That's My Baby-15

12 0 0
                                    

Alam niyo kung ano na nangyari sakin? Eto,hindi makatulog sa kaiisip sa sinabi ni Ken kanina.

At alam niyo ba kung anong oras na? 4:07 AM! At ilang oras nalang ay kailangan ko na magising!

Haynako!!..Bwisit na Ken ka!!.Sana hindi nalang kita nakilala! Pero ano kaya nangyari dun? Mukhang haggard siya eh? Tapos medyo malaki eyebags niya at mukhang hindi siya natulog.Medyo mamula mula rin mata niya nung nakita ko siyang pumunta dito.

[Ken's POV]

Alam niyo yung feeling na iwan ka ng babaeng alam mo sa sarili mong mahal mo na yata? Mahal ko na nga ba? O gusto ko lang?.Ewan basta!

Masakit sakin na iwan niya ako ng ganon.Hindi niya mapapansin yon syempre eh kase hindi niya naman ako mahal.

Ang totoong dahilan kung bakit ako absent? Nasa ospital ang daddy ko at may sakit siya sa puso.At habang kasama ko si Lola sa Mall ay bigla rin siyang nahimatay.Ang una ko lang problema nun ay yung daddy ko.Pero sabi ni Lola na samahan ko nalang daw siya sa mall para sumaya ako ng onti

At hindi lang yun ang problema ko sobrang dami at alam kong hinding hindi na ako mawawalan ng problema kagaya ng lahat ng tao.

Yung mga taong gusto mong makasama pa ng matagal na ngayon ay dadalaw dalawin mo nalang sa burol o kaya puntod? Nakakainis lang isipin na wala na talaga sila.

Indeed,Namatayan ako ng isa sa mga taong close na close sakin kaya hindi ako nakapasok.atsaka nararamdaman kong nag-aalala si Steff kung bakit di ako pumasok pero hindi ko nalang sinabi dahil ayoko siyang mag-alala at mag-isip pa ng kung ano ano.

Si lola ang pinakamalapit at pinakamatyagang intindihin ang mga problema ko.Hindi kagaya ng nga magulang ko na puro trabaho lang yata ang alam at nasa England sila.Sa palagay ko nga wala na silang balak balikan ako dahil simula ng 5 years old ako hanggang maging 18 na ako which i am now ay hindi pa rin sila nagpapakita.

Tumatawag sila at nagpapadala ng pera pero hindi sapat para sakin yun.Kaya nagpapasalamat talaga ako na si Lola ang nakasama ko pero ngayon? Wala na ang taong nagcocomfort sakin,Nagmamahal sakin kahit sobrang tigas ng ulo ko,Naiintindihan ako sa kung ano man ang ginagawa kong pagsagot sakanya.

Hindi ako pumasok dahil alam niyo kung ano ginawa ko? Bukod sa binisita ko si Lola sa burol,Umiyak ako ng umiyak sa kwarto ko.Pwede naman akong umiyak diba? Hindi lang naman kasi pambabae yung pag iyak.

Oo,umiiyak kaming mga lalaki pero mas pinipili naming tiisin yun sa harap ng ibang tao kesa umiyak kami sa harapan nila.Sobrang Ironic nung ginagawa ko araw araw na kasama si Steff no? Ganun talaga,Marami akong problema eh.Araw araw na yata akong may problema.

Teka nga.Ilang beses ko na ba inulot ulit yung 'problema' ? Hahaha.Natutuwa ako na nagising si Daddy pero at the same time nakulungkot ako dahil namatay si Lola.Masyado siyang bata para magkaroon ng cancer. 35 nga lang ata si lola

Pumasok ako ng kwarto ko tapos humiga sa kama ko.

"Apo,Ipinaghanda kita ng pagkain mo" sabi ng isang matandang boses.

Kasama ko pa pala lolo ko.Siya rin mismo nalulungkot dahil patay na si lola

"Sige po kukunin ko nalang po mamaya" sabi ko at may narinig na akong mga yabag na parang paalis pero mukhang mali pala,Papasok pala.Pumasok si lolo at nilapag yung tray na may pagkain sa side table at kinuha ko yung juice.

"Apo,napapansin ko lang.Nitong mga makalipas na linggo parang lagi kang masaya.Sagutin mo nga ako apo,Inlove ka na ba?" sabi niya kaya muntik ko ng ibuga

Teka? Saan naman nangging yang inlove na yan? Teka inlove na nga ba ako? Kanino? Kay Steff? Hahaha it's impossible.

"Lolo naman!.Alam niyo naman pong mas gugustuhin kong mag-aral kesa mag kalovelife.At ako? Maiinlove? YUCK that word lolo" Tss.Nahahawa na ako kay Steff.Teka bakit ko ba siya iniisip?

"Alam mo apo.Kahit sabihin mong wala ka pang nagugustuhan,alam kong meron na.Halata naman sayo,ayaw mo lang aminin" sabi ni lolo tapos lumabas na siya ng kwarto ko

Sino naman kaya magugustuhan ko? Si Steff? Eh friends lang naman kami nun.Pero friends lang nga ba? Hay bahala na.Malalaman lang batin na gusto ko siya kapag may nangyari na na hindi dapat mangyari.

Naligo na ako tapos nag ayos na ako ng damit ko..Hindi ko kasi napansin na 8:00 na pala..

Nag commute lang ako at wala pang 15 minutes ay nakarating na ako.

As always,may mga babaeng lumalapit at nagpapapicture sakin.Ewan ko ba,Hindi naman ako artista pero kung dumugin nila ako parang isa akong artista kung tutuusin nga sawang sawa na ako kakangiti sa mga nagpapapicture pero knowing na patay na si lola? Wala na siguro akong dahilan para ngumiti pa.Ay meron pa pala,Si Steff

[Red's POV]

Papasok na sana ako ng classroom ng makita kong maraming nagkukumpulan dun sa cr kaya lumapit ako pero ng makita kong si Ken yun? Bigla akong napatakbo dahil saktong pagtingin ko sakanya nakatingin din siya sakin.

Hindi ko alam kung saan ako tumakbo pero ang alam ko umakyat ako.Na reach ko na yung limit ng hagdan hanggang sa mapansin kong rooftop na pala to kung saan kami madalas nagrereview ni Nancy at minsan ay nagseselfie pa.

Naalala ko rin one time nandito ako nakahiga pa ng biglang dumating si Ken.

Masarap humiga dito dahil yung flooring ay hindi simento kung hindi ay yung fake na damo.Ang ganda nga ng pagkakagawa nila eh.Sobrang laki tapos may part na may bubong tapos may part na wala.Meron din na mga bulaklak sa mga sides.

Humiga nalang ako gaya ng dating ginagawa ko.Ang sarap nung hangin.May Aircon kasi.xD ewan ko ba pero wala namang tao madalas dito pero palaging nakabukas aricon ganon nalang ba sila mag sayang ng pera? Sabagay wala ng inaalala ang school na iti dahil sa sobrang yaman nila.Tsk

Nandito ako sa may part na bubong.May sliding door naman kaya hindi lumalavas yung lamig nung aircon.Teka kung ano ano na sinasabi ko eh tinakasan ko lang naman si Ken.Hay sana naman wag na niya ako puntahan dito.I want to be alone,ayoko ng may taong gugulo sakin.Kahit si Nancy.

Narinig kong bumukas yung pinto kung saan yung way papuntang hagdanan.Kasasabi ko lang ng ayaw ko ng tao eh! -.-

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at sa kinamalas malas,Si Ken pa talaga

"Hi" sabi niya

"Bakit ka ba nandito? Dun ka nga sa fans mo! Ayoko ng tao dito"

"Sobrang suplada mo naman.Iniwan mo na nga ako sa MALL,Pinagod mo na nga ako kakahanap SAYO kung makapag suplada ka pa wagas"walang karea-reaksyon niyang sabi tapos umalis na.

Problema nun? Ay kaya pala.Kasalanan ko.

Tatayo na sana ako ng makita ko ang picture ko.Picture ko nung bata pa ako.Teka? Bakit na sakanya 'to?

Pumunta na ako sa may hagdan tapos nakakita na naman ako ng picture.This time hindi na ako.Kundi siya na may kasamang ibang babae.

That's My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon