Laureen's POV
"Marami pang dapat tapusin na trabaho ngayon, Laureen." Paalala ng boss ko.
Tumango nalang ako bago ilabas ang cellphone ko para i-text si Trevor.
To: babe
Hey, marami pa akong aayusin. Just wait for me, 'kay? Bibilisan ko na 'to.
Minutes after I received a reply.
From: babe
Take your time:)
I sighed before going back to work. Kung wala lang talaga kaming project ay umuwi na agad ako. Dalawang oras pa ang tinagal namin sa opisina bago kami pauwiin. Nag-abang na agad ako ng taxi paglabas ko dahil hindi ko nadala ang sasakyan ko, coding kasi.
Wala sa sariling nilibot ko ang tingin sa sala pagpasok ko sa condo unit namin. Dumiretso ako sa kwarto naming dalawa at agad kumunot ang noo ko dahil sa itsura no'n. Nakakalat ang mga unan sa sahig, magulo ang comforter at wala sa ayos ang carpet. Nilingon ko si Trevor na nakayukong nakaupo sa sahig, nakasandal ang likod sa gilid ng kama.
Mas kumunot ang noo ko dahil sa paghikbi nya.
"Trev.." I called.
Mabilis umangat ang tingin nya sa'kin, walang pag-aalinlangan akong tumakbo sa pwesto nya. Basang-basa ang pisngi nya at namamaga ang dalawang mata dahil sa pag-iyak.
"T-Trevor, what's wrong? Anong nangyari? Bakit ganito ang kwarto? Bakit ganyan ang itsura mo?" Sunod-sunod na tanong ko habang hinahagod ang ulo nya na nasa dibdib ko. Mas lalong lumakas ang hikbi nya ng yakapin nya ako pabalik.
"Hey, baby. Answer me. Nag-aalala na ako." pagpipilit ko dahil sa panic na nararamdaman.
"W-Wala na sya. I-Iniwan na nya kami. Wala na si D-Daddy!" Natigilan ako dahil sa sagot nya.
Napaupo ako sa tabi nya, nakayakap pa rin sa kanya. Hindi ko na namalayan na lumuluha na rin ako. Patuloy pa rin sa paghikbi si Trevor.
"Wala na ang Daddy ko, L-Lau. I-Iniwan na nya kami ni M-Mama." Parang batang pagsusumbong nya sa'kin, "K-Kausap ko lang s-sya kagabi eh. S-Sabi nya pa sagot nya a-ang reception ng k-kasal natin. K-kanina habang n-nagluluto ako ng lunch m-mo tumawag si M-Mama, umiiyak sya. W-Wala na raw si D-Daddy. Syempre hindi ako n-naniwala kasi o-okay pa sya kagabi. He d-died on his sleep. Ang s-sakit, mahal. I l-love him so m-much. B-Bigyan pa natin sya ng a-apo eh. E-Excited sya do'n." Kwento nya, mas lalong bumuhos ang luha sa aking mata.
Hinayaan ko lang sya magsalita doon hanggang sa naramdaman ko ang malalim nyang paghinga, nakatulog na dahil sa pag-iyak. Mukhang kanina pa sya naiyak dahil sa pamumula ng mata. Kung maaga lang sana akong umuwi. Nag-text na sya kung pwede ko syang puntahan pero mas inuna ko pa ang trabaho ko. Maiintindihan naman ako ng boss ko kung sasabihin kong emergency pero hindi ko ginawa.
Inayos ko ang carpet na inuupuan namin bago kumuha ng unan para sa kanya. Hindi ko naman sya kayang buhatin para itaas sa kama, pinatungan ko sya ng comforter bago dumiretso sa CR.
Mabilis akong naligo bago mag-ayos ng damit namin sa bag. Siguradong kailangan ni Tita ng tulong namin para sa burol. Kung masakit 'to para kay Trevor ay triple ang dating no'n kay Tita. Nag-text ako sa magulang ko tungkol dito, mag-bu-book na agad sila ng pinakamaagang flight para makauwi sa bansa.
Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko ang may takip na ulam do'n. Ito siguro ang niluluto ni Trevor kanina para sa tanghalian. Ininit ko lang iyon para makakain kami bago pumunta sa kanila.
Isang buwan ang nakalipas pagkatapos ng libing ni Tito. Bumalik na agad sina Mommy sa ibang bansa dahil nando'n ang business nila.
"Anong oras na ha? Bakit ngayon ka lang?" I asked Trevor pagpasok nya sa kwarto namin. Halata sa mukha nya ang pagod.
"Tinapos ko yung pending projects ko, kukuha ulit ako ng bago bukas. Bakit gising ka pa?" Lumapit sya sa'kin bago halikan ang noo ko.
"Nagawa ako ng presentation. Maligo ka muna bago ka humiga ha." Paalala ko, he nodded before entering the bathroom.
I gasped when I saw our dining area. May mga nakatakip na pagkain sa lamesa, may mga lobong nakakalat at may banner na nakasabit. I checked the calendar in my phone. Kumunot ang noo ko nang makita ang date ngayon. It's our anniversary at ngayon lang ako nakauwi!
Mabilis akong naglakad patungo sa kwarto namin. He's wearing his reading glass while holding a book. Napalingon sya sa pwesto ko dahil sa pagtunog ng pinto. Seryoso lang syang nakatingin sa'kin. I pouted bago lumapit sa kanya. "I'm sorry, love. Tinambakan kami ng trabaho."
"Mhmm..." 'yon lang ang naging tugon nya at bumalik na ulit sa pagbabasa.
I smiled because of that, "Happy anniversary, my love. Staycation tayo?" I asked.
Lumingon sya sa'kin, I smiled widely.
"Makakatanggi ba ako?" He asked while removing his eyeglass.
I shooked my head.
I was scrolling on my cellphone. Naghahanap ng beach na pwede namin puntahan when I heard his footsteps.
"Trevor, look! How about dito?" I asked, pinakita ang phone sa kanya.
He looked at me apologetically. "May biglaan akong project, hindi ako maka-decline. I'm sorry, love."
Napanguso ako dahil do'n.
• • • • •
Your votes and comments are highly appreciated. Thank you.
FACEBOOK: Aia WP
TIKTOK: aianonymous
INSTAGRAM: ahlia.nm
TWITTER: aianonymous_wp
YOU ARE READING
Story Of Our Love
RomanceAIANONYMOUS ARCHIVES #3 A story of how they fought for their own 'happy ever after'.