Kasalukuyan akong nakaupo sa my garden nang biglang may tumawag sakin mula sa labas ng gate.
"RONAVEL!"
Tinanaw ko at nakita si Abby at alvin na nakatayo sa labas. Tinungo ko yung gate at pinatuloy sila.
"MY GOD! OKAY KA LANG BA?" alalang tanong nito sakin habang chinecheck yung katawan ko.
"Weve been calling you for nth times bakit di mo sinasagot?" si alvin
"Akala ko nagbigti ka na o kaya naglaslas." sabi pa ni Abby.
"tapos kapag pumupunta ka dito laging sinasabi ni manang na umalis ka o kaya tulog ka at ayaw paistorbo." sabi ni alvin.
Nagalala nga talaga sila.
"S-sorry.." sabi ko saka napaluha.
Bigla naman akong niyakap ni abby.
"Shh.. Its okay. Nagaalala lang kami. Pero were glad na okay ka pa at buhay." sabi ni abby habang si alvin naman pinapat yung ulo ko. Lalo akong napaiyak.
"tahan na, Gusto mo ng ice cream?" tanong ni abby habang pinupunasan yung luha ko.
Ice cream.. Oo nga pala dati kapag broken ako ice cream lang katapat ko okay na agad ako. Pero bakit ngayon hindi na ganun ayoko na ng ice cream.
Umiling ako.
"Rona.. Kaibigan mo kami, you can count on us." sabi ni alvin.
Tumango tango ako.
"A-alam ko, s-sorry." sabi ko.
"Ikwento mo nga samin ano ba talagang nangyari? Hindi ko kase makausap ng matino si Arnold e." sabi ni abby.
"Ang totoo, hindi ko din alam kung anong nangyari sakin.. Nung araw na yon, parang hindi ako yung kausap niya. Bigla ko nalang narealize na break na kami. Na single na ko ulit.." sabi ko habang napaluha ulit.
"Ah! Baka nagmamature kna, Ganyan yun e, naiintindihan mo na yung mga bagay bagay at nagdedesisyon nang kung ano yung tama." sabi ni abby saka ngumiti.
Maturity?
"Anong dapat kong gawin?" tanong ko.
"Edi move on! Marami pang iba dyan. Mga lalaking magpapahalaga at magmamahal sayo. Lalaking tatanggapin kung ano at sino ka." sabi ni alvin.
"Vin, may pinaghuhugutan ka? Hahaha! Pero alam mo rona, tama naman sya e, I feel sorry for you, dahil sakin mas masakit pa yung naramdaman mo. Sorry." sabi ni abby.
Bigla akong napaluha ulit.
"Sige lang, umiyak ka lang hanggang gusto mo, wag mong pigilan dahil kusang titigil yan kapag napagod na." nakangiting sabi ni alvin.