Chapter 2
[Maid]Elmia's P.O.V
"MAS nakakataas ako sayo. Kaya nararapat mo akong igalang, naiintindihan mo ba?" Sambit nung lalaki.
"Ang mga iginagalang ko lang ay 'yung may paggalang din sa iba! At hindi ang katulad mong masama ang ugali!" Duro ko sa kaniya. Nakita ko ang pamumula niya sa galit.
"Huwag mo akong sigawan! Tagapagsilbi ka lamang dito!"
"Ewan ko sayo!" Sigaw ko din.
Tumalikod na ako sa kanya at pipihitin ko na sana ang doorknob ng pintuan sa likod ko nang magsalita ulit siya.
"Wala ka talagang galang! Makakarating ito sa inyong pinuno!" Galit na usal nung lalaki.
Hinarap ko siya saka ako umirap.
"Kahit magsumbong ka pa! Wala akong pakielam sayo, sumbungero!" Sigaw ko ulit at lumabas na ng kwarto na iyon. Pabagsak ko itong isinara.
Napamulat ako.
Tumayo na ako sa aking kama. Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa mesa sa gilid. Kinuha ko ito at tiningnan ang oras saka ako dumiretso agad sa banyo para maligo.
At habang naliligo ay hindi ko na naman makalimutan ang napanaginipan kanina. Sino yung kaaway ko sa panaginip ko? Ang yabang nung asta ko do'n, galit na galit doon sa lalaki.
Lalaki na blurred ang mukha... Ganon naman yata talaga kapag panaginip lang. Naglalaho agad. Ganoon naman sa akin madalas..
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis.
"Mia! Mauuna na 'ko! Bubuksan ko pa yung pwesto!" Sigaw ni Auntie sa labas.
"Sige, Auntie!" Sigaw ko rin pabalik habang nagmamadali sa pagsuot ng pantalon.
"Nakaluto na ako diyan, kumain ka na paglabas mo! Alis na 'ko!"
"Sige po!"
Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako. Sinilip ko pa sa labas si Auntie para makasigurado na nakapara na siya ng tricycle. Pumasok na ulit ako sa bahay nung makumpirmang umalis na siya. Saka lang ako nagsimula ng kumain.
Kailangan kong magpalakas ngayon at maghahanap ako ng pwedeng trabaho. Kaya naman nang matapos na ako doon ay sinara ko na agad ang pintuan ng bahay at gate. Dala dala ko ang mga kailangan dalhin at pwedeng hanapin ng magiging trabaho ko.
"Mia, pasensya na, wala kasing mga bakante doon sa mga fastfood chain na pinagtanungan ko kaninang umaga, pero try ko maghanap din sa mga book shop dito bukas," Sabi ni Jeremy sa akin nang makarating na ako sa coffee shop na pinagta-trabahuan niya.
Binigyan niya ako ng tubig ng mapansing pagod na ako dahil sa ilang oras na paghahanap ng trabaho.
"Ayos lang, Jeremy, salamat. Si Cindy? Wala pa ba?" Tanong ko bago ko kinuha yung tubig at ininom. Mukhang nauna yata ako rito.
"Nag text na siya, papunta na raw siya." Sabi niya.
Tumango nalang ako at sumandal sa upuan. Napapikit ako dahil sa pagod na nararamdaman. Ilang oras akong naghanap ng pwedeng trabaho sa bayan, pero wala eh. Kahit tutor lang sana o kaya katulong sa isang kainan, wala.
Napalingon kami sa pintuan nitong coffee shop nung dumating na si Cindy. Kumaway agad siya sa amin at umupo na sa tabi ko.
Tinitigan ko siya habang naghihintay ng sagot.
Napanguso siya. "Bes, sorry, wala akong nahanap. Pero may sinabi kasi sa akin si mama kanina. Kaibigan niya kasi yung mayordoma doon sa mansion ng mga Dela Rama, at sinabing kailangan daw ng kasambahay. Eh, hindi ko naman alam na gusto mo kaya--
![](https://img.wattpad.com/cover/300816844-288-k58700.jpg)
BINABASA MO ANG
When I Dream Of His World
FantasyHalos araw araw gumigising si Elmia Marie Vasquez ng mabigat ang damdamin. Dahil ito sa kaniyang mga panaginip. Panaginip na gumugulo palagi sa kaniyang isipan. Mga eksena sa tila kakaibang lugar, mga nangyari na hindi niya malaman kung totoo bang...