CHAPTER 29: Paghihintay

349 20 5
                                    

Chapter 29
[Paghihintay]

Elmia's P.O.V

MABILIS ang paghakbang ko papasok ng Ospital para hanapin si Senyor Emilio. Natandaan ko ang sinabi niya sa akin kanina at alam kong may alam siya patungkol sa nangyari. Alam niya ang tungkol sa Valeria.

Pero lolo siya ni Rafael. Posible bang kapatid siya ni Haring Valencia? Pinunasan ko ang mga luha ko kahit na nanatiling mahapdi ang dibdib dahil sa lahat ng naalala kanina lang.

Agad kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Auntie at halos magulat ang mga nasa loob dahil sa biglaan kong pagbukas nito. Nagtama agad ang paningin namin ni Senyor Emilio.

Napalunok ako habang kumakabog ng malakas ang puso ko. Muli kong pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko habang pinapakalma ang sarili. Lahat sila ay nakatingin sa akin at nag-aabang sa kung anong sasabihin ko dahil bigla nalang akong pumasok.

"Mia," si Auntie.

"Senyor," nanginginig ang tinig ko.

Umalis na daw si Rafael. Bumalik na siya sa Valeria? Paano? Doon ba sa bahay ni Aling Leticia?

Humugot ako ng lakas ng loob bago magpatuloy sa pagsasalita. "Pwede po ba ulit tayong mag-usap..."

Napatingin muna si Senyor sa mga nandito rin sa loob bago bumaling sa akin at tumango.

Walang salita siyang naunang lumabas. Tahimik din ang buong paligid kahit na mukhang naguguluhan sa aming dalawa ni Senyor. Tiningnan ko muna si Auntie at nginitian bago ako lumabas at sundan si Senyor Emilio.

"Anong pag-uusapan natin, Mia? Balak mo bang ibalik sa akin ang kwintas? Pasensya na pero--"

"Paano po nakabalik si Rafael sa Valeria?" Tanong ko dahilan para mapahinto siya sa paglalakad at dahan dahang humarap sa akin.

Nakakunot ang noo niya habang gulat na nakatingin sa akin dahil sa sinabi ko. Siguro dahil nabanggit ko ang Valeria.

Muling nangilid ang mga luha ko, saka ako ngumiti at tumango. "Naaalala ko na po.." kinagat ko ang labi.

Nanatiling gulat si Senyor at hindi nakapagsalita.

"Lahat lahat. At itong kwintas ang dahilan.." sabay hawak ko sa kwintas. Hindi ko alam pero una palang may nararamdaman na akong kakaibang enerhiya sa kwintas na ito. Mas lumalakas 'yon kapag suot ni Rafael ang kaparehas nito.

Napatingin siya sa kwintas na suot ko. "Y-Yang kwintas.. ang.." Hindi niya matuloy tuloy dahil hindi pa rin siya makapaniwala.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang yumuko sa akin bilang paggalang. Nanlaki ang mga mata ko. Pero walang pakielam si Senyor kahit na may mga tao sa paligid basta't nanatili siyang nakayuko.

"K-Kamahalan.." aniya.

Agad akong lumapit sa kanya. "Senyor.." sambit ko saka siya umayos ng tayo.

Napangiti na siya.

"Tara muna po sa labas," Yaya ko sa labas dahil baka pagtinginan na kami rito.

Lumabas kami at bumalik sa hardin. Muli kaming naupo doon sa batong upuan.

"Hindi ko alam kung.. kung pwede pa.. pero.. gusto kong makita si Rafael, Senyor.. pwede niyo po ba akong tulungan?" Sambit ko sa kanya.

Napayuko siya at napailing. "Hindi ko alam kung paano, Mia.. Hindi ako tulad ni Serenida na may kapangyarihan, hindi ko kayang buksan ang lagusan sa painting niya."

Kumunot ang noo ko. "Painting po?"

Tumango siya. "May painting na nakatago sa kwarto ko. Ginawa iyon ni Serenida noon dahil may babae siyang nakita sa pangitain niya. Ang babaeng 'yon... Ay ikaw."

When I Dream Of His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon