That's My Baby-21

22 0 0
                                    

Hindi ako yung tipo ng babaeng madaling umiyak.Pero kung sa taong mahal ko ako masasaktan,Aba syempre ibang usapan na yan.

Hindi rin ako yung tipo ng babaeng madaling mainis.Ayoko na masaktan uli at sinubukan ko na rin maging matapang.

Pero ano kaya gagawin ko kung sabihin sakin ni Ken na may iba na siyang mahal?

Well actually madali lang naman ang solusyon dyan.Hayaan ko nalang siyang magmahal ng iba.Ganon na nga lang ba kadali yon? Siguro hanggang salita nalang yun..

Kakauwi ko lang ng bahay ngayon.Pumasok na ako sa kwarto ko tas nag internet.

Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko.Rinignan ko cellphone ko,Si Ken tumatawag.

Nireject ko lang yung call tas nag skype..

"Mi! Kuys!" Sigaw ko ng makita ko si Mommy at kuya

"Bunso!!! Miss ka na namin! Musta ka diyan?musta kayo ng mga kaibigan mo? Si Ken? Kamusta din siya?" Tanong ni kuya kaya napasimangot ako.

"Ih bakit? May nasabi ba akong masama?" Tanong niya.Napabuntong hininga nalang ako.

"Wala kuya.Pagod lang siguro ako"

Maya maya naramdaman ko nanaman na nag vibrate yung phone ko.Ken calling uli.

"Mi,Kuys wait lang ah" sabi ko at tumango lang sila

This time inoff ko na at tinanggal yung battery nung phone ko at hinagis sa kama.

"So,Kayo nila Di,Kamusta na?" Tanong ko.

"Hayst.Busy na naman si Daddy sa trabaho.Si mommy? Maganda pa rin siya kahit haggard na" sabi ni kuya kaya napatawa kami.

"Bolero ka talaga kahit kelan Matthew!" Sabi ni mommy at kinutusan niya si kuya.

"Grabe mommy! Di ka man lang mahiya kay red!" Sabi ni kuya.

"Bakit naman ako mahihiya sa anak ko? Eh kayo nga dapat mahiya dahil nung mga bata kayo ay binobroadcast niyo ang salitang 'NATATAE AKO!' At 'NAIIHI AKO!' Pati na nga rin ang pagkabasted mo nung 15 years ild ka palang ay kinekwento mo sakin at iniyakan mo pa ako nun!" Sabi ni mommyna dahilan para mapafacepalm kami ni kuya at mapailing.

"Mi naman! Bata pa kami nun eh" sabi ji kuya habang napahawak sa batok.

"Bakit? Tingin mo ba matanda ka na?" Tanong ni mommy

"Tama na nga yan Mommy at kuya! Makapag usap naman po kayo parang wala na ako rito" sabi ko.

"Etong kuya mo kasi nakakainis." Sabi ni mommy

"SISSSSYY!!!!!!!!!!" Narinig kong sigaw mula sa ewan at nagulat nalang ako ng biglang sumulpot si Jenelle at Shailene.

Si Shailene ay kapatid ko na tulad ni Jenelle na nerd.

"Grabe!!! Miss ka nanamin!" Sabi ni Jenelle at sumang ayon naman si Shailene.

"Ate! Kamusta ka na diyan? Nakakainggit ka naman at nasa Korea ka! Paki sabi kay Kuya Ken at Kuya James na diyan din nila ako pag-aralin para magkasama tayo! At maging boyfriend ko na si Kuya James!" Sabi ni Shailene kaya nabatukan siya ni Mommy at Kuya

"Ikaw! Ka'y bata mo pa puro boyfriend na ang iniisip mo!" Sabi ni Mommy

"Hindi ka pwede magboyfriend hanggang di ka nagiging top 1 sa klase at hindi ka nagfo-forty years old!" Sabi ni Kuya kaya napatawa nalang ako

"Kuya naman! Balak mo bang tumanda akong magandang dalaga? Sayang ang lahi natin kung wala akong mapapangasawa!.Atsaka kuya hindi pa ba sapat na Top 3 na ako? Ang hirap kaya maperfect ang final exams namin para lang maging top 1!!" Sabi ni Shailene habang nakapout

That's My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon