Chapter 5: "Yes"
Birthday ngayon ni Brent at balak kong surpresahin. Nakalipas na rin naman ang ilang buwan kaya time na siguro ito para sagutin ko siya.
"Punta ka dito sa cafe ngayon 9:00 am sharp."
"Sige po bub. By the way wala ka bang natatandaan ngayong araw?" Natawa naman ako. Wala siyang alam na susurpresahin ko siya dito.
"Huh? Wala naman. Bakit? Special ba ngayong araw?" Pagmaang-maangan ko.
"Wala nevermind. Punta ako diyan mamaya." Nagtatampong tono nito at biglang binaba. Susuyuin ko pa ata ito.
Nandito ako sa cafe na dala ang binake kong cake para sa kaniya. Extra special. Syempre dapat galing sa akin para mas romantic.
Pinaalam ko kay sir Alvarez ang plano ko at okay lang daw sa kaniya. Pinasarado niya muna ang cafe hanggang di namin pa nasusurprise si Brent.
Malapit na mag-9 o'clock. May narinig akong motor na papunta rito at kay Brent ito. Nagtago kaming lahat ng staff para magulat ito.
Pumasok na siya at bigla kaming lumabas sa tinataguan namin.
"Surprise!" Sabi naming lahat nang makita si Brent. Umiyak naman ito na parang bata.
"Akala ko di mo naalala na birthday ko ngayon." He sobbed. "Bakit ko naman malilimutan ang October 2. Ayun nga ang special date para sa akin e." Niyakap naman ako nito.
"Buksan mo na ang cake." Pagmamadali ko. Nakalagay kasi doon ay 'Happy Birthday Brent! PS. Sinasagot na kita!' Hindi na ako makahintay pa.
Binuksan niya na at bigla naman ako nito niyakap habang umiiyak. Umiyak na rin ako.
"Thank you bub! Di ko ito makakalimutan! Di ko sisirain ang pagmamahal mo sa akin!" Umiyak na lang ito ng umiyak.
"Kaya nga kita sinagot na e. Kasi alam kong di mo ako sasaktan." Niyakap ko siya ng sobrang higpit at naghiyawan naman ang mga co-workers ko.
"AYIEEEE SANA ALL!" Sigaw ni Roy.
Hinalikan ako ni Brent sa ulo. "Hinding-hindi kita iiwan Brent." Bulong nito sa akin. "Kahit na ipaghiwalay pa tayo ng kalamidad hinding hindi kita iiwan."
Sumayaw kami sa gitna ng cafe at nagsihiyawan sila. Kinikilig ako habang nakasandal sa dibdib niya ang aking ulo.
"Hey wag mo naman hawakan abs ko baga lalo mawalan ang angas ako." Bigla ko kasi napahawak sa kaniyang tiyan at naramdan ko ang kaniyang abs.
"Kapal mo naman. Wala nga ako nahawakan." Pag-iinis ko sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"I love you bub." Sabi ko
"I love you too bub."
Tapos na namin icelebrate ang pagsagot ko kay Brent at birthday niya. Naglinis muna kami at binuksan na ang cafe. Dito muna tumigil si Brent para bantayan "daw" ako.
"Here's your order sir..." Pagbigay ko ng cappuccino ni Brent sa kaniya. Hinalikan nalang ako bigla sa pisngi ng lumapit ang mukha ko sa kaniya.
"OMG!!!" Sigaw ni Shire papunta sa akin.
"Bakit di mo ako kaagad ininform na sinagot mo na si Brent!" Habang nakapulupot ang braso niya sa akin.
"Sasabihin ko naman talaga sa iyo pag uwi, kaso nabalitaan mo na pala."
"Oo kung di pa sa akin sabihin ni JL di ko pa malalaman na kayo na pala ni Brent."
"Huh?" Nag-aalinalangan kong tanong. Paano napapunta kay JL ang usapan?
YOU ARE READING
Are We Meant To Be?
RomanceMark Nigel Martinez is a bisexual that is disowned by his parents, judge by society, and mentally abuse, he even almost committed s**cide because of the society. Gladly Shanaiah Claire McLeigh or Shire is there for Nigel. They're comfortable with ea...