Taon na ang nakakalipas ngunit tila ba sariwa parin sa kaniya ang pangyayari. Haggang kailan niya sisi-sihin ang kaniyang sarili? Kung sana pwede lang ibalik ang kahapon ay matagal niya na itong ginawa.
"Cypher kumain kanaba? Pinag luto kita ng paborito mong sisig," Naka ngiting wika ni Zeigler Dela Paz sa kaniyang asawa. Kakauwi palang nito galing trabaho. Sanay na siya sa isasagot nito. Ngunit andito parin siya nagbabasakaling makuha niya ang loob ng asawa.
"Busog pa ako." Malamig na tono nitong tugon. Nalungkot siya sa ina-akalang matutuwa ito sa kaniyang niluto. "Eh pero sayang naman yun kong dimo titikman," Malungkot niyang saad sa naka talikod niyang asawa.
"Tssk kailan ko'pa naging paborito ang sisig? Saka pwede ba tan-tanan mo muna ako. Pagod ako."nababarinong sabi nito sa kaniya at mabigat na naglakad pa-akyat ng kuwarto nila.
Naiwan siyang mag-isa. Palagi nalang ganto ang nang yayari sa tuwing uuwi ito ng bahay."Pagod ako." "Busog pa ako." "Kumain na ako sa labas" madalas ganiyan ang kaniyang naririnig mula kay Cypher Selfaison .
Paano ba naging ganito ang lahat? Well, wala naman siyang kasalanan dahil ang lintik niyang puso ang pumili nito. Pinilit niya ang kaniyang mga magulang na ikasal sa lalaki at dahil dala narin sa naluluging negosyo nila Cypher ay wala itong nagawa kundi ang sumangayon sa napagkasunduan.
Walang kalalagyan ang kaniyang kasiyahan ng maisakatuparan ang kaniyang hinihiling sa mga magulang na makasal sa lalaki.
Subalit may kapalit pala ang kaniyang kasiyahan na tila ba pang habang buhay nalang niyang dadalhin.
Umakyat siya sa kuwarto. Para ihanda ang susuotin ng asawa. Habang hinahanapan niya ng damit ang asawa ay biglang tumunog ang cellphone nito. Naiwan nitong nakapatong ang cellphone sa table side kaya naman lumapit siya dito para silipin Kong sino ang tumatawag.
Binuksan niya ang cellphone ng asawa. Mabuti nalang ay hindi pa ito nag papalit ng pin code. Agad niyang hinanap ang messages at tinap.
From unknown :"Hello baby, I miss you. Punta ako diyan sa office mo bukas. Mwah."
Parang bilyon-bilyong patalim ang tumusok sa kaniyang puso. Kusa nalang tumulo ang kaniyang luha. Alam niyang matagal ng nagtataksil si Cypher sa kaniya pero bakit gan'to parang hindi parin siya sanay sa nang yayari. Alam niyang darating sa punto na gagawin talaga ito ng lalaki dahil sa una palang alam niyang hindi siya nito mahal at kahit kailan man ay hindi siya nito magagawang mahalin. Pinahid niya ang kaniyang luha. Hindi nararapat sa kaniya ang umiyak masyado.
Akmang ibabalik niya na ang cellphone ay sakto namang bumukas ang pinto sa banyo. "What are you doing in my phone?"
Hindi niya alam Kung ano ang isasagot. "Huh, ahmm tiningnan kolang may nag text kasi," pilit niyang pinapakalma ang sarili. "At sinong may sabing pwede mong pakialam ang gamit ko?" sa tono ng pananalita nito, para bang wala siyang karapatang hawakan at alamin Kong sino ang nag te-text sa kaniyang cellphone. Parang hindi naman sila mag asawa. Sa bagay siya lang naman ang umaastang asawa sa kanilang dalawa.
"S-sorry hindi ko intensyong tingnan ang nag te-text sayo," Mahina niyang sagot. "Tss... sa susunod na tumunog ang cellphone ko wag mong pakiki-alaman." sabay hablot nito sa cellphone na hawak niya "Pakialamera." dag-dag panito.
"Uh, Cypher na handa ko na ang damit mo." kinuha niya ang susuotin ng lalaki at iniabot niya dito. "Wala kanabang ipag uutos sa akin?"
"Tss umalis kana nga." naiiritang saad ng asawa sa kaniya.
Hating gabi na ngunit hindi parin siya dinadalaw ng antok. Mag Isa na naman siya sa kanilang mansion. Napapadalas na kasi ang pag alis ni Cypher tuwing Gabi kesyo may aasikasohin pa daw ito.
YOU ARE READING
One Shot Story
Short StoryIts all about a short story>>> TikTok acc: Novahstories Facebook acc: Novah Stories