Pilit pinaniniwala ang sarili na makakaya pa
Makakaya pang ipaglaban
Ngunit kita naman na, kahit di na ipaliwanag
Nagbago na, nag-iba na
At alam kong sa sarili ko ay hindi na ako
yung dating nakilala niyaAFTER ng shift ko ay dumiretso ako sa Milk Teas Shop kung saan nakita ko sila Ian kasama si sir Daichi at buo niyang tropa. Magkikita rin kasi kami nila Armeng kasama si Jethro. Nag-order na muna ako ng isang plate ng chicken wings at milk tea. Mali-late sila ng dating dahil nag-aantayan pa yung dalawa para matapos yung work nila. Kaya eto ako, waiting.
Napatingin ako sa kaharap kong mesa na pinag-upuan nila Ian. Hindi ko alam kung maawa ako sa sarili ko. After ko siyang makita nang isang araw kasama yung girl niya. Klaro na lahat. Hindi na ako yung kababata na kilala niya. They say time heals wound but it been so long. I still like the person 14 years ago.
Kinain ko na yung chickens wings bigla ako nagcrave sa kanin. Pero okay na rin minsan lang naman ako mamapak ng manok. Ang sarap ipares ito sa sa matcha milk tea nila. Para akong nasa commercial na naimbitahan dahil di ko na kailangang umakting para i-endorse itong chicken. Kahit kinakain ko na siya nagki-crave pa rin ako sa chicken.
"Sarap bheii, bunsad ni Armeng na nang-aasar. Naupo na siya sa harapan ko sa table. Nilunok ko muna ang chicken sa big ko at uminom ng milk tea.
"Ikaw lang be?" Tanong ko sa kanya. Fresh siya at ang bango mukhang nakapag-ayos bago mag out. Sinundan ko yung tinuturo niya. Nasa counter si Jethro mukhang nag-oorder. "Gusto mo", Alok ko sa kanya.
"Enjoy yourself be. Baka umiyak ang bata", pang-aasar niya pa. Naupo na rin si Jethro sa tabi ni Armeng. Nasa harapan ko silang dalawa.
Wala pang ilang minuto may mga grupo ng lalaki ang pumasok at nag-ingay, familiar mga boses nila kahit hindi ko pa nililingon.
"Theo HAHA gagi", bulalas ni Jethro. Nagkatinginan kami ni Armeng. Lumapit naman ang isang lalaki na mataba na mukha siya ang Theo na tinawag ni Jethro. Siya yung mataba na kasama ni Ian. Bigla ako nahiyang kumain ng chicken. May tatlo pang wings na natira at nasa ibabaw ng tissue naman yung mga buto.
Base sa kumustahan nila Jethro ka-dorm niya ito. What a small world. Tahimik lang kami ni Armeng at masayang pinapanood ang dalawang magkaibigan.
"Look who's here. Binibining chin ni Daichi", Sambit niya sa akin at nakipag hug five. Tinaas ko naman isang kamay ko at siya na kusang nakipag-appear.
"Magkakilala kayo?", Tanong ni Armeng.
"Siya lang mag-isa dito nang isang araw. At mukhang na-love at first sight ata tropa ko HAHAHA", Hindi ko alam kung matutuwa ako sa narinig ko. "Andito na pala siya. Chi, andito si chin", dagdag niya pa. Tuwang tuwa siya halos di ko na makita yung mata niya dahil sa pagtawa niya. Sarap niyang pisilin dahil ang cute niya. Meron siyang itsura kung susuriin.
"Ikaw na naman Chin", Pang-aasar sa akin ni sir Daichi.
Naalala ko tuloy yung sinabi at ginawa niya kanina. Nginitian ko na lang siya pabalik.
Hinanap ng dalawang mata ko kung nasaan si Ian. Hindi sila kumpleto wala si Ian. Silang tatlo lang at may bago silang kasama.
Mukha kailangan nating maglakad lakad mamaya ah Bulong sa akin ni Armeng na tinusok pa tagiliran ko. Nakalimutan kong ikwento sa kanya na nakita ko na si Ian dito.
Naupo na sa kabilang mesa sila Daichi. Nagkwentuhan naman kami. Nagtatawanan kami nila Armeng agad namang napapawi pag tawa ko kapag nalingon si Daichi. Bakit sa dami ng pwedeng mag train sa akin siya pa?
![](https://img.wattpad.com/cover/303388807-288-k200983.jpg)
YOU ARE READING
Committed
RomanceHindi lubos akalain ni Chin na muling makakatagpo niya ang kaniyang unang pag-ibig. Mahigit isang dekada man ang nakaraan at lubos man na nadagdagan ang bilang ng kaniyang edad ay hindi niya nakalimutan ang unang lalaking minahal niya, si Ian. Sa m...