Chapter 6: Quality Time
"Happy Birthday Nigel!" Bungad sa akin ni Shire nang pagkagising ko.
Isang buwan na din ang nakalipas nang sagutin ko si Brent, kaya it's my turn naman para magcelebrate.
"Thank you!" I said with a huge smile in my face. We took pictures and I immediately post it with a caption 11/23/21.
Binuksan ko ang cellphone ko at bumungad sa akin ang message ni Brent. 12:00 am siya nagchat with a voice message.
"Happy Birthday bub! Enjoy your day I will pick you up tomorrow and we're going to have fun!" Laman ng voice message na sinend niya sa akin.
"Ehem." Nagulat ako nang makita pa si Shire na nasa harapan ko na parang nakikinig sa voice message.
"So... May date pala kayo ha." Pinagtaasan ako ng kilay nito.
"Sorry pero may plans ba ikaw para sa akin?" Nahihiya kong tanong.
"What do you mean 'ikaw' what you mean is 'kami'."
"Nagplano kayo nina Tita?" Nagulat kong tanong. "Hala nag-abala pa kayo. Sana ay simple lang para hindi gaano kagastos." Tumawa lang ito sa akin.
"May kulang kasi."
"Huh? Sino?"
"Well if you must know. Brent texted me yesterday that he has plans for you, so I approached mom and dad to support him with his plans and we are going somewhere. Somewhere relaxing."
"Hala nag-abala pa kayo! Pero thank you talaga ha." Niyakap ko siya nang mahigpit.
Hinila ako ni Shire sa baba para may puntahan. Di ko alam kung saan pero alam kong konektado ito sa aking birthday kaya excited ako.
"There is someone here to see you." Binuksan ni Shire ang entrance at namuo na ang aking mga luha nang makita ko kung sino ang nasa likod ng pinto.
"N-Nixon!?" Nauutal kong sabi. Lumapit ako sa kaniya.
"Kuya!" Niyakap ako nito nang mahigpit. "Miss na miss na kita sobra kuya!" Naiiyak ako habang niyayakap ko siya nang mahigpit.
"Happy Birthday po kuya! May gift po ako sa inyo." Pinakita nito sa akin ang ginawa niyang art at ako at siya ang nandoon sa painting at nakalagay 'Happy Birthday Kuya Nigel love na love kita!"
"Thank you!" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Bumuhos na ito habang hawak ko ang kaniyang regalo sa akin. Hinaplos ko ang buhok niya kasi miss na miss ko na siya.
"Paano ka nakapunta dito? Baka pagalitan ka nina Nanay." Pag-alala ko dahil ayaw ko siyang masaktan ng aming mga magulang.
"Wala sila mom and dad nasa business trip sila. Nag take off po kasi kuya ang business natin kaya kailangan nila mangibang bansa para mapalago pa ito." Pagpaliwanag nito sa akin. Niyakap ko na lang siya ulit dahil masaya na ako na nakita ko siya sa aking birthday.
"I guess na ikaw ang nagplano nito?" Tiningnan ko si Shire. Nginitian ako nito. "Yes! I know that you wanted to see your brother so badly, so I decided to plan this so you can relieve your pains."
I hugged Shire tightly. "Thank you very much Shire. Thank you for making me happy once again!" I hugged her again.
"That's not the best part yet." Shire said reluctantly.
"Huh? What do you mean?"
"Mom, dad, Brent and I planned to go to Agdaliran, Iloilo. Sasama din sa atin si Nixon!"
"Wait?! Really?!" Di ako makapaniwala na sasama sa amin si Nixon at sa Iloilo pa!
"Yes!" Excited na sabi ni Nixon.
YOU ARE READING
Are We Meant To Be?
Roman d'amourMark Nigel Martinez is a bisexual that is disowned by his parents, judge by society, and mentally abuse, he even almost committed s**cide because of the society. Gladly Shanaiah Claire McLeigh or Shire is there for Nigel. They're comfortable with ea...