RONA's POV~
isang buwan na akong hindi pinapansin ni Arnold.
Hindi din sya nagrereply sa tx ko.
Hindi ko alam kung bakit.
"Pansin ko lagi kang matamlay a, May problema ka ba?" Tanong ni Alvin. Kasama ko sya ngayon dito sa Garden namin.
"Isang buwan na kase akong hindi pinapansin ni Arnold e, may nagawa ba kong mali?" Tanong ko.
"Parang wala naman." Sabi nito.
"Bakit nagkakaganun sya?" Tanong ko.
"Baka may problema lang." Sabi nito.
"E di ba dapat sinasabi niya sakin kung may problema sya? Girlfriend nya ko e, Di ba ganun yun?" Sabi ko pa.
"Hayaan mo muna sya, Magoopen din yun. Basta wag kang susuko." Sabi nito.
"Darating bukas sina mama kasama si ate. Sabi ko ipapakilala ko si arnold. pano yan? Paniguradong pagtatawanan nanaman ako ni Ate." Sabi ko.
Ganun kase si ate e, Ewan ko pero mainit yung dugo niya sakin palibhasa half sister ko lang sya.
"tawagan mo sya, tas sabihin mo na kailangan mo sya bukas." Sabi nito.
"Di nya nga sinasagot e." Sabi ko.
I'm hopeless.
"Try pang ng try." Sabi ni alvin.
So yun nga yung Ginawa ko, buong araw sinusubukan kong tawagan si Arnold pero hindi nya ko sinasagot. Tinetext ko pero di nagrereply.
madaling araw na at hindi pa din ako makatulog. Iniisip ko kung anong gagawin ko..
Mapapahiya nanaman ako neto..
ang bilis lumipas ng mga oras 8 am na at 2 hours lang tulog ko.
10 kase darating sina mama e.
Inayos ko muna yung bahay at ang sarili ko.
pasado alas diyes na. nagtx sina mama na malapit na sila.Tinawagan ko ulit si Arnold at hindi pa din sumasagot.
Pano na yan.. Anong gagawin ko?
Maya maya biglang..
*Dingdong dingdong dingdong*
they're here.
lumabas ako para biksan yung gate.
nakangiti at nakasimangot ang sumalubong sakin.
"Bunso kamusta kana.." Sabi ni mom sabay niyakap ako.
"Ma.." Sabi ko.
Tuloy tuloy naman sa pagpasok si Ate.
Inaya ko na din sa loob si Mama.
"Okay ka lang bang magisa dito?" Tanong ni mama ng makaupo kami sa sofa.
"Okay lang naman po nandyan naman si manang e." Sabi ko.
"So nasan na yung boyfriend na sinasabi mo?" Sabi bigla ni ate.
Yan na nga ba yung sinasabi ko e.
"A-Ah.. Padating na." Sabi ko.
"Talaga baby? Wow, Finally may boyfriend kana." Sabi ni mama.
"Opo ma, Tsaka gwapo pu sya at mabait." Sabi ko.
"Sus, Baka naman imagination mo lang yan. I Doubt kung may papatol sayo sa itsura mo na yan." Sabi ni ate.
"Aubrey.. Wag ka namang ganyan sa kapatid mo." Sabi ni mama.
"Hindi sya imagination. Darating pu sya." Sabi ko kahit walang assurance.
Almost 1hour na ang nakakalipas at nandito kami ngayon sa harap ng hapagkainan.
"Grabe naman paimportante ba yang boyfriend mo o wala talaga?" Sabi ni ate.
"Baka traffic lang." Sabi ko saka tumayo at nagpaalam na magccr lang.
Pagpasok ko sa CR dinial ko ulit si arnold pero this time nakapatay ung phone nya.
Naiiyak na ko. Mukhang mapapahiya ako ngayon aa at sa harap pa ni ate..
Patuloy pa din ako sa pagdial ng biglang may kumatok.
"Baby matagal ka pa ba dyan?" Si mama.
"Saglit nalang po." Sabi ko.
"Bilisan mo at naghihintay yung bisita mo." Sabi ni mama na kinagulat ko.
Bisita? Posible kayang..
(A/N: Bitinin ko muna kayo okay lang? Pasensya ang pangit ata ng story. Kung naguguluhan kayo pwedeng magcomment para alam ko.
So para to sa pinsan ko haha!
May mga character na gawa gawa ko lang sana okay lang.Sana magustuhan mo ito pinsan :)
Please Read, Comment and Vote! Hahaha
ABANGAN ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI. ^__^
- MeMaria)