Chapter 49 - ( Book #2 )

42 11 1
                                    


 

══✿══╡PRESENT╞══✿══

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

══✿══╡PRESENT╞══✿══

Prenting naka upo lamang siya sa single sofa sa loob mismo ng kanyang silid habang hinihintay ang kaibigan niya na dumating, upang kumpirmahin ang kanyang inutos. Naka ilang stick na basa siya ng sigarilyo bago dumating ang kanyang hinihintay.

"Thank's god you're here now. " Simangot niyang sabi.

Inirapan naman siya nito bago na upo at nag salin ng alak sa basong naroon.

"Tapos na ang pina pagawa mo. " Sabi nito bago inubos ang laman ng nasa baso.

"That's great. "

"So, ano nang plano mo ngayon. "

Tanong nito, agad naman siyang napalingon sa babaeng nakaratay sa kanyang kama habang may mga nakakabit ritong mga aparato, napa buntong hininga siya.

"Alam mong hindi ko siya pwedeng pabayaan, at hayaan na lang ang taong gumawa n'yan sa
kanya. "

"So you keep her---"

"Tch. Kakasabi ko lang diba? "

"Suplado mo talaga. " Sabay irap nito.

"Hanggat hindi pa siya nag kakamalay mas ligtas siya sa puder ko. "

"Imposible yang iniisip mo, paano kung hindi na siya magising? Na tatandaan mo ba ang sinabi sayo ng doctor, himala na lang kung magiging pa siya dahil sa mga natamo niya, at mas na apiktuhan roon ay ang ulo niya. "

Mas lalo siyang nagalit, napa kuyom ang mga kamao niya' kung sana mas maaga niyang nalaman hindi na sana umabot pa sa ganto.

"I know. Pero hindi ako susuko ngayon pa ba? Laluna ngayon alam kuna na siya ang kapatid ko, ngayon pa ba ako susuko kung kailan kasama ko na siya. "

Aniya saka siya lumapit sa gawi nito tanging makina lamang ng incubator ang maririnig  sa loob, gusto niyang mag wala magalit sa taong gumawa nito sa kanyang kapatid, matagal na niyang pina ngarap na magkaroon ng kapatid na babae.

At nang ipag tapat sa kanya ng kanyang ina, bago ito mawala nagkaroon ito ng affair sa isang lalaking mayaman ayon dito, at ang kanyang tunay na Ama ay isang Trinidad kilalang pinaka magaling na nigosyante sa lungsod ng Holy City.

Hindi man niya matanggap noong una, na nagkaroon ng affair ang kanyang Ina. sa isang mayamang tao, at may sariling pamily, pero wala naman din siyang pag pipilian ngayon, ngayon huli na ang lahat matagal ng pumanaw ang Kanyang Ama' gayon walang na kakaalam na kahit sino na anak siya salabas ng isang Trinidad maging ang Asawa ng kanyang Ama ay wala rin ayon sa kanyang Ina.

Itinago talaga siya ng kanyang Ina ng mabuti lalunat ang iniisip nito ay ang kanyang kapakanan.

At ng malaman niya na may kapatid siya labis ang kanyang pagka galak, ngunit may hatid rin lungkot dahil na laman niya rin na wala na rin ang isa niya pang kapatid na si Lantis.

Ngayon, si Katharra na lang ang mayroon siya. Hinaplos niya ang buhok nito na may benda gayon din ang kabila nitong mga mata, na upo siya, sa tabi nito labis ang kanyang awa dahil sa sinapit nito. Nais niyang umiyak baklaman kung makikita siyang umiiyak wala na siyang pakialam Pota! Ano magagawa niya laluna sa sinapit ng bunso niyang kapatid.

"H-Hi.. My princess, ako nga pala ang kuya mo. Sorry kung na huli si kuya na iligtas ka. Kailan ko lang din kasi na laman ang lahat, I'm really sorry.. "

Hikbi niya habang hawak ang mga kamay nito.

"Ayos ka lang? " Pag aalo ng kaibigan saka siya nag punas ng luha sumangot na lumingon rito.

"Sira ulo, ka talaga mukha ba ako ayos lang. "

"Tch. Kita ko nga hindi. Ang panget mo kasing
umiyak. "

"Kala mo siya napakaganda. " Pang aasar niya rin rito.

"May plano kana? "

"Oo, ang pagbayariin silang lahat sa gumawa nito sa kanya. "

"That's good, pero wag mo na sa ngayon. Satingin ko mas  kailangan ka niya sa ngayon. "

Tapik nito sa kanya, tumango siya'  may punto rin ito, hihintayin niya na lamang ang paggising nito saka na lamang sila kikilos kapag tuluyan ng gumising ang kapatid at tuluyan ng magaling isasangtabi niya muna ang galit pang samantala mas pag tutuunan  niya muna sa ngayon ay ang kapatid niya.

©Rayven_26

KATHARRA  [ Book 1 / 2 ] ( Ongoing ) Under editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon