SEVEN

192 13 0
                                        

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Laureen's POV



"Manang, nasa kwarto po ba si Tricia?" I asked Mang when I saw her cleaning the living the room. She nodded, mukhang gulat na kasama ko si Trevor ngayon.


"Jusko, Trevor! Na-miss kita. Kamusta ka na?" Masayang tanong nito sa lalaking nasa likod ko. I looked at Trevor, he's smiling at Manang. Hawak nya pa rin ang cellphone ko.


"Okay lang ho ako. Na-miss din kita, Manang. Kamusta po?" Magalang na sagot nito.


"Mabuti naman ako. Nandito ka ba para kay..." Binitin ni Manang ang tanong, nakita ko ang pagbaling nya ng tingin sa akin. I nodded my head.


"Puntahan lang po namin ang anak namin." Magalang na paalam ni Trevor bago ako hawakan sa siko. 


Mukhang gusto na nya talaga makita si Tricia kay nagmadali akong maglakad paakyat sa hagdan. I sighed when we reached our daughter's room. I looked at him, halata sa mukha nya ang kaba. I chuckled, he glared at me. 


Kakatok pa lang ako sa pinto nang bigla itong bumukas, Tricia is looking at me cutely.


"Hello, Mommy." She stopped when she saw the man behind me. Nanlaki ang mata nito at bigla nalang umiyak. Naglakad ako papunta sa gilid para malapitan ni Trevor ang anak.


Mukhang naintindihan naman nya ang ginawa ko, mabilis itong lumuhod para mapantayan ang anak namin. Halata na ang nagbabadyang luha sa mata nya and when he hugged his daughter I can already see the tears on his cheeks.


"My D-Daddy....." Humihikbing tawag ni Tricia, niyakap na pabalik ang ama. "Y-You're here na! I missed you so much." May mga sinabi pa sya ngunit hindi ko na naintindihan dahil mas lumakas lamang ang paghikbi nya.


Pinatahan ito ni Trevor habang hinahaplos ang mahaba nitong buhok, "Hush, princess. I'm here na, hindi na lalayo si Daddy sayo." Pinanatili nyang matatag ang boses nya kahit halata ang panghihina nya.


Ilang minuto pa ang tinagal ng iyakan nila bago kami pumasok sa kwarto ni Tricia. Naging makulit na ito, nagkaroon ng room tour sa loob dahil halos buong sulok ng kwarto nya ang pinakita sa ama. Si Trevor naman ay malaki na ang ngiti habang nakikinig sa anak na parang iyon ang pinakamahalagang bagay sa mundo. 

Story Of Our LoveWhere stories live. Discover now