Kabanata Apat : Long Time No See

10 1 0
                                    

Malumot o moderno man
Palaging ikaw ang laman
Patuloy na mag-aabang
Kung kelan ka mapapadaan

Hayaan mo lang akong ganito
At masaya ako sa kung anong nakikita ko
Balang araw din mapagtatanto
Na ako ay malabong mapasayo

"IANNNNNNNNNN!",

Napalingon ako agad sa isang lalaki na tumatakbo palapit sa samin. Siya yung lalaking nag-abot ng phone ko sa shop. Naupo ito sa harap ni Ian at tinignan ang kalagayan ng kaibigan niya.

Nakahoody neon violet jacket at black short ang suot niya. Napatingin ito sa akin matapos suriin si Ian.

"Ikaw ba si chin?", Tanong niya sa akin habang inaalala kung ako ba ang babae kanina. Mahahaba ang pilikmata niya. Matangos ang ilong at napakaperpekto ng panga niya. Ang pupula ng labi at manipis. Kitang kita ang paggalaw ng Adams aple sa tuwing nagsasalita ito.

"Oo ako iyon", matipid kong tugon.

"Tulungan mo akong itayo siya", Saad niya at kinuha na ang kamay ni Ian at inakbay ito sa balikat niya. Inalalayan ko naman ang kabilang kamay niya para madali siyang makatayo. Nang makatayo sila ay binitawan ko na si Ian.

"Ito pala ang phone niya", abot ko sa lalaking Japanese ng cp ni Ian. Nakatitig lang ito sa cp. Habang inaayos niya naman ang ulo ni Ian na lumalaylay sa gilid dahilan para mahirapan siya.

"Hindi mo ba ako tutulungan?", Nagulat ako sa tinanong niya. Napakunot na lang ang noo ko.

"Bakit hindi mo ba kayang buhatin si Ian ng mag-isa?", Saad ko naman at napangisi ito. Baliw ba ang lalaking 'toh. Mas matangkad siya kay Ian at kayang kaya niya namang akayin ito ng mag-isa. Bibili rin ako ng ulam ko at nagugutom na rin ako.

"Wait ! Magkakilala kayo ni Ian?", tanong niya. Para siyang bata nag-aantay ng kasunod na kwento na binitin ng kaniyang lolo. Nagdadalawang isip din kasi ako kung sasabihin sa kaniya. Mukhang hindi pa ako naikwukwento ni Ian. Eh bakit naman niya ako ikukwento, ano ako gold ? Napabuntong hininga na lang ako.

"Oo kilala ko siya. Sige na iuwi mo na yan sa bahay nila", akmang aalis na sana ako kaso bigla niya na naman akong tinawag.

"Bakit na naman?", pagsusungit ko sa kaniya. Siguro nga may sayad ito. Tinatawanan niya lang ako.

May tinuro siya napatingin ako sa direksyon ng tinuturo niya. Yung cp ni Ian hawak ko pa.

"Yung cellphone ni Theo",

Theo? Napaisip ako kelan pa naging Theo ang pangalan ni Ian. Llian James ang buong pangalan niya. Binago na ba ni tita. Impossible naman.

Mygadddd ! So hindi niya 'to phone. At single pa siya ngayon. Hoy ! Self Ayan ka na naman.

"Ano ibibigay mo ba yung phone nangangalay na ako?", pagkakasabi niya ng may authority.

Iaabot ko nga pala dapat ang phone. Iniabot ko ito sa kaniya. Binulsa niya naman ito at naglakad na siya.

Naglakad na rin ako para makabili ng ulam. Pareho lang kami ng direksyon na tinatahak. Edi sana pala ay inalalayan ko na rin si Ian.

Malaki man ang pinagbago niya wala paring nagbabago sa naramdaman ko. Siguro kahit anong ipakita niyang karakter matatanggap ko.

HINDI ko naabutang umuwi si Armeng kagabi. Pagkatapos ko kumain at maghilamos ay nakatulog na ako.

Alasais pa lang ng umaga. Naghilamos at nagtoothbrush ako bago lumabas para bumili ng pandesal at lugaw. Ayon kasi laging binibili namin ni Armeng. Tulog pa siya at ako na lang ang bibili.

CommittedWhere stories live. Discover now