RONA'S POV~
Inayos ko muna yung sarili ko. Siguro sinabihan sya ni Abby tungkol sa sitwasyon ko.
hayyyy sige na nga, pinapatawad ko na sya sa pagging late nya kahit hindi pa sya nagsosorry haha di ko naman matitiis yun e.
nakangiti akong lumabas ng CR at naglakad papuntang Sala.
"RONA!"
Biglang nawala yung ngiti sa labi ko at nakaramdam ako ng Disappointment ng makilala ko kung sino yun.
"Alvin." malumanay na sabi ko.
Shit Rona! wag kang iiyak. wag kang iiyak !
yan ang hirap sayo e, nageexpect ka kase agad..
"hey! what's with that face?" nakangiting tanong ni alvin.
pilit akong ngumiti sa kanya at umiling.
"Anak sya na ba yung boyfriend mo?" tanong ni mama.
"Ay naku hindi po, kaibigan nya po ako. alvin nga po pala." pakilalani alvin sa sarili nya.
"Ay kay gwapo naman netong kaibigan mo, ganito din ba kagwapo yung boyfriend mo anak?" tanong ni mama.
"opo ma." sabi ko with a force smile.
"Sigurado ka? e mukhang di naman pupunta dito yun e, hahaha teka, alam ba nyang boyfriend mo sya o nagiilusyon ka lang?" sabi ni ate Aubrey.
"Anak naman, wag ka namang ganyan sa kapatid mo." sabi ni mama kay ate.
"Naku ma! sabi kase wag ka magexpect e, minumulat ko lang sya sa realidad, kesa naman mangarap sya ng gising diba?" sabi pa ni ate.
AKO? di ako makapagreact. anong sasabihin ko? e halata namang hindi na pupunta si arnold e,
naiiyak na nga ako e,
"Naku hindi po, totoo pong may boyfriend tong kaibigan ko, baka natraffic lang po." sabi ni alvin.
napayuko nalang ako, buti nalang may kaibigan akong katulad ng lalakeng to.
kaibigan na magiging boses mo sa oras na walang salitang lumalabas sa bibig mo.
"busy? duh! what kind of reasopn naman yun? naku ma!sabi ko naman sayo walang papatol dyan kay rona. bukod sa itsura nyang yan e napakaisip ba--"
"Sorry po late ako, medyo traffic po kase e,"
sabay sabay kaming napatingin sa pintuan at nakangiting Arnold ang tumambad samin.
at this point, gustong gusto ko na talagang tumakbo sa kanya at umiyak pero i controlled myself.
naglakad na sya palapit sakin habang nakangiti pa din.
"Sorry nalate ako my loves." sabi niya then kissed me on my forehead.
reaction ko?
eto --> O_________O
totoo bang nangyayare to? o sa sobrang disappointed ko kung ano ano na yung naiisip ko?
yung puso ko..
yung puso ko..
sobrang bilis ng tibok!
first time nyang ginawa to.
first time talaga e, panaginip lang ba to?
My Loves..
Whaaaaaaaaa !!!!!!! KINIKILIG AKOOOO !
"Huy anak! ano nang nangyayare sayo? natulala ka na dyan?" bigla akong bumalik sa realidad.
inikot ko yung paningin ko,
Si alvin, Si mama, Si ate.. teka nasan si arnold?
"Okay ka lang friend?" tanong ni alvin.
"Ah oo, sorry lutang e." sabi ko.
"Anak hindi na kami magtatagal ha? binisita ka lang naman talaga namin e." sabi ni mama.
"Ah ganun pu ba, sige po, pasensya ma baka busy lang si arnold kaya hindi nakarating." sabi ko.
"Naku mas tara na! di nageexist yang arnold na sinasabi nya." sabi ni ate saka nagpaytiuna na palabas ng bahay.
"Ma, sorry talaga." sabi ko kay mama. niyakap nya ako.
" marami pang pagkakataon, naniniwala ako sayo baby, basta yung pagaaral ha? wag pabayaan. sige mauna na kami." sabi ni mama saka umalis na.
Ayun naiwan kaming dalawa ni alvin.
napaupo ako at tuluyan nang kumawala yung mga luha ko na kanina pa nagbabadya.
inabutan ako ng panyo ni Alvin.
"Shh, tama na an, malay mo busy lang talaga sya." alo sakin ni Alvin.
ngumiti ako at tumango.
