That's My Baby-1

87 4 0
                                    

Naglalakad ako ng makabunggo ko ang isang matangkad na lalaki,matangos ang ilong,maputi,may pagkanerdy ang itsura,at naka rimmed glass.

Hindi kita pinansin dahil hindi naman tayo magkakilala't nagkabungguan lang naman tayo.

Nagmadali akong tumakbo dahil alas ocho na at malapit na akong malate sa 1st class ko.

Nagulat ako ng parehas tayo ng dinadaanan pero hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin ang paglakad mo.

Pagkapasok ko wala pa naman ang prof ko kaya umupo muna ako't nagreview

Narinig kong bumukas ang pinto at bumungad ka na mukhang hingal na hingal.At eto ako,medyo gulat na magkablockmate pala tayo.

Lumapit ka at sinabi ang katagang..

"Can i seat beside you? Im pretty sure na wala namang nakaupo dito"

Tinanguan lang kita kahit nasa state of shock parin ako.

Hindi na kita pinansin at pinagpatulog na ang pagrereview ko.

Hindi mawala sa isip ko na nagkabungguan tayo at ang malala magkablockmate pa tayo.

***

Nag-sasalita ang prof natin pero hindi ko man lang maialis ang tingin ko sayo.

"Tapos ka nabang titigan ako?"tanong mo saakin na nagpagising sa diwa ko't natauhan.

Duon nalang ako napaiwas ng tingin at nakinig sa prof ko.

maya maya pa ay nagrecess na at yung binili kong strawberry sliced cake ay hindi ko man lang maubos kahit paborito ko 'to dahil sa sobrang preoccupied ang utak ko kakaisip sayo at sa kagwapuhan mo..

Wait what?! Kagwapuhan?! What a term of me!

Pinilit kong ubusin ang pagkain ko na halos mabulunan na ako sa kakamadaling ubusin para lang habulin ka't sundan kung saan ka man pupunta.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit kita sinusundan at kung bakit kita iniisip buong klase na halos tulala na ako't nilipad ang utak ko sa outer space.

Tahimik kitang sinusundan habang ikaw naman itong tingin ng tingin sa likod.

Sinundan lang kita hanggang sa makarating tayo sa music hall at ewan ko ba't nalaman mo ang lugar na ito samantalang ako na isang sem na dito sa iskwela't di ko parin nalalaman ang mga lugar rito.

Agad akong lumusot nung binuksan mo ang pinto ng may pagkalaki.

Pumunta ka sa may piano at umupo at pinatugtog mo ang "Someone Like you"

Manghang-mangha ako sayo ng mga oras na yun dahil hidni ko aakalain na may mga lalaki pa pala na mahilig sa mga instruments na kagaya ng piano.

Nagulat ako sa biglang pagtayo mo kaya napaupo ako sa isang direksyong hindi ko alam.Mas lalo kong ikinagulat ang bigla mong paglapit sakin kahit na ang dilim dilim sa lugar ko

"Bakit ka nandito? Are you stalking me?"sabi mo saakin pero hindi kita kinausap dahil sobra parin ang kabog ng dibdib ko

Tumayo ako't pinagpag ang damit ko at lumbas na ako ng music hall dahil hindi ko na kayang kasama pa kita ng ganun katagal sa iisang silid.

.

.

A/N:Hindi ko alam kung kelan ko itutuloy to basta stopped muna siya at itutuloy ko nalang kapag natapos ko na ang story kong ASNDM so sana maintindihan niyo :)

That's My BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon