pagtanggol ko.

"Hayaan mo na lang sila bub. Wag mo sila pansinin. Ako na lang pagtuonan mo ng pansin." Nagulat ako ng sinabi niya sa akin. "B-Bub?" Utal kong tanong.

"Bakit? A-Ayaw mo?"

"Hindi. I love it. Nagulat lang talaga ako."

"Akala ko ayaw mo eh. Yan na ang tawagan natin simula ngayon."

"Sige.... Bub." Kinilig naman ito at muling hinawkan ang aking kamay.

"Tara na?" Agad naman ito nagdrive habang hawak pa rin ang kamay ko. Ang clingy talaga nito.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Mahaba na rin ang nabyahe namin. "Una sa restaurant na alam kong magugustuhan mo at sa mall na nandon lahat ng favorite mo." Sabay kiss sa aking kamay.

Hindi na ako nagtaka na si Shire ang nagsabi nito kay Brent. Siya lang naman ay may alam ng mga favorite ko. Kinareer na din naman ni Brent ang panliligaw sa akin.

Mga ilang minuto ay tumigil kami sa isang korean restaurant. Ang pinakapaborito kong kainin ay korean food. Kaya siguro ako dinala dito.

"Nakain ka ba ng korean foods?" Tanong ko kay Brent. Baka dinala lang ako dito para lang ako ang kumain. Syempre ayaw ko n'on.

"Hindi eh." Nahihiyang sabi nito. "Pero I'll try just for you." Hinalikan naman uli kamay ko. Hanggang ngayon ay hawak pa din.

Bumaba siya peri hindi muna ako pinababa. Kaya pala di ako pinababa ay para pagbuksan ako ng pinto. Gentleman din pala ito.

Are We Meant To Be?Where stories live. Discover now