Napalingon ako sa tatlo at tinaasan sila ng kilay.
"Umamin ka din. Di mo pa nakakalimutan si rona." sabi ni benj.
"Balikan mo na kase sya." sabi ni aloy.
"Natotorpe ka ba?" si neil.
Ano bang sinabi ko?
"Wala kayong kwentang kausap." sabi ko saka iniwan yung tatlo.
RONA'S POV~
Tama, kung napagpalit na nya ko, I should show him na nakamove on na ko.. Nakaupo ako ngayon sa bench kasama si alvin..
"I saw him na nakatingin sayo. Ang galing mo, Hindi na halatang affected ka pa din sa kanya. Wag mo nang isipin yung kahapon. At masaya ako na pumasok ka na." sabi nito.
"Vin.. Tingin ko, hindi na ko yung dating rona." sabi ko.
"Ha?" takang tanong nito.
"Madali ko na kaseng natatanggap at naiintindihan yung mga bagay bagay.." sabi ko.
"Like what abby said, you're maturing. Normal lang yan." sabi nito habang nakangiti.
I cried hard yesterday when I saw him with another girl. Ako nakipagbreak but still I feel cheated. Pero dahil kay alvin naopen yung mind ko. I guess its about time..
"Thank you." sabi ko.
"for what?" tanong nito.
"For always being there for me, alvin thank you." sabi ko.
"You know, you're always welcome. And Hindi ako mawawala sa tabi mo. Kaibigan kita e." sabi nito.
Nginitian ko sya so he smiled back. He's really a blessing sila ni abby. Maya maya naghiwalay na kami ni alvin dahil malapit na magstart ang klase..
Naglalakad ako sa hallway ng harangin ako ng mga babae.
"A slut will always be a slut. Imagine kakabreak lang nila ni arnold my kapalit agad." sabi nung isang babae.
"please ayoko ng gulo." sabi ko.
"Uy infairness, hindi ka na pipi ngayon." sabi nung isa pa.
"Anong gusto mong iparating? Na kaya mong akitin lahat ng prinsipe dito sa campus? Si arnold tapos ngayon si alvin?" sabi nung isa.
"If thats what you think then it is." sabi ko then tried to escape but i fail kase hinila ako nung isang babae.