CHAPTER 21: Alak

211 17 1
                                    

Chapter 21
[Alak]

Elmia's P.O.V

"B-BAKA hinihintay ka na nila sa baba," Sabi ko nang makasunod ako sa kwarto niya.

Nakaupo na siya ngayon sa dulo ng kama niya. Masama ang mukha at seryosong nakakrus ang mga braso.

"I-lock mo 'yang pinto." Utos niya.

Napalunok ako. Sa halip na kontrahin siya ay hinarap ko na ang pintuan niya at nilock 'yon.

Humarap na ako sa kanya.

"Ang paalam mo sa kanila iinom ka lang ng tubig--"

"Dito muna ako. Ayokong makasapak sa labas." Putol niya sa akin. Masungit pa rin. Napaawang ang mga labi ko sa sagot niya.

"A-Ano? Teka-- Paano ako? Nakapaglinis na ako dito kanina. Baka magtaka sila Lisa dahil nandito na naman ako," giit ko.

"Sasabihin ko madumi pa rin kapag nagtanong sila." Sabi niya. Kinalas na niya ang pagkakakrus ng mga braso pero hindi pa rin nawawala ang nagsusungit na mukha.

"Rafael, bababa na ako. Tsaka wala namang ginawang masama si Miguel--" mabilis siyang tumingin sa akin. Iritadong iritado ang mga mata dahil sa sinagot ko.

"Sinadya niyang hawakan ang mga kamay mo, Mia."

Lumapit na ako sa pwesto niya. "Ano bang masama? Hinawakan lang naman. Tsaka nangyayari talaga 'yon kapag kukunin yung tray sa isang tao." Palusot ko para naman mabawasan konti ang init ng ulo niya, pero mukhang mas nairita pa yata.

"Hindi ako tanga at bulag. Sinadya niya talagang hawakan ang kamay mo. Ginamit niya lang yung tray na 'yon para magmukhang aksidente na nahawakan ka niya," napairap pa siya.

Pumamaywang ako sa harapan niya. Nakatingala naman siya sa akin ngayon dahil nakaupo pa rin siya sa kama. "O sabihin na nating ganoon nga. Hinawakan niya lang naman ang kamay ko--"

"Lang?" Hindi makapaniwala niyang sabi sa sinabi ko. Mariin akong napapikit at saka nagmulat ulit.

"Oo. Hinawakan niya lang! Saka mo na siya bugbugin kapag hinalikan niya ako!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Napatayo pa siya. "Bakit, magpapahalik ka?" Mas dumilim na ang mga mata.

Napatampal ako sa noo. Hindi niya nakukuha ang ibig kong sabihin!

Marahas akong bumuntonghininga. "Hindi 'yon. Ang ibig kong sabihin, hindi mo na ako kailangan pang itago rito sa kwarto mo dahil lang sa ginawa niyang paghawak niya sa kamay ko."

"Kapag hindi kita nilayo agad sa kanya, lalapit at lalapit pa siya sa'yo. Mas mabuti ng maagapan agad."

"Edi ako ang lalayo!" Giit ko.

"Ah, talaga?" Sarkastikong sabi niya na parang ang tanga tanga ng sagot ko.

Doon ko rin naisip na hindi ko nga talaga maiiwasan ang makasalamuha si Miguel, lalo pa at katulong ako rito at sila ang pinagsisilbihan namin. Katulad kanina. Sabi ko iiwasan ko na siya, pero nautusan pa rin ako at nagkita pa rin kami, at ayon na nga..

Napabuntong hininga nalang ako. "Hindi siya lalayo kasi alam niya wala akong boyfriend. At.. hindi niya alam na.. m-may asawa na ako," bulong ang dulo. Nag-iwas ako ng tingin at yumuko nalang.

Mas lumapit siya sa akin. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Kaya nga dito ka muna. Aalis na rin 'yon mamaya. At lilipat tayo mamaya sa library para hindi talaga kayo magkita," mas mahinahon na niyang sabi.

When I Dream Of His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon