6- Schadenfreude

8 0 0
                                    

"May transfer daw,"

"Lalaki?"

"Nahh... as usual babae. Kailan pa ba nag karoon ng lalaking transfer, lagi namang babae."

Tahimik lang siyang naka upo sa likod ng Puno. Hindi alam ng mga babaeng nag uusap na kanina pa siya narito.
Hinihintay niya lang mag bell bago pumasok sa classroom. "Class we have a new classmate." Sabi ng lalaking kalbo na may makapal na salamin sa mata. Ngumiti siya at pumasok sa loob.

Lahat ay naka tingin sa kaniya. May ibang masama ang tingin at mayroon namang naka ngiti at handang makipag kaibigan. Huminto siya sa gitna at nagpakilala. "Hello everyone I'm Lindsey Madalton, nice to meet you all." She smile sweetly.

Naglakad siya papuntang likuran at tumabi sa isang babae na kanina pa panay ang tawa. I like her vibes!

"Can I sit here?" Pinasadahan mo na siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka tumango. Nginitian niya ito. "Thanks," Nakasuot siya ng high waist long denim skirt with a partner of white top. How a simple girl.

Naging malapit kaagad sila sa isat-isa. Hindi naman kasi mahirap makipag kaibigan."Rona dika mag ka-canteen?" Tanong niya rito. Umiling lang ito at tinuloy ang pakikipag kwentuhan sa isa pang kaibigan. Nag kibit balikat lang siya at naglakad na.

Gano'n naman palagi. May main idea and of course may option. Siya 'yong option. Nagtagis ang bagang niya pero agad niyang binawi at ngumiti saka inayos ang sarili bago lumabas ng kuwarto ."Kanina wala na namang sinaing." Dinampot niya ang sapatos at isinuot.

Nag bingi-bingihan lang siya sa sinabi ng Asawa nang ate niya.

Nakikitira lang siya rito pero hindi naman niya nakakaligtaan na hindi magsaing at mag asikaso sa kusina at bahay, nagkataon lang kanina na walang bigas. Ayaw din naman niyang gisingin ang Kapatid dahil ayaw niyang makaistorbo.

Lumabas na siya. "Papasok na'ko 'te." Hindi na niya hinintay na sagutin siya ng Kapatid.

Pagkarating sa classroom naabutan niyang nakaupo si Rona sa katapat ng upoan niya. "Oh bakit?" Nilapag niya ang Bag niya at umupo rin. "Hindi ba masyadong halata 'tong nunal ko sa mukha?" Tiningnan naman niya ang mukha ni Rona. Average look lang siya. May maliit na ilong at bilog na mukha.

"Hindi naman masyadong halata pero kung titingnan talaga mahahalata." Lumabi si Rona at tiningnan ulit ang mukha sa maliit na salamin. "Ano kaya Kong tanggalin ko 'tong nunal ko?"

Bakit ba may mga tao talagang ayaw makontento sa hitsura nila?

"Bahala ka. Pero kung ako tatanungin mas mabuti ngang tanggalin mo nalang." Nginitian niya ito.

Maya-maya lang ay dumating na ang kanilang first subject teacher sa hapon. Mabilis ang oras kaya hindi niya na namalayan na hapon napala at kailangan ng umuwi.

Tahimik lang siyang pumasok sa loob ng Bahay. As usual wala na namang tao sa salas. Nasa loob ng k'warto ang mga ito at nag papalamig. Palibhasa naka Aircon.

Nilapag niya ang kaniyang Bag sa kama Saka nag palit ng damit na pambahay. Pagkatapos lumabas siya at nag simula ng mag hugas nang mga plato. Nag saing narin siya habang nagliligpit ng mga gamit at kalat sa mesa.

Nang matapos siya sa gawain ay pumasok siya ng k'warto at nagpahinga. Hindi naman siya ang nag di-disisyon ng ulam . Basta kung ano lang ang nakahain ay 'yon narin ang sa Kaniya.

Kinabukasan tanghali na siyang nakarating sa school dahil mabagal kumilos ang kaniyang pamangkin. Nauna kasi itong naligo sa kaniya dahil nag saing pa siya.

Mabuti nalang wala pa ang first subject teacher nila sa umaga. "Anyare?" Tanong niya kay Rona. May bandage kasi ito sa mukha. "Malapit ng matanggal 'yong nunal ko."

 One Shot StoryWhere stories live. Discover now