CHAPTER 28: The Queen of Valeria

308 17 2
                                    

Chapter 28
[The Queen of Valeria]

Third Person's P.O.V

AGAD napabangon si Serenida nang may makita sa kanyang panaginip. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na bumangon at bumaba ng kanyang kama.

Mabilis siyang kumuha ng mga kagamitan pang pinta at sinimulang i-pinta ang babaeng nakita niya sa panaginip niya.

Nakatalikod ito. Nakasuot ng puting bestida at nasa isang mataas na bato. Nakatanaw ang babae sa malayong kastilyo ng Valeria habang madilim ang paligid at kalangitan. Tanging ang puting bestida at ang presensya niya lang ang nagbibigay liwanag doon.

"Magaling ka pala magpinta?" Nakangiting puri ni Prinsipe Emilio habang sinisilip ang ginagawa ni Serenida sa sahig.

"May nakita ako, Emilio.." sambit niya habang tinatapos na iyon. Napangiti siya. Alam na ni Emilio ang tungkol sa mahika niya at ang lahat ng kakayahan niya.

At alam nilang pareho na lahat ng nakikita ni Serenida sa kanyang panaginip o ng biglaan sa isipan ay magkakatotoo.

Pumasok si Haring Valencia sa silid, ang Hari ng Valeria na binata pa lang din. 

"Anong nakita mo, Serenida?" Nakangiting tanong ni Emilio habang pinapanood ang ginagawa ni Serenida.

Nang mapadpad si Serenida sa mundong ito ay kinupkop siya ng pamilya nila Emilio. Kaya tinuring na nilang sariling kapatid si Serenida, at sila lamang din ang nakakaalam tungkol sa kanyang mahika.

Lumapit si Valencia sa kanila at nakinig din.

"May isang babaeng papasok dito mula sa ibang mundo.."

Napangiti si Emilio. "Ah, talaga? Makakatuluyan ko ba?" Biro pa niya.

Tumikhim si Valencia at nakahalukipkip na pinapanood ang ginagawa ni Serenida.

"Masama ba o mabuti ang babaeng 'yon?" Tanong niya. Napalingon sina Emilio sa kanya at napangiti sila. Hindi na siya nag abalang yumuko bilang paggalang kapag silang tatlo lang naman ang magkakasama.

"Ang nakita ko lang.. may magaganap sa Valeria.. isang kadiliman.. at magiging tulay ang babaeng 'yon para muling bumalik sa tagumpay ang bayan." Pagpapatuloy ni Serenida.

Napaayos ng tayo si Valencia. Naalarma sa narinig. "Ano kamo? Ibig sabihin may mangyayaring masama sa Valeria?"

Nakangiting tumango tango si Serenida habang nakatitig sa ipininta niya, na parang wala lang ang nakita niya sa hinaharap. "Oo. At isang makasariling Reyna ang magpapahamak dito." Dagdag pa niya. Inangat niya ang larawan na ginawa niya. "Maganda ba?"

"Isang Reyna? Magiging Reyna ko ang magpapahamak sa Valeria?" Nag-aalalang tanong ni Valencia.

Umiling agad si Serenida, hindi pa rin sila nililingon. "Hindi. Iba. Ibang Reyna."

Kumunot ang noo ng magkapatid dahil sa sinabi niya. Nanahimik nalang sila at pinanood muli ito. Tumayo na si Serenida at dinala ang larawan sa mesa. Sumunod ang dalawa sa kanya.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Emilio. Pero nginitian lang siya ni Serenida bago kinumpas ang mga kamay at gumawa ng isa pang kopya ng ginawa niyang larawan.

Sa isang iglap ay naging dalawa ang painting na nasa mesa.

"Bakit mo dinoble?" Kuryosong tanong ni Valencia.

"Gagawin kong lagusan. Balak kong pumunta sa kabilang mundo gamit ang mga ito." Sambit ni Serenida. Normal na normal lang sa magkapatid na makarinig ng ganito kay Serenida dahil sanay na silang umalis ito kung saan saan.

When I Dream Of His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon