CHAPTER 8: Insulto

301 19 0
                                    

Chapter 8
[Insulto]

Elmia's P.O.V

NAGUGULUHAN talaga ako. Bakit ganoon na lang siya kung magalit sa akin? Para bang may ninakaw ako na malaking pera sa kanya kung magparusa siya.

Pero ano namang karapatan kong magreklamo eh boss ko siya. Tsaka katulong ako at lahat ng sinabi niya dapat lang talaga na sundin ko. Inshort, wala akong magagawa.

Siguro masyado lang siyang nagalit dahil sinabihan ko siya ng kung ano-ano. Na iniwan siya ng girlfriend niya dahil niloko niya ito at isa siyang babaero. Pero bakit parang ang tagal naman kung magparusa siya? Inabot pa ng isang linggo. Ngayon lang talaga nag sink-in sa kanya ang galit niya gano'n?

"Sir, tapos na po," bagot na sabi ko matapos linisan lahat ng sulok at parte ng kwarto niya. Hindi naman talaga gano'n karumi kaya hindi ako nahirapan. Konting walis walis lang at punas punas. Nag ayos din ng ilang gamit lalo na sa mga libro.

Nilingon ko siya na abala naman ngayon sa cellphone habang nakaupo sa sofa.

"Sir," tawag ko ulit.

Nag angat siya ng tingin sa akin. "Number mo," pagbabalewala niya sa sinabi ko.

Kumunot ang noo ko. "Number?"

Tumango siya. "Cellphone number mo. Ano?"

"H-Huh?"

Ano namang gagawin niya sa number ko? Ise-save niya? Bakit?

Mukhang nakita niya ang kaguluhan sa mukha ko. "Ibigay mo sa'kin. Mamaya balakin mo na namang umalis,"

Mas kumunot ang noo ko. "Eh, hindi naman po ako aalis tsaka nandito lang naman ako sa bahay kaya ano pang--"

"'Di ka susunod?" Hamon niya.

Naitikom ko ang bibig. Sapilitan talaga? Bumuntonghininga nalang ako at lumapit sa kanya. Mariin ko siyang tiningnan habang inaabot sa akin ang cellphone niya. Binigyan niya lang ako ng tamad na tingin.

Kinuha ko na iyon at tinipa ang number ko. Pagkatapos ay inabot ko na pabalik sa kanya na kinuha niya naman agad. Tiningnan niya ang screen no'n at napangisi.

"Sige na, gawin mo na mga gagawin mo sa baba," aniya habang hindi pa rin nag aangat ng tingin sa akin. Napaatas ang kilay ko. Napairap pa bago tumalikod sa kanya.

Abnormal talaga. Kanina galit na galit ngayon naman ngingiti ngiti.

"Hoy, dali dali, halikayo rito! Gather gather!" Kumunot ang noo ko ng mapadaan sa kusina at biglang tinawag ni Lisa.

Pupunta sana ako sa harap para magwalis walis pero mukhang may chismis na naman dito. Dahan dahan akong humakbang papunta doon.

"Ano ba 'yon? Mamaya makita tayo dito ni Manang Danna, eh," reklamo ni Nelly.

"Reklamador ka! Doon ka kung ayaw mong malaman sasabihin ko!"

Mas lumapit ako sa kanila. Pati ang ilang kusinera ay nakinig na din. Hindi umalis si Nelly sa halip mas nilapit pa ang ulo sa amin.

"Narinig ko kanina sina Ma'am Natalia at si Shiela-feelingera na nag-uusap. Ang sabi, hindi lang siya basta isang linggo rito sa bahay. Hindi siya totoong magbabakasyon lang kasi naglayas daw siya!"

"Ano?" Gulantang na tanong ni Irinia. "Hindi lang isang linggo?" Napapikit siya sa inis.

"Teka, anong sabi naman ni Ma'am Natalia?" Tanong ni Nelly.

"Edi pumayag! Alam mo namang mabait si Ma'am di'ba. Tsaka kaibigan niya 'yon, alangan namang sipain niya palabas yung babaeng 'yon," sagot ni Lisa.

"Hanggang kailan daw ba siya rito?" Tanong ko naman.

When I Dream Of His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon