THREE

192 14 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Laureen's POV



After our talk, pumasok ako sa kwarto namin para ayusin ang mga gamit ko. Napag-desisyunan ko na pumunta muna sa Singapore kung saan naninirahan ngayon sina Mommy.


Hindi ko alam kung nando'n pa rin sa dining area si Trevor. Nasabi ko na naman sa kanya ang plano ko.Mabigat ang puso ko habang inaayos ang mga damit ko sa maleta. I never thought that I'm going to leave this condo, ang plano namin ay dito kami hangga't wala pa kaming napapatayong bahay. 


Wala naman 'to sa plano namin eh. We already planned everything including our future children. Hindi pumasok sa isip namin na maghihiwalay kami dahil wala kaming makitang dahilan para mangyari 'yon. 


I sighed after closing my luggage. Hinila ko iyon palabas ng kwarto. I saw Trevor sitting on the couch, holding a can of beer. Umangat ang tingin nya sa'kin pababa sa maleta na hila-hila ko. Nanatili ang tingin nya do'n hanggang makalapit ako sa kanya.


"I'm going..." Mahinang sabi ko, pinipilit na wag mag-breakdown sa harap nya.


He remained silent. Hindi ko na inantay kung magsasalita pa sya. 


Hahawakan ko na dapat ang doorknob nang maramdaman ko ang yakap nya mula sa likod. His hug triggered my tears. Naramdaman ko rin ang pag-iyak na dahil nakasubsob ang kanyang mukha sa batok ko.


We're both crying.


"I love you..." Humihikbing sabi nya.


I nodded, "I know. I love you too." Sagot ko sa kanya.


Ilang minuto pa ang tinagal ng yakap nya sa akin bago sya bumitaw, "Please live happily, Lau. I'm not able to give you that right now." Sabi nya bago ko narinig ang pagbukas-sara ng pinto, mukhang pumasok na sya ng kwarto.


Huminga ako ng malalim. Kahit gaano pa namin kamahal ang isa't isa ngayon, parehas kaming hindi magiging masaya hangga't hindi namin uunahin ang sarili namin. 




Habang inaayos ko pa ang dapat kong ayusin bago mangibang bansa ay nanatili ako sa hotel na pagmamay-ari ng magulang ko. Isang linggo na ang nakalipas noong naghiwalay kami ni Trevor ay nakatanggap ako ng tawag mula sa Mommy nya.


"Laureen." Pagtawag nito sa akin.


"Good afternoon po." Alanganin akong ngumiti sa kanya.


She smiled back, "How are you?"


I don't know. Manhid na ata ako dahil wala na akong maramdaman.


"I'm trying to be okay, Tita." 'Yon lang ang nasagot ko. "Si T-Trevor po?" 


"Bumalik sya sa bahay nung isang araw. Wala na raw kayo, that's what he said. Nagkwento sya sa akin." Hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa table, "Proud ako sa inyong dalawa. Nagawa nyong palayain sa isa't isa para sa sarili nyo. My son... Nabalitaan ko na lagi syang overtime sa trabaho pagkatapos ilibing ng Daddy nya, sabi nya 'yon daw ang naisip nyang paraan para ma-occupy ang utak nya." Pagkwento nya habang nakatingin lang sya kamay naming dalawa.


"Napansin ko rin po 'yon. Nawalan na rin sya ng pahinga simula no'n. Kahit sa pagtulog nya nakakunot pa rin ang noo nya." I chuckled when I remember his sleeping face.


"Kahapon, humingi kami ng tulong mula sa propesyonal..." She sighed, hindi na nya kailangan sabihin kung tungkol saan dahil nahulaan ko na agad.


"Buti po pumayag sya?" 


She nodded, "He did. Para raw kapag bumalik ka na, maayos na sya. Ikaw ang naging motivation nya. He knows that I'll talk to you today kaya nagpumilit syang sumama." 


Mabilis kong nilibot ang tingin ko sa buong restaurant para hanapin sya.


"He's inside the car." Tita said habang nakatingin sa kotseng naka-park hindi gaanong malayo sa pwesto namin. I smiled when I saw his car.


"Pinapabigay nya 'to sayo." May inabot sya sa aking maliit na papel bago tumayo, "He'll wait for you. We will wait for you." She said before placing a kiss on my head.


Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalabas sya ng resto. Pumasok sya sa passenger's seat ng kotse ni Trevor. Inantay kong makaalis ang sasakyan bago ko tignan ang nakasulat sa papel.


'I love you,  my Laureen. 

- always yours, Trevor.'




I smiled when I saw Trevor with his Mom. They're both smiling at the male doctor, mukhang sya ang doktor ni Trevor.


It's nice to seeing him for the last time before I leave. Hinimas ko ang aking tyan habang nakatingin sa kanya.


Weeks after we broke up, I found out that I'm pregnant.


I whispered,


"That's your Dad, baby. He's doing his best for mommy, for you and for himself. We're both proud of him, right?"


• • • • •

Your votes and comments are highly appreciated. Thank you.

FACEBOOK: Aia WP
TIKTOK: aianonymous
INSTAGRAM: ahlia.nm
TWITTER: aianonymous_wp

Story Of Our LoveWhere stories live. Discover now