Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Trevor's POV
"How come walang binanggit na pangalan kung sino ang ka-meeting ko?" Naguguluhang tanong ko sa secretary ko.
"Ayaw po kasi sabihin ng Mommy nyo ang pangalan eh." Kamot-ulong sagot nito sa akin.
"Reservation for Mr. Trevor." The waiter nodded bago kami in-assist papuntang VIP Room ng restaurant.
Ilang minuto na akong nakaupo ay wala pa rin ang ka-meeting ko. Tinawagan ko ang secretary ko na nasa labas ng VIP Room.
["Sir, she's here. Papasukin ko na po."] I just hummed before ending the call.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad kong inangat ang tingin do'n. I was stunned when I saw the woman who owns my heart. Naglalakad sya palapit sa pwesto ko, nagsalubong ang tingin naming dalawa. She smiled.
Laureen's POV
Halata ang gulat sa mukha nya nang makita ako. Nag-alinlangan pa syang tumayo. He gasped when I waved at him.
"Hello." Bati ko.
Hindi sya nagsalita, nanatiling naka-awang ang labi. Mukhang iniisip nya pa rin ang nangyayari kaya hinayaan ko sya. Naupo ako sa upuan sa harap nya. I giggled, sinusundan ng tingin nya ang ginagawa ko kahit nakatayo pa rin sya.
"Can you seat, Trevor? Masyado kang matangkad, nahihirapan akong tingalain ka." Utos ko na agad naman nyang sinunod.
"W-What the fuck? Y-You're here!" Bulaslas nya, mukhang ngayon lang nakabawi.
I nodded, "I'm here. Hindi ka ba masaya?" I pouted.
He released a heavy sigh, mabilis syang tumayo para mayakap ako.
"I'm not dreaming, right? Umuwi ka na? Umuwi ka na sa'kin?" Bulong nya sa akin, nararamdaman ko ang panginginig ng katawan nya.
I hugged him back, "I'm home."
My answer triggered his emotion, naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko dahil sa luha nya.
"Mukhang sayo nagmana ang anak natin." I laughed when I remember how Tricia cry on my shoulder.
Mabilis sya lumayo mula sa yakap at bumalik sa inuuupan nya. "A-Anak natin?" Nalilitong tanong nito, nagpapahid ng luha mula sa pisngi. "May anak na tayo?" He asked, I nodded.
"We have a daughter," Nilabas ko ang cellphone para ipakita ang litrato ng anak namin, selfie nya iyon. "She's Tricia. She wants to meet you kaya naisipan ko na rin bumalik dito."
Nanatili ang tingin nya sa picture, may mga luha na ulit sa pisngi nya.
"Dalhin mo ko sa kanya, Lau. I want to see her."
• • • • •
aia: last 2 chapters + author's note will be posted tomorrow. thank you.
Your votes and comments are highly appreciated. Thank you.