8- Kaya pala

8 0 0
                                        

Pag pasok niya nakita niyang nagkukumpulan ang mga studyante sa bawat sulok ng campus. Maraming mga bulong-bulongan na para bang mga bubuyog.

"Yack Ang baboy naman niya."

"Tama nga silang nasa loob ang kulo niya."

"Malandi."

"Sino kayang nag post nong video niya?"

Tahimik lang siyang naglalakad na parang normal lang sa Kaniya ang araw na iyon.

"Ang buwan ng Hulyo ang itinalagang safety month kaya narito ako ngayon upang i-discuss sa Inyo ang ibat-ibang uri ng bullying."

"Ayun sa republic act 10627, or the anti bullying act of 2013. Layunin ng batas na ito na protektahan ang mga studyante mula sa loob ng mga educational institutions. Hindi lang mga studyante kundi pati narin ang mga taong nakararanas ng pangaabuso o bullying." Dag-dag pa nito.

"Narito ang anim na uri ng bullying una ay ang cyber, verbal, rational, physical, sexual at prejudicial. Ang cyber bullying o Kilala bilang Anti-cybercrime law, republic act of No. 10175 ay isa sa mga pangunahing problema ng bansa. Kabilang dito ang paninirang puri, kagaya ng pornograpiya, identity theft, scams at iba pa." Patuloy ng kanilang professor.

Napairap siya sa kawalan. Wala namang nakikinig dahil halos lahat ay nakatuon ang atensyon sa kani-kanilang mga cellphone at pinapanood ang viral videos ng kaklase nila. Walang kaalam-alam ang kanilang guro sa nangyayari. Minsan lang naman kasi ito pumasok at palaging absent.

Napalingon siya sa kaliwang sulok ng classroom Kung saan tahimik lang na nakaupo si Lily. As usual walang may gustong tumabi. Lalo na ng kumalat ang scandal niya. Nang matapos ang discussion ay mabilis na nawala ang kaniyang mga kaklase. Lumapit Siya Kay Lily.

"Simple lang naman ang pabor ko pero hindi mo ako pinagbigyan."

Hindi siya nagsalita. Tahimik lang habang nakayuko. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay ang hindi sumasagot kapag kinakausap niya.

"Bwesit ka talaga!"

Sa subrang inis niya ay kinuha niya ang bag nito at itinapon ang laman sa basurahan. Sinugurado niyang hindi na mapapakinabangan ni Lily ang mga gamit nito. "Alessia please burahin mo na Yung video." Ngumisi siya.

"Wala na tayong magagawa. Kumalat na sa buong campus ang kalandian mo." Noong isang araw niya lang pinost ang video pero Isang Oras palang ay kumalat na kaagad ito. "Lakas din ng loob mo 'no. Hindi kaba nahihiya sa sarili mo? Kadiri ka."

Tanging pag hikbi nalang ang nagawa ni Lily. Hindi niya kayang lumaban. Natatakot siyang magsumbong. Napaluhod siya. Nanginginig ang buo niyang katawan. Hindi Niya alam kung ano ang gagawin. Si Alessia ay kababata niya pero hindi niya akalaing hahantong sila sa ganitong sitwasyon. Mayaman si Alessia kaya ginagamit niya ang kaniyang pera para makuha at masunod ang kaniyang gusto.

Kinabukasan tangahli na nang pumasok si Alessia. Tahimik at walang mga studyante sa pasilyo. Makulimlim din ang kalangitan. Nakita niya si Lily na nakatayo sa tabi ng pintuan. Umiiyak. Namumutla at maitim na ang ibaba ng mata.

"Alessia please burahin mo na yung video." Pagmamakaawa nito. "Kung ako sayo magpakamatay kanalang tutal wala namang kakampi sayo. Hindi Kanila paniniwalaan."

Hinawakan siya ni Lily sa braso na kaniyang ikinagulat. Pero hindi siya nagpahalata."Pwede ba umalis ka sa harapan ko."

Tuloyan niya na itong iniwan at pumasok sa silid. Naagaw ng kaniyang atensyon ang naka bakanteng upuan sa kaliwang gilid. Ang upuan ni Lily. Naguguluhan siya. Bakit may mga bulaklak at kandila?

"Patay na si Lily. Noong isang araw pa." Nagulat siya sa narinig. Patay? Pero kausap niya lang ito ngayon. Lumingon siya sa may pintuan kung saan nakatayo kanina si Lily ngunit laking gulat niya ng wala na roon ang babae.

Kaya pala. Kaya pala kanina nang hawakan siya nito sa palapulsuhan ay malamig. Subrang lamig. Nagtaasan Ang kaniyang balahibo. Ibigsabihin ang kausap niya kahapon at ngayon ay kaluluwa nalang ni Lily .

"Nagpakamatay daw si Lily. Uminom daw ito ng Botulinum toxin."

 One Shot StoryWhere stories live. Discover now