9- Psycho

15 0 0
                                    


Lunes nang umaga at nagkakaguluhan sa loob ng classroom. "May bago tayong kaklase!" Narinig kong Sabi nong isa Kong kamag-aral na walang ginawa kundi ang maki-chismis. Walang kibo akong umupo sa aking upuan sa may bandang kaliwa, Hindi malayo sa bintana.

Dahan dahang nawala ang mga studyante sa labas ng aming silid, hudyat ng paparating na ang aming terror teacher. Hindi nga ako nagkamali. Sa kaniyang likuran ay may babaeng nakasunod. Nakatabon ang mahaba at tuwid nitong buhok sa kaniyang mukha kaya Hindi ko maaninag kung sino itong kasama ni sir.

Hanggang sa maka-upo na siya ay gano'n padin ang kaniyang aurahan. Dahil sa kuryusidad ay nilapitan at hinawi ng mga kaklase ko Ang kaniyang buhok. Agad Kong nakilala ang babae. Bakit siya pinapasok ng kaniyang mga magulang?

Malakas na tawanan Ang narinig ko mula kila Thea. Isa sa mga bully sa aming paaralan."Bakit may mongoloid sa classroom natin?" Sabay-sabay ang sabog ng tawa nila.

Siya si Riza ang kababata ko na halos Kapatid na ang aming turingan. Subalit may dumating na sakit sa kaniya na hindi namin inakala. Naging isip-bata siya. "P'wede bang magsitigil kayo!" Hindi Kona mapigilan ang hindi mapasigaw sa grupo nila Thea.

Maganda at matalino sa akin si Thea at madalas pangalawa kanga ko sa ranking sa skwelahan. Nasa kaniya nasana ang lahat kaso ayaw ko sa ugali niya. Masyado siyang pelengera at sip-sip sa aming guro, kaya naman marami ang nagagalit sa kaniya.

"Pinagtatanggol mo ba ang mongoloid na'to?" Ngumisi siya at humarap sa maraming studyante at doon kinunan ng video si Riza habang nagtatawanan sila ng kaniyang tropa. Hindi lang yan Ang kaniyang ginawa sa Kay Riza kundi marami pa.

Isang araw nagulat nalang ang karamihan sa nalaman. Sinakal at sinampal ni Riza ang isa sa mga galamay ni Thea. Lumaban na siya! Hindi na siya magpapaapi sa kanila. Agad na umalarma ang mga Nars sa school namin para ipagamot si Bey. Ang alagad ni Thea. Putlang putla na Tito nang dalhin sa clinic. Nang hapon ding iyon ay may sinakal na naman si Riza at hinampas ng PBC sa ulo.

"Guy's Patay na si Bey!"

Hindi maipaliwanag ang mukha ni Bey nang silipin ko ito. Marami Ang nagiyakan sa school. Isa-isa naring inimbistigahan ang aming mga kaklase tungkol sa pagkamatay ni Bey.

Wala silang ibang bukang bibig kundi "Baka pinatay siya ni Riza." Marami naman ang sumang-ayon, sapagkat hindi maayos ang pagiisip ni Riza kaya maaring gawin niya ito, lalo na't nagawa na niyang saktan si Bey at ang iba ko pang kaklase na nambully sa kaniya.

Balisang-balisa na umakyat si Thea sa third floor ng building. "Thea bakit?" Bungad na tanong agad sa Kaniya ng kaniyang isa pang kaibigan."I can't believe this. Si Riza natagpuang Patay!" Dahil sa aking narinig ay Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Kawawa naman siya. "Nagbigti raw ito." Dag-dag pa ni Thea.

Sumilip ako sandali sa burol ni Riza Saka umalis din agad.

Masyado nakaming pinag-iingat ng aming mga guro at magulang sa pag-uwi dahil baka raw may serial killer talaga. Baka rin daw Hindi si Riza ang pumatay Kay Bey at hindi raw nagbigti si Riza.

Kinabukasan mag C-cr sana ako nang pagbukas ko nang pinto ay tumambad sa akin ang nakasusuka at nakadidiring hitsura ni Thea. Patay na ito! Nakalapag ang putol nitong ulo sa takip ng bowl habang ang mga binti nito ay putol at nakalagay sa lababo. Ang dating maputing Cr ay nababalitan na ng kulay pula.

Ang mga braso ni Thea ay putol din katabi Ng kaniyang dalawang binti sa lababo. Ang putol nitong ulo ay Hindi rin maipaliwanag dahil Hindi na halos makilala ang hitsura. Naliligo nang dugo ang Kaniyang katawan samantalang labas naman ang utak nito.

"Baliw ang pumatay sa kaniya!" Sabi nang babaeng hindi makatingin sa putol nitong mga katawan. "Jesus, karumal dumalaw na krimen!" Napakuros ang isa sa mga Nars nang Makita ang pigura ni Thea. Katulad na katulad sa pagkamatay ni Bey.

Tahimik akong naglakad sa corridor habang iniisip ang mga nakatutuwang pangyayari habang pinapatay ko si Bey, Riza at Thea.

Tinali ko sa lubid ang leeg ni Riza at inuto na ibibitin ko siya. Kitang-kita ko kung paano lagutan ng hininga si Riza habang labas ang kaniyang dila.

Si Bey naman ay pinuntahan ko sa clinic at doon ay hinampas ng tobo sa ulo ng paulit-ulit hanggang tumalamsik ang kaniyang malapit na utak. I love Riza kaya tinulungan Ko na siyang magpahinga.

End.

 One Shot StoryWhere stories live. Discover now