MCNG-03

2K 63 4
                                    

ARNOLD's POV~

Nandito kami ngayon sa Garden kasama ko si Rona dito na umiiyak pa din habang nakaupo sa Bench.

"Kahit kelan talaga pasaway ka, Diba sabi ko naman sayo na layuan mo yung mga yun?!" Sabi ko.

ilang beses ko nang sinabi sa kanya hindi ata nakikinig. Nagsimula syang pagtripan ng mga hipon na yun nung inannounce nya sa buong campus na boyfriend nya ko. hindi matanggap ng mga yun kaya lagi syang pinagttripan.

At ako?!

Syempre naging tagapagtanggol neto, Pano ba naman kase ako lang yata yung nasa speed dial neto kaya nakakatawag lagi. Di ko naman pwedeng ignorahin kase malalaman ni Abegail yun. ayokong mawala laptop ko.

"E kase sabi nila nandun ka e," Sabi nito.

Hay uto uto talaga to.

"E bat naniwala ka?" Tanong ko.

"Gustong gusto na kasi talaga kitang makita e, umalis ka kase agad kanina pagdating ko e." Sabi nito habang pinupunasan yung luha nya.

"Sige na, Tumigil kana sa pagiyak. Bumalik kana sa room mo magsisimula na yung klase." Sabi ko at nagsimula nang maglakad paalis.

"teka lang." Napahinto ako ng mgsalita sya.

Paglingon ko nagulat ako sa ginawa nya.

She kissed me on my cheek.

"What the--"

"Thank you for saving me, Ikaw talaga yung hero ko." Sabi nito saka ngumiti.

I can't believe na hinalikan ako nito.

"Sige my Loves aalis na ko, See you." Sabi nito habang nakangiti ng maluwag.

Ako?!

Nanatiling nakatayo, Di ako makapaniwala e.

Did she really kissed me?!

"Nakita ko yon."

napalingon ako sa nagsalita.

Si abby yun habang nakangiti.

"H-hinalikan ako ng Nerd! Whaaaa!" Sabi ko sabay punas sa pisngi ko.

"Ang OA mo, Hahaha! sa pisngi lang naman e, Akala ko nga sa lips na e." Sabi nito saka tumawa ng malakas.

"Shocks! Kasalanan mo to e Kaya nahalikan ako ng nerd." Sabi ko.

"Sus! Affected ka naman masyado parang hinalikan lang sa pisngi e." Sabi nito.

"Malamang! You know how much I hate nerd!" Sabi ko sa kanya

"Feeling ko, Hindi yung pagiging nerd nya yung dahilan kung bakit apektado ka e. haha!" Sabi nito na kinataas ng kilay ko.

"What do you mean?!" Tanong ko.

"Affected kana sa girlfriend mo." Sabi nito saka tumawa.

"Go to hell Abby." sabi ko saka naglakad na papunta sa room namin.

Affected ?! Oo apektado ako! hindi ko matanggap na hinalikan nya ko. hindi ko matanggap!!!!!!

Pagdating ko sa Room laman pa din ng isip ko yung sinabi ni Abby.

"Woy!"

"HINDI AKO APEKTADO!!!!"

My Childish GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon