***
Halos ang buong katawan niya ay hindi niya maigalaw tila manhid na sa araw araw na bugbog na natatamo niya.
Maging ang kaliwang mga mata niya ay halos hindi niya na rin maidilat. ma idilat man niya hindi naman gaano, Nais niyang makita ang kapaligiran kung saan nga ba siya na roroon ngunit sa tingin niya ay nasa isang silid siya na walang kahit anong liwanag, sa isang silid na puno ng kadiliman.
Fuck.
Wala halos siyang matandaan kung papano siya napunta sa lugar na ito. Ang huling na tatandaan niya lamang ay yung dinampot siya ng mga pulis, kasabay no'n ng may kung anon ini-spry ang isang lalaki sa tapat ng aircon, kasunod no'n ay wala na siyang ma alala nang magising na lamang siya ay narito na siya.
Sa tuwing tatangkain niyang lumaban dahil sa madilim na silid ay hindi siya makalaban ng patas sa mga gumugulpi sa kanya.
Nakarinig siya ng mga yabang papunta kung saan siya na roroon. Gustuhin man niyang tumayo subalit bali ang kanang binti niya, at nang hihina siya.
"Kamusta siya? " Rinig niyang sabi ng isang pamilyar na boses sa kanya.
"Hindi ko masasabi kung ayos nga lang siya. " Sabi naman ng isang boses ng isang lalaki.
Napakuyom ang mga kamao niya ng muli niyang marinig ang boses ng isang babae pamilyar talaga sa kanya ang boses nito, mas na rinidi siya ng humalakhak ito ng malakas tila mas lalong na tutuwa dahil sa kalagayan niya.
Narinig niya muli ang mga hakbang nito dahil sa ingay ng mga takong nito, huminto ito sa mismong harapan niya kung saan siya naka handusay sa malamig na semento.
"Alalayan niyo siya, gusto kung makita ang buong mukha niya. " Maautoridad na utos nito sa mga tauhan.
Kasabay no'n ang paliwanag ng buong silid. Nagimbal at hindi niya inaasahan ang makikita sa harapan niya ng mga sandaling iyon. Lalunat malinaw na sa kanya kung sino ang mga nasaharapan niya, kahit isang mata lamang ang na ididilat niya mas malinaw na niyang nakikita ang babaeng kanyang kaharap.
"Z-Zenny..." Muli ay humalakhak ito. Bago yumuko ng bahagya upang ma aninag ang kanyang mukha.
"Oops, poor girl. Tch! masaya akong na kikilala mo papala ako, " Sabi pa nito at muling tumawa na animoy na babaliw na.
"H-hayop ka.. "
"Tch. Nagulat ka ba na ako ang nakita mo? Well ipapaliwanag ko sayo kung papano at kung bakit ka narito. "
"P-papatayin kita. "
Muli itong humalakhak bago siya hinawakan sa mga panga. Noon lamang niya nakita ang kakaibang aura sa mukha nito.
At noon lang din niya na kumpirma na, nasalikod at maganda nitong mukha ay may nakatago papalang ka demonyitahan sa mala anghel nitong mukha, na hindi na kikita ng iba maging si Connan.
"First, kaya ka hinuli ng mga pulis ay dahil ako ang may kagagawan, second ay para mawala kana sa landas ni Connan' Connan is mine. Hindi mo talaga ako kilala Katharra' well yon ang pagkakalam mo. Tingin mo isa lamang akong lampa at talunan dahil na sindak mo ako noon? Your wrong bitch. Minahal ko si Connan ng labis, pero nung dumating ka sabuhay namin at umiksena lahat ng mga plano ko nag laho na wala ng parang bula! At dahil yon sayo! "
"T-Tch. Hindi mo matanggap na ako ang mas minahal nang Connan mo. "
Isang malakas na sampal ang natamo niya mula rito."You bitch! Igapos niyo siya! "
Agaran naman din tumalima ang mga tauhan nito bago siya tinaliaan sa mag kabilaang mga kamay niya.
"Oo maaring ikaw ang pinili at minahal niya ng sobra, pero sa tingin ko mawawala rin yon laluna kung ma bubura kana talaga sa mundong ito. Tulad ng pag kawala ng Mama mo At ng kapatid mo. "
BINABASA MO ANG
KATHARRA [ Book 1 / 2 ] ( Ongoing ) Under editing
Action[ ONGOING ] KATHARRA WARNING : R18 || SPG || Mature Content ━━━━━━━━━━━━ " Hindi ko Kaya Na Mawala ka Sakin, Takot Akung Mapunta ka uli sa kanya' at Sa Iba. Baka Ikamatay Ko yon. " → Killian Monterro De Amore ━━━━━━━━━━━━ Date Started : February...