Chapter 61 - Killian

60 2 0
                                    


***

Napasbunot siya sa buhok at hindi mapakali na nag pabalik balik na nag palakadlakad mula sa labas ng kwarto ni Katharra, hindi niya kasi alam kung tama ba ang gagawin niyang ayain itong lumbas bago manlang ito bumalik uli ng Holy City.

Fuck.

Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa pinag gagawa niya. Aaminin niya nang malaman niyang may kapatid ang kaibigan niya at nang makita niya ng dalawa mga mata niya ang dalaga. Hindi niya mawari pero bigla na lamang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib, sa pangalawang pagkakataon.

Ewan niya dahil sa tuwing makikita niya ito, ramdam niya ang kaba at sabik na makausap ito ng sila lamang dalawa.

Huminga muna siya ng malalim at akmang kakatok na sana ng bigla siyang akbayan ni Colo.

Nanigas siya' sa kanyang kina tatayuan bago siya, lumingon sa kaibigan. Napalunok siya ng laway bago ito pumaling sa kanya na may nakakatakot na mga ngiti ginayak siya nito paalis sa silid ng dalaga bago siya nito pinaupo sa single sofa malapit sa malaking binta.

"Ano at naparito ka? " Seryoso nitong sabi.

"Ano. Kasi... " Hindi niya na ituloy ang sasabihin ng malamig siya nitong  tiningnan ng seryoso pina ningkitan pa siya nito ng mga mata. Shit!

"Tapatin mo nga ako man. May gusto ka ba kay Katharra? "

Shit.

"H-huh? W-wala ah, "

"Wag mo nga akong pinag loloko Kill, kilalakita kapag may na titipuhan kang babae. Tulad rin ito nung na bubuhay pa si Dela. "  Agad siyang natahimik dahil sa sinabi nito.

Napakamot na lamang siya sa ulo ngumiti ng tipid. Bago lakas loob na sumagot.

"G-gusto ko lang sana siyang ayaing lumabas, bago siya bumalik ng Holy, " Nahihiya niyang sabi rito.

Umiling ito saka siya tinapik sa mga balikat.

"Walang problema sakin yon, man. Si Katharra na lang ang kailangan mong kausapin, "

"Salamat, dude---"

"Tch. Wag ka munang mag pasalamat gago ka,  hindi parin kita gusto para sa kapatid ko. "

Tumawa lang siya saka naman sila napa hinto ng bumukas ang pintuan ng silid ng dalaga napa kunot noo pa itong napalingon sa gawi nila ni Colo.

Agad naman siyang napatayo inayos ang suot na damit.

"Kuya? "

Kumamot ng ulo ng kaibigan bago ito lumapit kay Katharra hindi niya marinig kung anoman ang ibinulong nito sa kapatid para mapalingon sa gawi niya si Katharra. Shit!

Nariyan nanaman ang pag uunahan ng mga daga sa loob ng dibdib niya ng magtama ang mga mata nila nito.

"Oh, man. Ikaw na bahala sa kapatid ko. Ingat mo siya kundi mayayari ka sakin. "

Labis ang tuwa niya dahil hindi niya na pala kailangan pang magpaalam pa rito lalunat pumayag naman din ito.

"S-salamat dude. " Lumapit ito sa gawi niya bago siya nito tinapik. Nag lakad pababa ng hagdan gayon sila na lamang dalawa ng dalaga.

Labis ang kaba niya. Ni hindi niya mawari kung saan ba dapat siya tumingin gayon kapag sinalubong niya ang mga mata nitong kakaiba tila siya na aakit na titigan ang mga iyon.

"Killian.. " Agad siyang nag angat ng mukha nataran tang sumagot.

"Y-yes.. " Shit!

"Nais mo raw akong imbitahan na lumabas? " Malamig at seryoso nitong sabi.

Wala sa loob na sunod sunod siyang tumango. Ilang buwan na rin silang nag kakasama pero ito ang ikatatlong pag kakataon na makakausap at imbitahan itong lumabas, biglaan man lalunat hindi pa naman siya gaanong kilala nito ay mas mabuti ng siya na mismo ang gumawa ng paraan para mapalapit siya rito at gayon rin ito sa kanya. Kahit bibihira lamang siya nitong pansinin at ka usapin masaya na siyang makita itong ayos lang.

"S-sana.. "

Oh, fuck! Hindi niya kasi maiwasan na hindi ma utal lalunat kaharap niya ang babaeng crush niya no. Sabihan na siya ng mga kaibigan niyang isip bata ano bang magagawa niya tinamaan siya sa kapatid ng kaibigan niya eh.

"Bakit may sana pa? "

Napayuko siya mariing niyang naramdaman na nag init ang buong mukha niya dahil sa labis na hiya.

"...Pwede ba? " Hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa nito kaya bahagya siyang napaliyad ng kaonti.

Pigil ang kanyang paghinga dahil ilang pulgada na lang ng mga mukha nila, at kunting galaw niya lang ay maaari na niya itong mahalikan. Damn!

"K-Katharra---"

"Naninigurado lang baka kasi binibiro mo
lang ako. "  Sabi nito saka ito lumayo sa kanya at tumayo ng maayos, agad naman siyang naka hinga ng maluwag.

"G-ganon ba---"

"At ano naman ang dahilan mo at nais mo akong imbitahan na lumabas? "  Fuck. Sasabihin niya ba?

Kaso na hihiya siya. Puta! Pag kakataon niya na rin ito na makasama pangsamantala ito.

"G-gusto ko lang... " Tangina! Ano bang pinag sasabi niya wala naman siyang matinong sinagot sa tanong nito.

Nakakahiya ka Killian.

"Ganon? Okay, bukas three pm. "

Yun lang ang sinabi nito bago ito nag lakad palapit muli sa kanya saka siya ginawaran ng halik sa kanang pisngi at nag lakad pabalik ng silid nito.

At siya ayon tulala ni hindi makapaniwala sa ginawa ng dalaga sa kanya. Lutang ang utak niyang napahawak siya sa kanang pisngi kung saan siya ginawaran ng halik ng dalaga, bahagya pa itong tumingkayad para lang mahalik siya.

"Shit."

Tila siya naka lutang sa hangin nanaglakad pababa ng hagdan. Damn!

Napaka bilis ng pangyayari nakasalubong niya pa si Red, at tinawag nito ang pangalan niya pero wala hindi niya ito pinansin lutang siya masyado dahil sa dalaga.

Putangina. Tinamaan talaga siya ng matindi.

©Rayven_26

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KATHARRA  [ Book 1 / 2 ] ( Ongoing ) Under editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon