That's My Baby-16

14 0 0
                                    

I'm not quite sure kung nanay niya yun or yung lola niyang maganda or ex girlfriend niya or ate niya or lil sis niya?

Sa pamilya kasi nila puro babae

Pero a nakita ko..Mukhang may edad na yung babae.Sadyang baby face lang.

Possible kayang yung babaeng nakita ko ditto sa picture ay yung babaeng nakita ko sa mall?I don't know.Hindi ko na kasi masyado matandaan yung itsura nung babae dun sa mall basta ang alam ko,naiinis ako nung mga panahong yun..

Sino ba naman hindi maiinis kapag nalam mong Nag absent ang isang tao para lang makipaglandian?

Bumaba na ako mula sa rooftop at dumiretso sa locker room.Isusuksok ko nalang Yung picture ko dun sa locker niya.Nagtataka ako kung bakit meron siyang picture ko pero,Kailangan ko yun ibalik sakanya.Malay mo naman kasi,Pinaprint niya yung picture ko para...Para,Ano...AYSHH! basta.

Binalik ko na rin yung picture nung babae.Mahirap na baka Makita pa ako

"Ano ginagawa mo?" tanong ng isang familiar voice.Napatigil ako sa pagsuksok nung picture at itinago ko nalang sa kamay ko.

"A....E.....I......O.......U?" dahil sa wala akong maisip na sasabihin ay wala rin akong naidahilan..

"Ano yung nasa kamay mo?" tanong niya kaya napalaki yung mata ko..

"AH...Picture ng pinsan ko..Regalo ko sana..Ah oo tama,Regalo ko para sakanya..Malapit na kasi birthday niya..

Wag ka na magtanong Ken please..

"AH...Patingin nga" sabi niya tapos mas lumapit pa sakin.

"AYOKO!,Hindi mo pwede Makita!" sabi ko pero lumalapit siya sakin at pinipilit kunin yung regalo kunwari..

"At bakit? patingin lang kasi"

"Ayoko sabi!" sabi ko at nagsimula na kaming maghabulan..

"Bakit ba ayaw mo ipakita sakin? di ko naman kukunin.Kahit ipakita mo lang sakin." sabi niya pero naghahabulan parin kami.

"Hindi nga pwede" tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa di ko napansin na may nakaharang pala sa harapan ko kaya nadapa ako at nabitawan ko yung picture..

Agad naman na lumapit si Ken dun sa picture at pinagmasdan niya..Tumayo na ako pero nakayuko lang ako..

"Bakit na sayo 'to?"

"Nalaglag mo nung pababa ka kanina" sabi ko na hindi pa rin tumitingin sakanya..

"Sino siya? nakakainggit naman,Ang ganda niya" sabi ko.

Hinawakan niya ako sa mukha at iniharap sakanya..Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita."Lola ko siya." sabi niya na medyo malungkot."Siya yung babaeng nakita mo nung pumunta ka ng mall.Alam ko yun kahit nakadisguise ka pa nun atsaka nung nasa Floral Shop ka palang"

"Papaano mo nalaman?..Yeka bakit parang ang lungkot mo? may problema ka ba? tell me" sabi ko..Para kasing may problema siya.Mukha pa siyang pagod.

"Gusto mo ba talaga malaman ang problema ko?" nag-isip muna ako ng isasagot pero tumango na ako..

Dinala niya muna ako sa school garden at pinaupo tsaka nagsimulang magkwento.

"Si lola,Simula bata pa lang ay siya na nag-alaga sakin..Siya rin ang nakakaintindi sa mga problema ko.Kapag hindi ko sinasadyang masigawan siya ay naiintindihan niya pa rin ako..Pero nung pumunta kami sa mall.Yun yung time na nagkasakit si Papa.Nalungkot ako non kaya para daw sumaya ako ng onti,Pumunta nalang daw kami ni lola sa mall at nag bonding..Hindi ko naman alam na yun na pala ang huling araw niya" sabi ni Ken at napansin kong parang naluluha na siya..

That's My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon